01–Simula ng lahat

2359 Words
Chapter 01 Hailey Sophia Medrano SOBRANG aga pa lang pero puno na agad ang clinic. Ganito talaga araw-araw sa clinic ko. Back-to-back ang appointments, ordinaryong tao na gustong ayusin ang acne scars nila, mayayamang socialites na OC sa pores, at siyempre, mga artista. Actors. Actresses. Iyong iba pa-usbong pa lang, iyong iba haligi na ng industriya. Dermatologist ako, hindi lang taga-apply ng kung anu-anong cream. I check their skin like it’s a case file, texture, sensitivity, breakouts, hormonal patterns. May laser sessions, chemical peels, injectables na kailangan sobrang ingat dahil isang maling turok lang, headline na agad bukas. Lalo na sa mga artista. Their faces are literally their careers. “Doc, si Ms. Madrigal is ready na,” sabi ni Liza, isa sa senior nurses ko, sabay abot ng chart. I nodded. “Same protocol. Gentle lang. May shoot siya later, right?” “Yes, Doc.” I walked into the treatment room like it was muscle memory already. Gloves on. Calm voice. Professional face. Kahit pa sa loob-loob ko, pagod na pagod na ako. Pero hindi ako nagrereklamo. Isa sa mga last patients ko for the morning si Beatrice. Kahit sobrang sikat niya, walang arte sa katawan. Siguro dahil lumaki kaming magkakilala. Best friends ang mga tatay namin. Family dinners, birthdays, Christmases, normal na parte siya ng buhay ko kahit naging A-lister na. “Hi, Sophie,” nakangiti niyang bati habang humihiga sa bed. “Hi, superstar,” sagot ko. “You’re breaking out a little here,” sabi ko habang tinuturo ang jawline niya. “Stress?” She groaned. “Always.” I treated her like any other patient. No special favors. She trusts me, and I don’t take that lightly. Pagkatapos niya, sunod-sunod ulit. By noon, ramdam ko na ang bigat sa balikat ko. Tinanggal ko ang gloves ko at umupo sandali sa desk ko. That’s when I checked the schedule again. 2:00 PM – Brayden Jaydrian Madrigal – Facial / Maintenance Tumigil ang kamay ko. Si BJ. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang huminga nang malalim, pero ginawa ko. Isang beses. Dalawang beses. “Doc,” bulong ni Mara mula sa pinto, may ngiti na halatang may alam. “Darating na raw si BJ mamaya.” “As if hindi ko alam,” sagot ko, pilit casual. “Client ko siya.” “Uh-huh.” Tinaasan niya ako ng kilay. “Client lang ba?” “Don’t start,” mabilis kong putol, pero huli na. Narinig ko na ang sarili kong boses, may konting kaba. BJ is Trice’s younger brother. Limang taon ang tanda ko sa kanya. I watched him grow up. From awkward teen na lagi lang naka-hoodie, hanggang sa ngayon, internet sensation, musician, singer. Drums, guitar, vocals, damn. Kahit sinong makarinig, mapapalingon. At oo, aminado ako. Humahanga ako. I’d be lying kung sasabihin kong hindi. Pero hanggang doon lang. Dapat doon lang. Bata siya. At nakakahiya. What if malaman nila? What if isipin ng mga tao, no. I shut that thought down. By 1:55 PM, tahimik na ulit ang clinic. My staff pretended to be busy, pero ramdam ko ang anticipation sa hangin. Then the door opened. “Hi,” familiar na boses. Warm. Relaxed. I looked up. BJ stood there in a black shirt, cap slightly pulled down, guitar case slung over his shoulder. Simple lang, pero may presence na hindi mo maipaliwanag. Iyong klase ng tao na hindi kailangang magpakitang-gilas, natural lang. “Hey,” sagot ko, mas mahinahon kaysa sa nararamdaman ko. “You’re on time.” “Of course,” ngiti niya. “Ayokong pagalitin ang favorite kong doc.” I rolled my eyes. “Client ka lang.” He chuckled, low and soft. “Ouch.” Sa treatment room, mas ramdam ko ang katahimikan. I prepped his face, professional mode on. Cleanse. Assess. Gloves. “You’ve been busy,” sabi ko habang tinitingnan ang skin niya. “Late nights?” “Recording,” sagot niya. “And rehearsals.” “That explains this,” sabi ko, tapping lightly near his temple. “Stress shows up here.” “Good thing you’re here,” sagot niya, diretso ang tingin sa akin. Sandali akong natigilan. Saglit lang. Pero ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. I cleared my throat. “Close your eyes.” He did. And for a moment, I hated myself for noticing how calm he looked. How… grown. Hindi na siya ang batang kilala ko noon “You still treating me like a kid?” bigla niyang tanong. I paused. “You are younger.” “Doesn’t mean I’m clueless,” sagot niya, walang biro sa boses. There it was. That tension. Hindi ko alam kung saan nanggaling, pero bigla itong sumikip sa dibdib ko. “BJ,” maingat kong sabi, “I’m your dermatologist. And your ate’s friend. That’s it.” He opened his eyes slowly. Looked at me, not challenging, not playful. Just honest. “I know,” sabi niya. “Pero minsan, parang pinipilit mong hindi makita na hindi na ako bata.” Tahimik kaming dalawa. I finished the treatment, steady hands kahit magulo ang utak ko at dibdib. “Done,” sabi ko din at last. “Same aftercare. No late nights if kaya.” He sat up, smiling again, parang walang mabigat na sinabi kanina. Pero alam kong pareho naming naramdaman iyon. “Thanks, Doc,” sabi niya bago tumayo. “See you next week.” Tumango ako. “See you.” Pagkaalis niya, saka lang ako huminga nang malalim. This is dangerous. And I shouldn’t feel this way. Pero habang tinititigan ko ang pinto ng clinic, isang bagay lang ang malinaw. Kung ano man itong naramdaman ko. Hindi na ito simpleng paghanga lang. NAPAPITLAG ako nang biglang may sumungaw sa pinto. “Doc?” nakangising sabi ni BJ. “Parang nakakita ka ng handsome ghost ah.” “Jesus,” napamura ako nang mahina. “Hindi ka ba marunong kumatok?” Tumawa siya, tuluyang pumasok. Kalmado akong tumayo at kinrus ang mga braso ko, pilit ibinabalik ang professional face ko kahit ramdam ko pa ang bilis ng t***k ng puso ko. “Why did you come back?” tanong ko, kunwari casual. Ngumiti siya. Iyong ngiting alam niyang epektibo at tatalab sa akin. Sumilay ang dimple niya sa kanang pisngi, dammit. Lalong gumwapo. Hindi patas. Pareho sila ng Kuya Bryn niya, asul ang mga mata, mana sa American nilang lola. Tall, broad shoulders, hindi na iyong payat na batang kilala ko noon. His body… growing into itself. I looked away. Parang tutulo ang laway ko. “Hailey,” pabirong sabi niya, “huwag mo akong titigan ng ganyan. Baka matunaw ako.” “Assuming much?” sagot ko agad, pero huli na. Narinig ko ang sarili kong boses, may ngiti. “Busy ka pa?” tanong niya, sabay sandig sa pinto. “Treat kita. Ice cream lang. Promise, wholesome.” Natawa ako. Isang maikling tawa na hindi ko napigilan. Nakakainis. Bakit ganito ako sa kanya ka apektado? “BJ, no,” sabi ko, diretso na. “I still have charts to finish.” “Five minutes,” mabilis niyang sagot. “I swear. You deserve a break. Plus—” yumuko siya nang bahagya, may pilyong ngiti sa labi, “—I already told my driver to wait.” I frowned. “That’s not how asking works.” He shrugged, smile still there. “But it’s how convincing works.” Napailing na lang ako, reaching for my tablet. “You’re impossible.” “And you’re coming,” sagot niya, confident. “Tumatanggi nga ako—” “Hailey,” bigkas niya, tumaas ang boses. Hindi seryoso, pero hindi rin nagbibiro. “Please.” I rolled my eyes upward. Tumigil ako. I hated that one word had that effect on me. I exhaled slowly. “Fine. Ice cream. Five minutes. That’s it.” His grin widened. “Knew it.” We walked out of the clinic side by side. Ramdam ko ang tingin ng staff ko, pero wala na akong pakialam. Pagdating sa sasakyan, binuksan niya ang pinto para sa akin. “Gentleman na pala ngayon?” sabi ko. “Always have been,” sagot niya, sabay kindat. Sa loob ng sasakyan, tahimik sandali. Hindi awkward, mas delikado pa nga iyon. I could feel him beside me. Too aware. Too close. “You know,” sabi niya habang nakatingin sa labas, “kanina… parang ang dami mong gustong sabihin pero pinigilan mo.” I stiffened. “You’re imagining things.” “Maybe.” Bumaling siya sa akin. “But I’m usually right.” I met his gaze for a second. Just a second. Then I looked away. “BJ,” maingat kong sabi, “don’t make things complicated.” He smiled softly. Not teasing this time. “I’m not. I’m just… being honest.” And that scared me more than any headline, any rumor, any consequence. Because for the first time, I wasn’t sure kung alin ang mas dapat kong iwasan, si BJ, o ang sarili ko. HUMINTO ang sasakyan sa isang maliit na park. Hindi pa man kami bumababa, nauna nang lumabas ang apat na bodyguards ni Brayden. They scanned the area first bago kami tuluyang pinababa. Medyo natawa ako sa sarili ko, ice cream lang naman, parang may state visit. “Mukha ba akong kakain ng dirty ice cream today?” biro ko. “Relax,” sagot ni BJ, sabay ngisi. “Masarap ito.” Naglakad kami papunta sa maliit na cart. Mabuti na lang at puro bata ang bumibili. Walang nag-aabang ng camera, walang nagbubulongan. Normal lang. For once sa oras na may makakita mamaya sa kanya ewan ko na lang talaga. “Akala ko pa naman,” sabi ko, kunwa'y nagtatampo, “mamamahaling ice cream ang treat mo. Iyong sosyal.” He winked. “Like old times.” Napatingin ako sa kanya. “Old times? Excuse me. Ang Ate Bea mo at si Trice ang lagi kong kasama.” Tumawa siya, parang walang guilt. “Pareho lang ‘yon. I was always around. Ginugulo ko kayong tatlo.” He raised a brow. “Mukha ba akong five years younger sa’yo?” I smirked. “Nope. You look older now.” He smiled cheekily. Then bigla niyang sinabi, casual lang, parang wala lang sa kanya. “I can make women pregnant, you know.” Napaupo ako agad sa bench sa gulat. “What the hell, BJ?” Tumaas agad ang kamay niya. “Relax, relax.” Lumapit siya, tapos bigla niyang pinunasan ang gilid ng labi ko. Napaatras ako sa gulat. “There,” sabi niya, natatawa. “May ice cream ka dito.” Mainit. That’s the only word I could think of. Mainit ang haplos. Too familiar. Too close. Parang gusto kong pumikit at damhin iyon. “Remember?” dagdag niya. “Lagi kong ginagawa ‘yan sa’yo nung bata tayo.” Mahina akong ngumiti, pero hindi na tulad kanina. Iba na ang tama. Hindi na cute. Hindi na harmless. Umupo siya sa tabi ko, nagkukuwentohan kami tungkol sa kabataan, kalokohan niya, reklamo ko sa kanya, mga away na nauuwi sa tawanan. I tried to keep it light. Safe. Hanggang sa nagbago ang tono niya. “By the way,” sabi niya habang tinitingnan ang ice cream niya, “I met Kathryn last week.” Tumigil ang pagsubo ko sa ice cream. “Ah,” iyon lang ang nasabi ko. Kathryn. The rising actress. Everyone’s favorite. Fresh. Beautiful. Rich. Anak ng hotel tycoon. Ang alam ko eighteen years old pa lang ito at hindi nalalayo sa edad niya. Ang alam ko, he's twenty–two now. “I really like her,” dagdag niya, walang alinlangan. “She’s smart. Hindi maarte. Kalog at sarap kausap.” I nodded. “Good for you.” Pero hindi iyon totoo sa loob ko. I didn’t understand it. Hindi naman ako dapat masaktan. I had no right. He’s free. He’s young. He’s… not mine. Pero bakit parang may kumurot sa dibdib ko? I smiled anyway. Professional pa rin. Ate. Doc. Whatever label I needed to survive that moment. “That’s nice,” sabi ko ulit, mas maayos na. He glanced at me. “You okay?” “Yeah,” sagot ko agad. “Why wouldn’t I be?” He didn’t answer. Just watched me for a second longer than necessary. And that silence, that was louder than any confession. Then tumango-tango si Brayden, parang may iniisip. “Actually,” sabi niya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, “may gig ako this weekend. Out of town.” Napatingin ako sa kanya. “Really?” “Yeah. Fiesta,” sagot niya. “The mayor invited me to perform.” “Mayor?” napangiti ako. “Wait, kilala ko ba ‘yan?” He chuckled. “Of course. Asawa niya, client mo. Ikaw nga lagi niyang binabanggit sa akin. Best dermatologist daw.” Natawa ako. “Small world.” “So…” humarap siya sa akin nang diretso, “baka gusto mong sumama?” Nanlaki ang mata ko. “Ako?” “Why not?” sagot niya agad. “Sabay tayo pumunta. It’s just for the weekend.” Pumasok agad sa isip ko kung sino ang tinutukoy niya. Oo nga. I remembered her, maalaga, madaldal, palaging may baong tsismis. Ilang beses na rin akong inimbita sa kanila pero laging hindi natutuloy. “That’s actually…” huminto ako sandali. “She did invite me before.” BJ smiled, parang may na-achieve. “See? Perfect.” Tahimik ako ng ilang segundo. Weekend. Out of town. With him. Maraming dahilan para tumanggi. Mas marami para mag-isip. Mas delikado kaysa sa ice cream. Pero bago pa ako makapag-back out, tumango na ako. “Okay,” sabi ko. “Sabay tayo.” His eyes lit up. Hindi exaggerated. Kundi genuine. “Really?” “Yes,” sagot ko agad, parang natakot pa akong magbago ang isip. “But clear lang, work trip vibes. Nothing else.” Tumawa siya. “Relax, Doc. Saturday lang naman.” “Saturday,” inulit ko. “H'wag mong kalimutan.” “I won’t,” sagot niya, nasa akin ang tingin. “Promise.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD