Chapter 46.02 Hailey Sophia Medrano HABANG nakasandal ako sa balikat ni Brayden. Nakapulupot ang isang braso niya sa likod ko habang ang kabilang kamay naman ay paminsan-minsang humahaplos sa tiyan ko. Parang hindi pa rin siya nagsasawang maramdaman na may baby kaming dalawa roon. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Sa stage, kilala siya bilang isang confident at wild na performer. Pero kapag kaming dalawa lang… ibang Brayden ang nakikita ko. Mas tahimik. Mas malambot. “Alam mo,” sabi niya bigla habang nakatingin pa rin sa tiyan ko, “I still can’t believe na may baby na tayo.” Napangiti ako. “Ako rin.” Bago pa ako makapagsalita ulit biglang nagring ang cellphone niya sa mesa sa harap namin. Napalingon siya roon at agad itong kinuha. Sumulyap siya sa screen bago n

