Chapter 47 Hailey Sophia Medrano MAY suot siyang fitted dress na parang pang-party na agad. Ayos ang buhok niya, flawless ang makeup, at may ngiti sa labi na parang may alam siyang hindi ko alam. Ngiting abot tainga. Para bang sobrang saya niya na makita ako. “Surprise,” sabi niya. Napatitig lang ako sa kanya nang ilang segundo. Hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko sa labas ng pintuan. “Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong ko sa wakas. Parang hindi niya napansin ang lamig ng boses ko. Sa halip, mas lalo pa siyang ngumiti. “I came to pick you up,” sabi niya na parang normal lang iyon. Napakunot ang noo ko. “Pick me up?” Tumango siya. “For the party,” sagot niya. Mas lalo akong naguluhan. “Anong party?” She tilted her head slightly, parang nagtataka sa tanong ko. “The blowout pa

