02: Babala

1847 Words
Chapter 02 Hailey Sophia Medrano NAGLARO kami ni Mara sa indoor tennis court ng sports club. Parang gym lang ang vibe, may glass walls, may echo ang bawat hampas ng bola, amoy rubber at disinfectant. Kapag may extra time ako, dito ako pumupunta. Hindi para mag-compete. Pang-release lang ng stress. Exercise na rin. Clear ng utak. “Sophie,” tawag ni Mara habang sumeserve, “aminin mo na.” I blocked the ball. “Aminin what?” “Si Brayden,” diretsa niyang sagot. I rolled my eyes, sabay palo ulit ng bola. “Don’t start.” She laughed. “Doc, please. The way you look at him? Hindi ako bulag.” “Ang bata niya,” mabilis kong sagot. “Twenty– two lang siya.” “Five years lang agwat niyo,” balik niya. “Hindi twenty vs forty.” “Still,” sagot ko, mas madiin ang palo. “No.” She stopped playing, hawak ang racket sa balakang. “You deny too much. That’s suspicious.” “Or maybe you’re just bored,” sagot ko, hingalin na. Mara was my friend even before she became my PA. Same university kami noon. She stopped studying when she got pregnant, life happened. That’s why she knows me too well. Alam niya kapag nagsisinungaling ako. At alam kong hindi ko puwedeng aminin sa kanya ang totoo. Because once I say it out loud, it becomes real. Tinapos namin ang set at naupo sa bench. Kinuha ko ang towel ko at pinunasan ang mukha ko, humihinga nang malalim. “Still denying?” tanong niya, sabay inom ng tubig. “Still denying,” sagot ko agad. Bigla niya akong siniko. “Oh my G.” Napatingin ako sa kanya. Ngumuso siya papunta sa entrance door. Sinundan ko ang direksiyon ng tingin niya. And my chest tightened. Papasok sina BJ at Kathryn. Nakaalalay pa si BJ sa kanya, protective ang kilos. May bodyguard silang kasunod. Hindi ko alam kung bakit dito pa sila pumasok. May iba namang court. Marami pa. Pero dito pa talaga. Nakita ako ni BJ. Agad siyang kumaway, may ngiti sa mukha, parang natural lang. Parang walang komplikasyon. I lifted my hand slightly, reflex. Then I saw Kathryn look at me. May ngiti rin siya, pero pilit. The kind of smile na pang-public lang. Pang-camera. Halatang hindi niya nagustuhan ang presensiya ko. “Awkward,” bulong ni Mara. Hindi na ako sumagot. I felt… small. Out of place. Like I stepped into a scene I didn’t belong in. And it hit me hard. This wasn’t just dangerous anymore. Masakit na. Lumapit si BJ sa amin, bitbit ang easy smile niya na parang walang kahit anong problema sa mundo. “Hailey,” sabi niya, “meet Kathryn.” Humarap sa akin ang dalaga. Up close, she really looked like an angel, soft features, flawless skin, iyong tipo ng mukhang pang–interview na kahit anong tanong, mabait pa rin ang sagot. Ngumiti siya, pero hindi umabot sa mata. “Hi,” sabi niya, sweet ang boses. Too sweet. “Hi,” sagot ko rin, kalmado. Professional smile on. “I’m Hailey.” She looked me up and down, quick scan lang, pero malinaw. Hindi niya ako gusto. Ramdam ko agad iyon. Hindi ko alam kung dahil kay BJ, o dahil lang… sa akin. It’s funny. Hindi lang ako dermatologist. Marunong din akong bumasa ng isip ng tao. “Nice to meet you,” dagdag niya, pilit ang ngiti. Parang may invisible script siyang sinusunod. “Same,” sagot ko. Kung plastikan ang labanan, kaya ko rin ‘yan. Sa isip-isip ko, akala ko mabait ka. Iyong tipong anghel sa camera, humble, soft-spoken. Pero ngayon, parang nagbalat-anyo ang mala-anghel na mukha niya. Subtle lang, pero nandiyan. Bigla siyang umingos. “Bray, doon na lang tayo sa kabila,” sabi niya kay BJ, sabay hakbang. At bigla na lang nagkrus ang legs niya. “Oops!” Napaatras siya, parang mawawalan ng balanse. Hindi ko alam kung sadya o hindi. Pero bago pa siya tuluyang bumagsak, nasalo na siya agad ni BJ. Automatic and over protective. “Careful,” sabi ni BJ, hawak siya sa baywang. “Oucch...” daing ni Kathryn. “My ankle… masakit.” Kumapit siya lalo kay BJ. “I don’t think I can play anymore. It hurts so bad.” Too bad. Too loud. Too dramatic. Bwesit. I glanced at Mara. Napapikit siya, halatang pinipigilan ang sarili. Parang isang segundo na lang, sasabog na. “Should we sit you down?” tanong ni BJ, halatang nag-aalala. “Yes, please,” sagot ni Kathryn, mahina ang boses. “I think I twisted it.” Ito ba ‘yong sinasabi mong kalog at masarap kausap? tanong ko sa sarili ko. Well, kalog nga. Kalog sa kaartehan. Bigla siyang binuhat ni BJ in bridal style. May ilang napalingon. May isang lalaking may camera sa gilid. Then may mga flashes ng cam everywhere Ramdam ko ang sikmura kong bumigat. Great. Tiyak headline bukas. Maingat siyang ibinaba ni BJ sa bench. Tapos, walang alinlangan, lumuhod siya sa harap ni Kathryn at hinilot ang sinasabi nitong masakit. “Does it hurt here?” tanong niya. “Yes… ah,” daing ni Kathryn, parang nasa teleserye. “BJ, you’re so sweet.” Napairap si Mara, hindi na niya napigilan. “Grabe,” bulong niya sa akin. “Gusto ko siyang pektusan.” Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa eksena sa harap ko. Si BJ, seryoso, kita ang concern sa gwapong mukha nito. Si Kathryn, mahina, helpless, perfect victim. Ako nakatayo sa gilid, nagpupuyos ang dibdib. NARINIG ko si Mara na nagsalita sa likod ko. “Artista nga,” bulong niya, hindi na halos ibinaba ang boses. “Plastic. Kitang-kita ang kaartehan. Ang layo sa pinapakita sa camera. My God.” Hindi na ako tumingin pabalik. Ayokong makita pa ang eksena. Ayokong makita si BJ na nakaluhod sa harap niya. Ayokong makita ang sarili kong reaksyon. Kinuha ko ang bottled water, binuksan, at uminom nang diretso. Parang sinusubukan kong lunukin ang paninikip sa dibdib ko. Then I fixed my bag, inayos ang racket, at tumayo ng tuwid. Uuwi na ako. “Mara,” sabi ko, mahinahon kahit ramdam kong nanginginig ang loob ko, “ikaw na magdala ng gamit sa sasakyan. Mag-CR lang ako sandali.” “Sure ka?” tanong niya, nag-aalala. “Yeah. I’m fine.” Hindi na ako naghintay ng sagot. Dumiretso ako sa ladies’ room. Tahimik doon. Malamig ang ilaw. Malinis. At least dito, walang nanonood. Pagkatapos kong magbanyo, huminga ako nang malalim bago lumabas ng cubicle. Napahinto ako sa paghakbang nang makita ko ang repleksiyon sa salamin. Si Kathryn. Nakatayo sa may sink. Ayos na ayos. Walang bakas ng pilay. Walang kaartehan. Parang kanina lang, akala mo talaga ay nasaktan. Nagkatinginan kami sa salamin. Ngumiti siya. Mahina lang. “So you’re Hailey,” sabi niya, mahinahon ang tono. “The dermatologist, right?” Tumango ako. “Yes.” “Ikaw pala ‘yung laging binibida ni BJ sa akin,” dagdag niya, parang casual na usapan lang. “He keeps saying you’re the best. Sabi niya I should transfer to you.” Hindi ko alam kung papuri ba ‘yon o sarcasm. Pero pinili kong sakyan ang mga sinasabi niya. “If you want,” sagot ko. “My clinic’s open.” She tilted her head, studying me. “Good. I might.” Tahimik kami saglit. Akala ko doon na matatapos pero hindi pala. “I know about you,” bigla niyang sabi, parang nagkukuwento lang. “You’re adopted, right?” Biglang nanlamig ang buong katawan ko. “Anak ka ni Hanna,” dagdag niya, sabay maikling tawa. “Isn’t she a crimi—” She paused. Hindi niya tinapos. Tinakpan niya ang bibig niya, kunwari nagulat sa sarili niyang sinabi. Pero halata, aliw na aliw siya at sadya niya talagang sabihin iyon. Kumuyom ang mga kamao ko sa magkabilang tagiliran ko. I felt it. That familiar weakness of mine. Iyong pakiramdam na hinuhukay ang isang bahagi ng buhay kong hindi ko na gustong galawin. Bata pa ako nang mapunta ako sa mga kinikilala kong mga magulang na kumupkop sa akin. Patay na ang tunay kong ina. At kung may isang bagay akong ayokong mangyari, iyon ang gawing tsismis ang pagkatao niya. Alam ko ang kasalanan ng aking ina at kung ano ang pagkakamali niya pero ang pamilyang umampon sa akin hindi nila pinaramdam kung sino ako. Mahal ako ng Mommy Zari ko at Daddy Josh at mahal din ako ng mga kapatid ko. Huminga ako nang malalim. Pilit pinapakalma ang sarili ko. “That’s not appropriate,” mahinahon kong sabi. Professional pa rin. She smiled again. Mas malinaw na ngayon. Hindi na angelic. “Relax. I’m just saying.” “No,” sagot ko, diretso na ang tingin. “You’re crossing a line.” Sandaling nagbago ang ekspresyon niya, pero bumalik agad ang ngiti. “Touchy.” Hindi ko na siya sinagot. Tinalikuran ko siya at hindi ko maawat ang sarili ko na mapaluha. Nasasaktan ako kapag usapin tungkol sa aking ina. Paglabas ko ng ladies’ room, muntik na akong bumangga sa isang matipunong katawan. At matutumba sana siya kung hindi siya nahawakan nito sa magkabilaang balikat.. “Hailey?” boses ni BJ. “Hey, what happened?” Napatingala ako sa binata. Masyadong malapit at napatingin siya sa mukha ko. “Why are you crying?” tanong niya, halatang nag-aalala. Tumaas ang kamay niya, parang gusto akong hawakan pero nagdalawang-isip. Mabilis kong pinunasan ang mata ko. “I’m fine. Napuwing lang.” He frowned. “Sure ka?” Tumango ako agad. “Yeah. Contact lens. Happens.” Tinitigan niya ako ng ilang segundo, parang sinusukat kung nagsisinungaling ako. Sa huli, tumango rin siya. “Okay,” sabi niya. “Wait, have you seen Kath?” Tanong niya sabay palinga–linga sa paligid akmang hahakbang siya. Bago pa siya tuluyang makalayo, nagsalita na ako. “BJ,” tawag ko. Huminto siya at humarap ulit sa akin. “Kilalanin mo siyang mabuti,” sabi ko, diretso. “That’s all I’m saying.” Bahagya siyang nagulat. “Ha? Bakit?” “Just… be careful,” sagot ko. “That’s my warning.” Napahaplos siya sa batok, medyo awkward ang ngiti. “Actually, nasa dating stage na kami ngayon. I want to know her better.” Dating. Parang may pumiga na malalaking kamay sa dibdib ko. Bigla na lang hindi ulit ako makahinga. So… nililigawan na niya. Those words hit harder than I expected. Mas lalo lang naghalo ang sakit, iyong nakita ko kanina, at iyong mga sinabi ni Kathryn sa akin sa CR. Parang sabay-sabay silang bumalik. I forced a smile. Kahit nanginginig na ang mga kamay ko. “Good luck,” sabi ko. “Thanks,” sagot niya agad. “And… I’ll take your advice. I’ll really get to know her.” Tumango na lang ako. Wala na akong masabi. Wala na akong karapatan magsalita pa. Tumalikod ako at naglakad palayo, kahit alam kong baka tumulo na naman ang luha ko anumang oras. Hindi na ako lumingon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD