Chapter 42 Hailey Sophia Medrano HUMINGA ako nang malalim. Biglang may pumasok na ideya sa isip ko. Magluluto ako. Simple lang. Para pag–uwi niya mamaya galing rehearsal, may kakainin siya. Hindi naman niya ako hinihingan ng ganito. At alam kong hindi rin siya magugutom doon dahil siguradong may pagkain na naka–ready para sa kanila habang nagre–rehearse. Puspusan ang practice nila ngayon. Bukas na ang concert sa Araneta. Big event. Everything should be perfect. Pero kahit ganoon… gusto ko pa ring gawin ito. Asawa niya ako. Kung may kaya akong gawin para sa kanya kahit maliit lang, gagawin ko. Nagpunta ako sa kusina at agad kong sinimulan ang paghahanda. Kinuha ko ang mga sangkap sa refrigerator. May baboy at manok doon. Naalala ko bigla ang paboritong ulam ni Brayden. Adobo. Pinag

