Chapter 35 Hailey Sophia Medrano SA driveway ng hotel kami tuluyang nagpaalam kay Doñya Marcella. Nakaabang na ang mahabang itim niyang limousine, at bago siya sumakay ay muli niya akong hinarap, maayos ang tindig at parang hindi napapagod sa buong araw na pakikipag-usap. “I can have my driver drop you off,” alok niya nang magaan ang tono. “It’s safer. Traffic can be unpredictable at this hour.” Sandali akong nagulat sa offer pero agad akong ngumiti. “Thank you, Marcella, pero may dala po kaming sasakyan. Si Mara ang magda-drive.” She nodded slowly, parang sinusukat pa rin ako hanggang huli. “Alright. I like a woman who stands on her own.” May bahagya siyang ngiti bago tuluyang sumakay sa limousine at isinara ng driver ang pinto. Pinanood ko sandali ang pag-alis ng sasakyan niya bago

