Chapter 43 Hailey Sophia Medrano PAGKAGISING ko kinabukasan ay parang may kung anong bumaligtad sa loob ng sikmura ko. Napapikit ako nang mahigpit habang nakahiga pa sa kama. Ilang segundo lang ang lumipas pero ramdam ko na agad ang pag-ikot ng tiyan ko. That familiar, awful wave. “Oh God…” Mabilis akong bumangon. Tutop ang sikmurang nagmamadaling pumasok sa banyo at agad na sumalampak sa malamig na tiled floor at agad nagduwal nang nagduwal Morning sickness. Hindi ko alam kung pang-ilang beses na ito nitong mga nakaraang araw pero hindi pa rin ako nasasanay. Every time parang mas lumalala. Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa toilet bowl. Pawis na pawis ang noo ko kahit malamig ang sahig sa ilalim ko. Halo na rin ang luha sa mga mata ko dahil sa sakit ng lalamunan ko sa kaka

