Chapter 13:

1541 Words
"Never hide things from hardcore thinkers. They get more aggravated, more provoked by confusion than the most painful truths." Ashlee pov "You're not supposed to be here serving us. So take a seat." dagdag pa ni Mr. HR. Wala nang nagawa si Boss. Tumabi ako sa babaeng nag-order ng wines. "Ipapakilala kita sa kanila. " saad ni mam Rona. "No need, kami na ang magpakilala, don't bother." "I'm Leigh Sanchez, and this man beside me is my boyfriend Jigzer Lopez." "Hi, Sabrina Russel here." pakilala ni ms. Wine "I'm Ronalyn Espejo and my fiance Leo Villar." napangiti ako sa kanila. "The HR, King Patrick." pakilala ng head ng HR. Tumingin ako sa lalaking nakaupo lang sa tabi ni Boss. "A'a pamilyar ka talaga sa akin..." pero hindi man lang ito kumibo. "I think YOUR BOSS doesn't need to introduce his self..." sabi ni Leo... "And that shy man is no other the owner of this bar... Rogelio..." Rogelio? "Rogelio Ordinario?" putol ko sa sasabihin sana ni Leo. "Tan..." dugtong niya. Doon na ako lumapit dito... "Rogelio Tan???" walang sabi-sabing hinawakan ko ang mukha nito at ipinaharap sa akin.... "S-sweetheart..." kelan pa naging Tan si Ordinario??? "Magkakilala kayo???" Leo "Sweetheart?" Rona "Hindi ka pala talaga simpleng babae... Napapalibutan ka ng mga bigatin ah..." Rona ulit. "Anong ginagawa mo dito? At ang gwapo natin ngayon ah..." tuwang-tuwa kong sambit. "Eheeemmm..." agaw pansin ni Boss... "Hehe, boss naman hindi mo sinasabing nandito pala si Ba-Rogelio..." baling ko dito pero hindi niya pinansin ang sinabi ko. "I'm Hammer ARAGON." lahad nito sa kamay niya. "Aragon??? Kaano-ano mo si sir Harry Aragon boss?" tanong ko. "Wew, kakilala mo ang papa ni Hammer, Ashlee?" singit ni Leo. "And paano kayo nagkakilala ni Mr. Tan?" King "Ano, noong sumasali ako sa pageant kami unang nagkakilala. Tapos noong may nangtrip sa akin sa kalsada, sakto namang nakita niya ako kaya ayun naging hunk si bakla..." kumunot naman ang mga ito. "Ay hehe, si Rogelio pala.." kinurot ko ito sa tagiliran. "Ikaw ah naglalandi ka na naman." bulong ko dito. "Ash huwag dito..." sabi lang niya. "May regla ka ba ngayon bakla, bakit ang sungit mo." saad ko. "Ahm gentlemen, ladies... excuse us." hinila niya ako palabas ng pinto. "Si...." bungad ng guard na kausap ko kanina pero di niya itinuloy. Hindi ko nalang din pinansin dahil namiss ko ang baklang to. "Saan tayo pupunta bakla?" tanong ko ulit. "Bakit ka nakadamit ng ganyan...?" naiiritang tanong niya. "Bakla sexy nga eh... tignan mo..." pinagdikit ko pa ang dibdib ko. "Iuuwi ko itong damit. Sayang naman." "Ash hindi ka pumunta dito para magtrabaho... Magbihis ka na!" "Ayaw, sayang iyong kikitain ko." "Babayaran pa rin kita." "Ayaw pa rin... Ikaw! kelan pa naging Ordinario ang Tan?" naalala ko bigla ang sinabing apilyedo nito. " Ordinario naman talaga ako... Tan si papa." rason pa niya. " At anong ginagawa mo don? Gusto mo bang landiin si boss?" umiling-iling ito. "Hindi ako papayag bakla... Dahil si Boss ay para lang sa may maria... Ikaw wala kang maria kundi okra." humalukipkip ako dito. "Ash sumosobra ka na!" banta nito sa malalim na boses. "Ay hindi bakla... dahil alam ko kahit ipikit ko pa ang mga mata ko, na okra... Okra yan.!" turo ko pa sa ibaba niya. Nanggigil na ito. "Sir may naghahanap po sa inyo sa ibaba. Pinadiretso ko nalang po siya sa office niyo." sabi sa kanya ni manong guard. "Ash, hindi pa tayo tapos... pero huwag mong ubusin ang pasensya ko." babala niya. "Bakla, hindi ako natatakot saiyo... Magalit ka na baka sakaling iyang talong mo magtransform sa talong. Malay mo bakla papayag akong pabinyag saiyo...." "Ay hindi pala si Camille nalang. Kay boss ako papabinyag." tumatawang turan ko. Pero lalo lang siyang nagalit. "Tsupi na bakla... may naghahanap na saiyong papa. hahaha" tinalikuran ko na siya. Bumalik na din ako sa loob. "Ashlee where is your boyfriend?" tanong ni Mr. HR. "Ahhh ayun naglandi na... hehe" Umupo ako sa tabi ni Boss. Inabutan naman nila ako ng wine. Hindi na ito ang mga tinimpla ko... At may champaign na ding naihalo. Nakisabay din ako sa kanila... Medyo nakakaramdam na ako ng hilo pero hindi ko ininda. Babayaran naman daw ako nong baklang iyon di mag-iinom nalang ako. Ngayon lang ako makakatikim ng mamahaling alak eh. Hindi na din bumalik iyong baklang iyon. "Ms. Ashlee don't drink too much." saway sa akin nong Leigh ang pangalan. Nginitian ko lang ito. "You know... Hey Boss..." dahil sa magkatabi kami ay mas natitigan ko pa ang gwapong mukha nito. "Boss bakit feeling ko dadalawa lang tayo dito?" saad ko. "Ashlee you're drunk... Iuuwi na kita." saad niya. "Boss ang pogi mo talaga..." nakarinig ako ng tawa sa paligid ko. "Ms. Ashlee andiyan na yong boyfriend mo." sabi nung si Mr. HR "Boyfriend? tsk, si boss ang gusto kong maging boyfriend... Pwede ka ba boss?" pinaglandas ko ang hintuturo ko sa patilya nito. "What the...! Ashlee be good!" tinabig nito iyon. "Tsk, iyong baklang iyon???" "Sinong bakla?" tanong ni Mam Rona. "tsk, si Rogelio bakla..." walang prenong sabi ko. "Ikaw boss bakla ka din ba?" naghiyawan ang mga kasamahan namin. "Ashlee enough... Lasing ka na. Hindi mo na alam ang sinasabi mo.!" "Sagutin mo muna ako boss... Bakla ka ba?" pangungulit ko. Napahilamos ito sa mukha niya. "Tsk bakla ka din pala boss..." tumatawang sabi ko. Pero pakiramdam ko humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nong walang sabi-sabing hinalikan ako nito sa labi. "Wew... So intense..." "What the f**k bro... did you just kiss her?" "Bro she's Mr. Tans woman..." mga reaksyong narinig ko sa kanila. "B-boss si Rogelio na bakla hinahalikan din ako pero parang wala lang so b-bakla ka din talaga?" nagtawanan sila. Tanging si boss lang ang walang kahit maski anong emosyon sa mukha. "Don't try me woman!" saka ito tumayo. "Hey Hammer where are you going..." sigaw ni Mr. HR pero tuloy-tuloy lang itong naglakad palabas. -------------- Hammer pov Dali-dali akong lumabas ng VIP room dahil hindi ko alam kung mapipikon ako or ano sa intern na yon... Ako bakla??? marespeto lang ako sa babae pero hindi ako bakla... bulong ng isip ko. Pero hinalikan mo siya... yan ba ang marespeto? kontra din ng isang bahagi ng utak ko. Bakit nga ba ako nagpadala ako sa mga binibitawan niyang salita eh una palang ganun na talaga ang bunganga niya. "Can you please watch her for me..." salubong sa akin ni Mr. Tan. "I can't handle her... bring her home now. Baka kung ano pang mangyari sa kanya." sabi ko dito. "Mr. Aragon I need to go home right now... May problema sa mansyon. Hindi ko na siya maiuuwi. I can't find Camille. Ikaw nalang ang alam kong pwedeng mapagkakatiwalaan ko." pakiusap pa niya. "You have your personal body guards, utusan mo nalang sila." saad ko pa. "For God sake Mr. Hammer. Ikaw ang nagdala sa kanya dito. May father shot by a gun! My family needs me!!!" hindi ako nakakilos sa sinabi nito... Anong nangyari??? Pagkatapos niya akong sigawan ay dumating na ang mga body guards nito kaya wala siyang magawa kundi sumunod na palabas. Nagpapalipas ako ng oras sa counter nong nilapitan ako ni Leo... "Bro, kailangan na naming umuwi. Ihahatid ko pa si Rona. Umuwi na din ang iba. Si King nalang at Ashlee ang naiwan sa taas." sabi nito... "Okey bro...Ingat kayo." "Sir una na kami. Ikaw nalang po bahala kay Ms. Ashlee sir." paalam din nito. Saktong nakita ko naman si King na pababa, akay-akay ang dalaga. "What a waste..." sabi nito. "Sige bro salamat... Ako na bahala sa kanya." kinuha ko ang braso nito saka ko iniangkla sa balikat ko. "Akala mo napakalas mong uminom... Tsk..." Humagikgik lang ito. "Ang payat mo pero napakabigat mo..." reklamo ko. "Shek shi naman bosh..." sagot nito... pagdating namin sa sasakyan ay halos itulak ko na ito papasok... Hinawakan niya ang braso ko. "Bosh, hik... ang pfogi mo shalaga..." nakatitig ito sa mga mata ko. "God your a good seductress...!" alam ko... konting-konti nalang nagigiba na niya ang prinsipyo ko pagdating sa babae... And I need to calm myself. "Boshshsh, hehe." mapungay na ang mga mata nito... "Bosh bakla, Rogelio bakla.. hehe pfogi niyong bakla bosh. ." hindi ko ito inimik. Inayos ko ang pagkakaupo niya pero humiga ito patagilid. God bakit ba ganito ang ipinasuot sa kanya... Halos kita na pati kaluluwa niya. Mabilis ko nang isinara ang pinto ng sasakyan ko. Bago ko sinimulang magdrive ay sinulyapan ko muna siya. Kung noon pa sana kita nakilala baka nahulog na ako saiyo... Pero hindi eh... Dahil si Yanna lang ang tanging magmamay-ari sa akin. Authors Note: Gusto ko pong samantalahin ang pagkakataong magpasalamat sa inyo sa patuloy ng pagsubaybay niyo sa aking obra... Sana po patuloy niyo pa rin po itong tangkilikin and sa mga hindi pa po nakakabasa ng THE b***h HEIRESS, ito ay ang unang part ng storyang ito... Sana po inyo din pong mabigyan ng pansin... Pasensya na po pala kung hindi ako nakakapag-update minsan... May mga trabaho pa po kasi akong dapat unahin...Sana po lawakan niyo pa po ang pang-unawa niyo. Salamat po and God bless. HAPPY READING EVERYONE!??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD