Chapter 57 Hailey Sophia Medrano THREE YEARS LATER Tatlong taon na ang lumipas mula noong gabing iyon sa basement ng condo kung saan halos magmakaawa ako kay Brayden na huwag kaming tuluyang matapos. Hanggang ngayon malinaw pa rin sa isip ko ang ekspresyon ng mukha niya noon, walang emosyon, walang lambing, parang isang desisyon lang ang lahat. At ngayon, he kept his word. Sa loob ng tatlong taon, lalong sumikat si Brayden. Hindi lang sikat. He became huge. Halos lahat ng kanta niya naging hit. Every album he released went platinum in just weeks. Kapag may concert siya, sold out agad ang tickets kahit ilang buwan pa bago ang event. Hindi lang sa bansa, pati sa ibang bansa kilala na ang pangalan niya. Naging regular na ang mga interviews, magazine covers, red carpet appearances. At

