Chapter 22:

1520 Words
"Smile, though your heart is aching. Smile, even though it’s breaking. When there are clouds in the sky, you’ll get by if you smile through your pain and sorrow. Smile and maybe tomorrow, you’ll see the sun come shining through for you." - Charlie Chaplin - Ashlee pov "Hoy Ash wala ka bang balak ayusin yang sarili mo." sermon sa akin ni Cams nong minsang dinalaw niya ako. Umuwi ako sa bahay namin ng inay. "Hindi mo naman balak sundan ang inay mo sa langit no?" "Cams gusto kong mapag-isa..." "Mapag-isa? para ano??? Ash naman dalawang linggo na simula namatay ang nanay pero hanggang ngayon ganyan ka parin. Tignan mo nga yang sarili mo... pumapayat ka na... kumakain ka pa ba?" sunod-sunod na pagbubunganga nito. "Cams ayos lang ako... makakaalis ka na." ganon lang ang ginawa ko sa buong dalawang linggo. Ilang kaibigan ko na ang lumapit sa akin pero ni isa sa kanila wala akong inentertain... Hindi ko alam kung paano na ako ngayon. Si inay at Hammer ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap... pero ngayon na parehas na silang wala sa akin ay wala na ring rason para gawin ang mga bagay na dati kong ginagawa. "Sige, gusto mong mapag-isa... pagbibigyan kita... pero huwag kang dadaing sa amin kapag nagkasakit ka...!" nagmartsa na ito palabas ng pinto... "Inay, ano nang gagawin ko? Nag-iisa nalang ako ngayon..." yakap ko ang abo nito. Hindi ko mapigilang umiyak kapag naalala ko ang mga sandaling kasama ko pa siya... "Inay sabi mo hahanapin ko ang tunay kong mga magulang... Saan ako magsisimula at bakit ko pa sila kailangang hanapin kung iniwan lang naman nila ako sa basurahan..." nahagip ng mata ko ang picture frame na nakasabit sa dingding... Tumayo ako para kunin ito... pagkatanggal ko sa dingding ay may tumalon na butiki. Dahil sa gulat ay nabitawan ko ito... "Ano ka ba namang butiki ka... pwede namang sabihin mong nandiyan ka eh... ginulat mo pa ako..." kausap ko sa butiki... "Ayan nabasag tuloy..." pupulutin ko na sana ito nung may napansin akong isa pang picture sa likod ng picture ko nong baby ako. Isang babae, at isang baby... Ako ang karga niya... parehas kami ng kwintas na suot... Sino siya??? May napansin akong nakasulat sa likod nito... Alexis Allelee Montero... Posible kayang siya ang nanay ko... May sulat itong nakatupi binasa ko ito. Dear my love A'a, "A'a? Sino si A'a???" tanong ko sa sarili ko... "Ash... nandiyan ka ba sa loob???" boses ni Gel. Hindi ako umimik. Naramdaman ko nalang na binuksan nito ang pintuan. Binasa ko ang sulat... kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. "My love A'a siguro kapag nabasa mo ito ay malaki ka na... Patawad anak. Patawad kung kailangan kitang iwan. May rason ako kung bakit ko gagawin saiyo ito... Sana mabuting tao ang makakuha sa iyo... Mahal na mahal kita. Kung sakali mang dumating ang panahon na gusto mong malaman ang totoong pagkatao mo ay hinihiling kong sana ay buhay pa ako. Ang kwintas mo ay simbolo ng ugnayan nating dalawa... sana ingatan mo ito dahil iyan ang patunay na ikaw ay anak ko... Mamimiss kita anak... at sana darating pa ang araw na magkrus ang landas natin... Love, Mommy Alexis Tumulo ang luha ko... Inabutan ako ng panyo ni Rogelio... "Kung gusto mo siyang makilala, dadalhin kita sa kanya..." wika niya... "Ki-kilala mo ba siya?" tanong ko. Tumango lang ito. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" "Gusto ko mang sabihin saiyo ay ayaw mo namang makinig." naalala ko, sinasabi nga pala niya noong araw na nawalan na ng hininga ang inay na may nakita siyang replica ng kwintas ko. "Dalhin mo ako sa kanya... Madami akong gustong malaman." "Pwede bang maligo ka muna? Ang baho mo na Ash..." bigla akong nahiya... oo nga pala, wala pa akong ligo... Pumunta ito sa kusina pero bumalik din agad. "Oh ito... ang pangit mo na. Kakaiyak namumugto na yang mga mata mo." inabutan niya ako ng yelo... Kinuha ko ito at nilagay ko ang ice sa mga mata ko. Ito din kasi ang ginagamit ko para mawala ang eyebags ko. Pagkatapos kong nagbihis ay umalis na kami. "Saan tayo pupunta? Huwag mong sabihin na pupunta tayo sa Resort ni Hammer." kinakabahang saad ko dito nong napansin kong ang daan papunta sa asawa ko ang tinatahak namin. "And who told you that I will bring you to your asahole boyfriend?" singhal niya. "Saan tayo pupunta? Bakit dito tayo dumaan?" nag-aalburuto na ako. "Ganyan mo ba kagustong makita ang asawa mo?" madilim ang mukhang tanong niya. "Hindi, pero saan nga tayo pupunta?" " Just keep quiet!" bulyaw niya. "Binubulyawan mo ba ako???" bulyaw ko din. "Ash yan ba ang epekto sayo ng pang-iiwan mo sa asawa mo at pagkawala ni nanay?" biglang tanong niya. Hindi ako umimik. "Matanong nga kita... kung may isang bagay kang gusto mong mapasayo na pag-aari ng asawa mo... Ano?" napaisip ako. Bakit napunta doon ang usapan. " Maliban sa puso niya... Gusto kong mapasaakin ang resort pero malabong mangyari yon dahil isang hamak na mahirap lang ako." nakikinig lang ito. "At binuo nila iyon ni Yanna. Kaya malabo talaga..." tumango-tango ito... "Okey we're here... Are you ready to meet your biological mom?" kinabahan ako... kung kanina gustong-gusto ko itong makita ngayon naman ay gustong-gusto ko nang umatras... "Hindi ka pa ba lalabas?" nagpalinga-linga ako sa paligid. Anong ginagawa namin dito? "Dito ako unang nagtrabaho paglabas ko ng resort ah... Bakit tayo nandito.?" naguguluhang tanong ko. "Let's go..." hindi ako nito sinagot basta nalang niya ako hinila niya palabas ng sasakyan... "It's your time to step forward Alexia Ashlee..." kumunot ang noo ko.. Sa tinagal-tagal naming magkakilala, ngayon lang ako nito tinawag sa buo kong pangalan. "ROGELIO? may problema ba?" tanong ko. "Nothing Ash..." sagot niya. Nagpatianod nalang ako sa kanya. "Mr. Tan it's good that you are already here..." "Nice meeting you again mam Ashlee..." sabi ni Melai... it's kinda weird... "Bakit may mam Melai?" tanong ko. Pero hinila na agad ako ni Rogelio sa underground.. "Oops, namatay lang ang inay Rogelio pero wala pa akong balak sumunod sa kanya..." kumunot ang noo nito. "Anong pinagsasabi mo." tanong niya. "Anong gagawin natin diyan? Huwag mong sabihing mamamatay tao ang tunay kong ina at diyan niya ako didispatsahin sa under....." hindi ko na itinuloy ang anumang sasabihin ko. "Wow, underground ba to? Ang ganda...." tanong ko. Dahil hindi ito mukhang underground, mas tamang sabihing isa itong secret room dahil sa pagkakadisenyo niya... "Psssstt... Sino siya...?" tanong ko sa kanya dahil may babaeng nakaupo, habang may hawak na wine pero wala akong natanggap na sagot. "Tita..." tawag niya dito. "Nandito na pala kayo..." napatigil ako nong mamukhaan ko ang kaharap ko. "A'a???" siya nga... siya iyong babae sa picture... "Alexis Allelee???" halos bulong lang ang lumabas sa labi ko. "Anak??? ikaw nga... Hindi ako nagkamali..." Yumakap ito sa akin... naramdaman ko na parang may nabuo sa pagkatao ko... kusang tumulo ang mga luha sa mata ko... "Ikaw po ang nanay ko?" wala sa sariling tanong ko. "Ako nga... ako ang mommy mo... Sorry anak..." hinaplos-haplos nito ang pisngi ko. "Salamat ng marami Rogelio... Kung hindi dahil saiyo, ay hindi ko mahahanap ang anak ko..." baling niya kay Rogelio. "Ano pong ginagawa niyo dito?" naisipan ko siyang tanungin. "Ako ang may-ari nito anak..." "Sa inyo po ang A'a restobar?" tanong ko... "Oo anak... pero hindi ko alam na empliyado ka sa main. Kung hindi kwinento sa akin ni Rogelio ay wala akong kaalam-alam..." "Sino ang naghire sa akin kung hindi po kayo?" "Si Rogelio ang namamahala nito dahil nasa China ako. Siya din ang naghire saiyo anak. " napatingin ako sa leeg nito. Wala sa sariling hinawakan ko ang pendant ng kwintas ko. " Condolence pala anak... " niyakap niya ako ulit. All this time ay wala akong kaalam-alam na ang pinagtatrabahuan ko palang restbar ay pag-aari mismo ng aking ina pero bakit si Rogelio ang namamahala.. "Ooopppsss I know what runs in your mind..." agad na apila niya... "Explain!!!" wika ko. Nagulat naman ang aking ina... "What's going on..." tanong niya.. "Hehe, wala po..." wika ko. "Bakla EXPLAIN!!!" "Ashlee!" si mommy "Ash, sabi ko na saiyo hindi ako bakla.!" Rogelio "Ano kasi, nong pumunta akong China, nakilala ko ang grandfather ko... Then nakilala ko ang mommy mo... My father and your father are cousins.. " "Whatttt??? magpinsan tayo???" tanong ko... "Absolutely yes... So can I hug now my cousin???" binatukan ko ito... "Mommy gusto pa niya akong ligawan... Ang baboy mo Rogelio..." naghabulan kaming dalawa... tumatawa lang si mommy sa amin... Pero napatigil ako nong may isang lalaking tumabi sa kanya. " Siya na ba?" tanong niya... "Oo siya na... tignan mo dalaga na siya...?" nagtatanong ang mata kong nakatingin sa kanila. "Ash come here..." itinulak ako ni Rogelio... "Hi uncle... buti nakauwi din po pala kayo." sabi niya. "Psssttt, sino siya...?" tanong ko. "I'm Jiang Gokongwei..." "I'm your father." wika nito... "Chinese ang tatay ko?" wala sa sariling tanong ko... "Oo anak.. Chinese ang daddy mo. At si Rogelio ay pamangkin niya sa pinsan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD