Chapter 41 Hailey Sophia Medrano ILANG minuto pa lang kaming umaandar nang biglang may pumasok sa isip ko. “Kuya, hindi muna sa condo,” sabi ko, bahagyang lumakas ang boses ko. Napatingin ang driver sa rearview mirror. “Ma’am?” “Sa clinic ko tayo. Doon na lang.” Isang segundo siyang nag-isip bago tumango. “Sige po.” Sumandal ako sa upuan. Hindi ko kayang magkulong sa condo ni Brayden. Mas lalo lang iikot sa isip ko ang mga nangyari. Mas lalo kong maririnig sa utak ko ang salitang secret. Mas mabuti nang magtrabaho. Mas mabuti nang maging busy kaysa mabaliw kakaisip. Pagdating namin sa clinic, agad akong bumaba. Inayos ko ang suot kong blazer at hinawakan ang bag ko. Normal day lang. Doctor ako. Professional. Walang personal issue na dapat makita sa mukha ko. Pagpasok ko sa lobby,

