"Every day is a chance to begin again. Don’t focus on the failures of yesterday, start today with positive thoughts and expectations.”
Ashlee pov
" Inay nakikiusap ako saiyo. Lumaban ka... Huwag mo akong iiwan. Ikaw nalang ang meron ako." umiiyak kong sabi. Isang linggo simula umalis kami ni inay ay itinakbo ko siya sa hospital dahil hindi ito makahinga.
"Ash-lee a-nak... hin-di na ka-ya ng ka-ta-wan ko." umiling-iling ako.
"Hindi inay... kaya mo yan... Di ba malakas ka... Di ba hindi mo ako iiwan?" nalaman kong may sakit pala ito sa bato. Matagal na pala niya itong iniinda pero hindi man lang niya pinaalam sa akin. At may tuberculosis din ito.
"A-nak ma-hal na ma-hal ki-ta. Kung sa-ka-ling ma-wa-la na a-ko sa mun-do ha-na-pin mo ang mga tu-nay mong ma-gu-lang." umiling-iling ako.
"Ayaw ko inay, hindi ka mawawala... hindi ko kakayanin kapag pati ikaw nawala... Nakikiusap ako Inay, lumaban ka..." humahagulgol kong wika.
"Ma-tan-da na a-ko Ash-lee a-nak. La-hat ta-yo ay ma-ma-ma-tay. Ka-ya mag-pa-ka-ta-tag ka." hinaplos nito ang mukha ko. Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa aking pisngi...
"Hindi inay... paano na ako kapag nawala ka..." naramdaman ko ang pagdausdos ng palad niya na nakahawak sa aking pisngi...
"I-I-inay???"
"Nurse, Doc... ang inay ko..."
"Inay gising... Inay hindi mo ako pwedeng iwann..." niyugyog ko ang balikat nito...
"Tulong, nurse... doc... Tulungan niyo ang inay ko..." unti-unti akong nakaramdam ng panghihina... hindi ko alam kung yayakapin ko o maglulupasay ako sa sahig...
"Miss sa labas na po muna kayo..." pinatayo ako ng isang nurse saka inalalayan palabas... Kitang-kita ko kung paano nila pilit na nirerevive si inay... Pero sumuko na ito... Iniwan na ako nito... Bumukas ang pintuan... Dahan-dahan akong pumasok.
"I'm sorry miss, we did everything that we could but she's gone...."
"She's gone...."
"She's gone...."
"She's gone...."
"She's gone...." paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang huling sinabi nito...
"Time of death."
"1:25 pm..."
"I'm sorry for your lost..." saka sila isa-isang lumabas ng silid na iyon... tulala lang ako habang nakatingin sa katawan ng aking inay... Hindi ko alam kung bakit pero wala ni maski anong luhang lumabas. Siguro dahil naubos na kakaiyak. Simula din kasi umalis ako sa poder ni Hammer ay wala na akong ginawa kundi umiyak ng tahimik.
"It's okey to cry Ash...." isang boses ang nagpabalik sa aking diwa. What is he doing here? And how come he knows where am I?
"Iiyak mo lang... Nandito ako para damayan ka... I'm sorry for leaving you alone." isa-isang naglaglagan ang aking mga luha... Niyakap ako nito ng mahigpit.
"I'm sorry Ash.... I'm sorry..." hinalikan nito ang aking noo.
"Ang inay Gel.... Iniwan na ako ng inay..." saka palang ako humagulgol ng iyak.
"I know, I know..." hinaplos-haplos nito ang aking likod... ganun lang ang posisyon namin hanggang sa may pumasok para kunin ang katawan ng inay...
"Sa-sandali... di ba 24 hours pa bago niyo kukunin ang katawan ng inay ko..." umiiyak kong tanong.
"Dadalhin lang po namin siya sa morge mam..." sabi nang isang lalaki. Habang tinatakpan nila ang katawan nito ng puting kumot ay palakas ng palakas ang aking iyak... Walang ginawa si Gel kundi alalayan lang ako... pero dahil na din siguro sa pagod ay nawalan ako ng malay...
-----------------------
Rogelio's pov
"Sir wala na po ang nanay ni Ms. Ashlee..." isang tawag ang natanggap ko sa tauhan kong nagbabantay sa kanya.
"Sige I'll be there in a minute..." she needs me... Our Ashlee needs me... Agad akong pumunta sa hospital. At doon ko nakita ang itsura nito... She only had her nanay but now that she's gone it's time for me to help her. To start a new and to be strong.
"It's okey to cry Ash...." gulat ang rumehistro sa kanyang mga mata... Inalalayan ko ito hanggang sa kunin na ang katawan ng kanyang inay. Nawalan siya ng malay. Agad itong inasikaso ng mga nurses. Dahil na din sa pagod kaya bumigay ang katawan niya.
Pinagmamasdan ko ang maamo nitong mukha... Now I understand why I respect her so much... Now I know why destiny leads our way... I promised you... I will return you from where you belong. No one can hurt and step on you... But now, you must need to be strong.
Tinawagan ko ang body guards ko para ihanda na ang mga papeles niya... Ilalayo kita dito Ashlee at siaiguraduhin kong bagong ikaw na ang haharap sa punyeta mong asawa pag dumating ang panahon.
"Sir to cremate the deceased, they need the consent of her family..." abiso sa akin ng isa ko pang body guards...
" Tell them don't touch her body... When she wakes up, I will bring her para makita pa niya ang inay niya bago macremate." halos magdadalawang oras muna ang nakaraan bago ito nagising.
"Nasaan na si inay?" tanong nito sa nanghihinang boses...
"Dadalhin kita sa kanya..." inalalayan ko itong tumayo... Napansin ko ang kwintas na suot niya nong tumayo ito...
"Ipapacremate natin si nanay... pero inantay ka munang magising. Kaya ayusin mo yang sarili mo." pero naglakad na ito palabas ng pinto.
I know masakit pero may dahilan ang lahat. bulong ko sa sarili ko.
---------------------------
Ashlee pov
"Inay paalam... Salamat sa lahat-lahat..." yakap-yakap ko ang malamig na nitong katawan.
"Ash it's time for you to let her go... Ayaw ka niyang nakikitang ganyan... So be strong okey..." wika sa akin ni Rogelio. Sinenyasan niya ang lalaking magkicremate kay inay na ipasok na ito...
" Ash now that nanay is not here I want to discuss something to you." wala lang akong kibo...
"Ash I know the owner of that necklace that you are wearing..." doon ako kinabahan...
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko dito.
"I saw the replica of your necklace..." panimula niya.
" Kahit anong necklace ay may kapareha, so hindi na iyan bago." wika ko.
"I know na may pinagdadaanan ka pero kailangan mong malaman ang totoo..."
"So what's your point?"
" Nanay gave me your picture when you are still a baby... And I asked everywhere about that necklace..." napansin niyang hindi ako nakikinig...
"Okey let's talk some other day..." pagsuko niya.
Wala akong pakialam kung sino ang mga magulang ko... Kaya wala akong balak pakinggan ang kung ano mang sasabihin nito. Iisa lang ang magulang ko.. iyon ay ang inay... At walang kahit na sino ang makakapalit sa kanya sa puso ko.
"Ash kung gusto mong magbakasyon, pumunta tayong China..." muling sabi nito...
"Hindi... dito lang ako..." wika ko.
"Okey hindi kita pipilitin... Pero kung gusto mo tumira ka nalang sa condo ko... Mas malulungkot ka lang kapag nakikita mo ang mga bagay na nakakapagpaalala saiyo ng nakaraan..." tinitigan ko siya...
"Bakit?" tanong ko.
"Dahil mas malulungkot ka lang, lalo na wala kang kasama." sagot niya.
" Bakit bigla ka nalang umalis?"
"Bakit ngayon ka lang nagpakita?"
"Bakit Gel? Akala ko ba magkaibigan tayo... pero bakit parang napakarami akong hindi alam tungkol saiyo?" sunod-sunod kong tanong.
"Ash magpapaliwanag ako..." saad niya.
"Ano pa bang hindi ko alam tungkol saiyo Gel maliban sa kung sino ka talaga?"
"I- I, I'm not a g-gay..." napatulala ako sa sinabi niya...
"Yo-you're what???" tama ba iyong narinig ko?
"Ash hindi ako bakla..." itinulak ko ito...
"Gago ka rin pala eh... Bakit ROGELIO???
"Ash ginawa ko lang iyon dahil gusto talaga kita..."
"At sa palagay mo natutuwa ako?" sumbat ko.
"Bakit kailangan mong magsinungaling?"
"Dahil iyon lang kasi ang paraan para mapalapit ako sayo." wika nito...
"I hate you!" saka ako nagtatakbo palabas ng hospital...
Magulo ang utak ko... nagluluksa pa ako sa pagkawala ni inay pero malalaman ko na ang isa sa itinuturing kong bestfriend ay nagsisinungaling din pala sa akin. Bakit ganon sila sa akin??? Ano pa bang tama ang nangyari sa akin...? I feel betrayed yet broken... Simula sa pagkatao ko, kay Rogelio na nagpanggap na bakla, si Camille na nagpakatomboy at kay Hammer na hindi man lang nag-abalang hanapin ako... Tapos heto, wala na ang inay... Ano pa ba ang kailangan kong maranasan??? Wala na bang katapusan ito.?