Chapter 65 Hailey Sophia Medrano PAGKALABAS ko ng building, agad akong sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Tumama iyon sa mukha ko, sa balat ko, sa mga mata kong kanina pa mainit sa kakaiyak. Napahinto ako sandali at napapikit, hinayaan kong tamaan ako ng hangin na parang pilit tinatanggal ang bigat na kanina pa nakadagan sa dibdib ko. Dahan-dahan akong huminga. Masakit pa rin. Pero kahit papaano… may gumaan. Sa wakas. After three years… nakawala rin ako. Kung noon ko pa ito ginawa… baka hindi na ako umabot sa ganitong punto. Baka hindi na ako umiyak nang ganito. Baka hindi ako ganito kaubos. Pero hindi dahil mas pinili kong manatili at pinili kong umasa. Pinili kong mahalin siya kahit malinaw na hindi niya ako kayang mahalin pabalik. At ngayon… ako ang nagbabayad. Unti-unti ako

