Chapter 12:

2180 Words
"No matter how plain a woman may be, if truth and honesty are written across her face, she will be beautiful. Hammer pov "Rona give me the files of Ms. Ashlee." "Sir I already put in your table." saad niya. "Okey thank you. When do you plan to leave?" ikakasal na kasi sila ni Leo and sad to say pinapatigil na itong magtrabaho. She is one of the best employee I have pero hindi naman pwedeng pigilan ko siya. " Kapag okey na po lahat dito sa office sir." sagot niya. "Rona, what do you think of Ms. Ashlee?" tanong ko. " For me sir... I think she is suitable for this job. Pero kayo pa rin ang masusunod..." tumango tango ako. Base sa performance niya ay may potential nga ito. And the way she answered the questions during her interview amazed me. "Okey it's settle then." wika ko. "Sir may dumating po palang parcel." inabot niya ito sa akin. "For Ms. Ashlee sir?" makahulugang tanong niya. Tumango ako. "hmmmn... " nakangiti lang ito. Hindi nalang ako umimik. Inilagay ko ito sa ilalim ng table ko. "Hindi mo ba ibibigay sir?" curious na tanong nito. Umiling ako.... " Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya. "Dito na ako gagayak sir. May dala na akong gamit. Magkikita nalang kami mamaya ni Leo sa Tans tambayan..." patalikod na ako nong sinabi niya iyon. "Tan's Tambayan?" ulit ko. "Yes po sir, doon ako nagpareserve..." tinignan ko ang oras kung pwede pa itong icancel pero malabo na... Bahala na... magaling naman siya magtago. Sabi ko nalang sa sarili ko. Naglakad na ako palabas ng office... napadaan ako sa mga kwarto ng mga intern... nakarinig ako ng malakas na tugtog kaya napatigil ako. Kinatok ko ito kaso walang sumasagot. Baka makaistorbo sila ng mga guests... Sinubukan kong ipihit ang door knob. Bukas ito kaya sumilip ako pero nagsisi ako kung bakit pa ako sumilip-silip. Dahil ang dalawang babae sa loob ng kwarto ay nakasuot lamang ng under garments. Kulang ang salitang sexy kung ilalarawan ko ang katawan ni Ashlee. Maganda ang katawan ng kaibigan niya pero hindi katulad ng sa kanya na parang nasa 24 lang ata ang waist line. Perfect face, perfect body, masasabing may katangkaran din ito. Pero bakit ganyan ang mga suot nila... "Okey let us welcome our candidate number one. Camille. " umintrada ito na parang nasa ibabaw ng stage... "One, two, three pak..." "One, two, three pak.." napangiti ako sa kaibigan niya. "Bakit may pabilang-bilang ka pang nalalaman." tanong ni Ashlee. "Syempre nagpapraktis palang ako." sagot niya saka na nagpose. "Dapat ganito lang oh... Sige iwelcome mo ako..." pumwesto ito sa dating kinatatayuan nh kaibigan niya. May dalawa ding intern na babaeng dumating. Sinenyasan ko silang huwag maingay. Sumunod naman sila. "And now, let us welcome our candidate number 2. Alexia Ashlee Montero... Ang babaeng matabil ang bunganga, malamdi sa salita pero huwag ka, virgin pa ang kanyang maria..." sigaw nung Camille... Kung ibang tao lang ang makakarinig sa kanila iisiping nababaliw na ang mga ito... Rumampa ito na parang nasa gitna rin ng entablado. Ang pagwagayway ng bewang nito ay pang model... No doubt, kontesera nga.Hindi sila aware na may nanonood sa kanila. Tahimik din kasi ang mga kasama nila. Makikita mo sa kanilang nga mata ang paghanga. Ano kayang pakiramdam nila kapag nalaman nilang may mga audience pala sila??? Kaya naman nong nakita niya kami ay para itong napako sa kinatatayuan niya. "Waaaaahhhhhh...." sigaw niya. "Oh my God...."sigaw nong Camille. Pumalakpak naman ang mga kasamahan nila sa likod ko. Hindi nito alam kung uupo o tatakpan ang sarili sa hiya. palibhasang ang isa ay hindi na makakilos... "Wow may pabikini open pala dito sir..." sabi ng isa sa kanila... "Bakit hindi kayo nagsabi na balak niyong magrampa para may audience kayo." sigaw naman ng isa pa. "Hala akala ko balita lang na kontesera ka... Iyon pala pang FHM pala ang katawan mo." humagangang saad naman ng isa pang napadaan lang. Napansin kong nakakaagaw na kami ng attention kaya mabilis kong isinara ang pinto nila. "Gosh nakakahiya..." dinig ko pang sabi nila. "Bro enjoying the view ha...?" biglang sabi ng isang boses... Leo??? When did he come?Why I didn't noticed? "Goddess ba bro?" natatawang saad pa niya. Hinayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita. "Anyway bro, napanood mo ba?" kahit hindi ito sabihin ng diretsa kung ano iyon ay alam ko na agad. "Don't you have any plan to expand your business just to be near with her?" inilingan ko ito. "Then what are your plans?" "Nothing, can't you just focus on your wedding not mine... Baka takbuhan ka pa ng bride mo." saad ko. "Bro you waste your time to that one-sided love... bakit di mo pa nilubos-lubos magpakatanga?" his mouth is so annoying... "Anyway bro, saan tayo mamaya?" tanong nito. "Tan's tambayan bro..." tumango ito. Sakto namang nabungaran namin ang fiance niya. "Gotta go bro... baka ibitin ako nito patiwarik..." paalam niya. "Duh, ang sabihin mo bro... Takot ka..." pahabol ko... "Yeah, she's like a wild wolf kapag nagalit..." Siya ang kauna-unahang maikasal sa aming lima... pero si Benedick ang unang nagkaroon ng anak and that's Harvey... Kung katulad lang sana niya ako katakam sa s*x baka malamang sa malamang napasaakin na si Yanna... but no... because I respect her so much. And nangako ako sa sarili ko na kung sino ang unang babaeng magagalaw ko, mahal ko man o hindi... virgin man o hindi ay handa akong panagutan.... That's what my mama and papa taught me. So I will wait for the right time kung hindi si Yanna ang para sa akin... ------------------- Ashlee pov "Ikaw kasi..." nagsisihan kaming dalawa ni Camille pagkatapos ng nangyari. "Ikaw ang huling pumasoj bakit kasi hindi ka naglock ng pinto?" sabi naman niya. "Hala, sabay kaya tayong pumasok." "Hmpt, ayan tuloy napatulala sa alindog natin si sir." nakuha pa niyang magbiro... "Gaga, nakakahiya... " "Magbihis na nga tayo... imbis na naggagala na tayo wala na..."saad niya. "Cams wala akong maisuot..." wala pa pala iyong ipapahatid daw ni Rogelio. "Ay oo nga pala... Saglit nga tawagan ko si Gel." wika nito. Kinuha nito ang cellphone niya. "Hello Gel... Akala ko ba magpapadala ka ng isusuot namin?" sabi nito... "Ha???" "Sino ka... hello, hello!!!" napakunot ako ng noo. "Ewan ko saiyo... Bahala ka nga.." ibinato na nito ang cp niya. "Anong nangyari?" tanong ko. "Ewan ko don... Babae naman ang sumagot." sabi niya. "Cams tingin nalang tayo ng ibang maisusuot natin na komportable tayo..." Inilabas ko lahat ng mga damit ko... "Malilintikan talaga sa akin ang baklang yun..." parang bubuyog na pabulong-bulong ito... "Cams eto nalang ang sa akin..." Pakita ko sa tube na white, fitted jeans pants. May scarf naman akong iyon nalang puti din... ayusin ko nalang. "Eto nalang din sa akin..." pakita niya sa hawak niyang damit. "Ikaw ang nakapasok na sa mga bar kaya may idea ka na kung paano ang galawan doon Cams... kaya ikaw na bahala ha." saad ko pa. "Ako pa... !" mabilis na sagot niya. Pagpatak ng 7:30 ng gabi ay sinabihan na kaming sabay-sabay na daw kaming umalis. Nasa sampu kaming intern. May sasabay sa head ng HR, kay sir Leo at kay boss. "Sa akin na kayo sumabay Ms. Ashlee " sabi ni Mr. HR " Sige po sir..." Hinila ko na si Cams... Makalipas ang 15 minutes ay nakarating din kami. "Tans Tambayan Resto Bar" basa ko sa nakasulat. Nauna na sa amin si Boss at ang iba pa. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakapasok sa ganito ka high class na bar. "Ash nagagandahan ata sayo si Sir." bulong nito sa akin. "Naku ang puso niyan nandoon sa Saudi." bulong ko din. "Paano kung ligawan ka niya?" "Paano kung hindi?" "Paano nga kung ligawan ka niya?" ulit nito. "Haist, lumakad ka na nga..." bulong ko. "Sasagutin mo ba?" "Cams itulak na kita diyan." saway ko. "Ikaw din, kung ako saiyo aakitin ko iyan si BOSS MO." pinagdiinan talaga ang salitang boss mo. "Cams tignan mo, kailangan daw nila ng part timer ngayon." turo ko sa nakapaskil na papel. Naglakad ako palapit dito saka ko kinuha. "Ash nandito tayo para magsaya, hindi para magtrabaho..." saad niya... pero nakalayo na ako sa tabi nito. Sinundan naman ako nito. "Cams sige na, sama ka na doon. Kapag hinanap ako sabihin mo nalang na maghahanap muna ako ng pera." abiso ko dito. "Bahala ka nga... Ang kj mo talaga." pagkandahaba-haba na ang nguso nito. "Miss sino ang pwedeng kontakin para dito.?" abot ko sa papel na hawak ko. "Dito... Part time ba Miss or full time?" tanong naman niya. "Part time lang po miss. At ilang oras?" "3-5 hours miss... ang sasahurin mo ay nakadepende sa kung paano mo ito tatrabahuin. Kung magustuhan ka ng mga guests ay baka bigyan ka pa ng tip." tumango-tango ako. "Magkano po ba per hour?" "800 miss. Pero kung sa VIP ka mapunta, isang libo pataas dahil puro mayayaman ang mga nandoon." ayos... tiba-tiba ako nito. "Sige miss magpapart time ako." "Okey miss. Isuot mo lang ito..." abot niya sa isang pares ng damit. Skirt na kalahati lang sa hita ko na pinaresan ng scrabsuit pero hapit sa katawan. At of course labas cleavage. Uniform ba to? O aakit ako ng mayayaman? bulong ko sa sarili ko. "Miss may rules nga pala... pwede ka makitable sa mga VIP kapag nirequest ka nila pero hindi ka pwedeng ilabas ng bar... Iwas gulo." "Got it...Magsisimula na po ba ako?" tanong ko. "Yeah... Marunong ka naman siguro magserve ng wines?" "Ate baka hindi mo alam... lahat ng trabaho sa hotel kaya ko. Kaya ko ding magtimpla ng wines..." bulong ko sa kanya... natatawa naman ito sa akin. "Sige doon ka na sa counter..." taboy niya sa akin. Kakadating ko palang sa counter ay tinawag na ako ng bar tender. "Hi I'm George... can you help me little?" saad niya. "Okey, baka gusto mong ako na din ang magmixing?" "Marunong ka ba?" nagdududang tanong niya. " of course, pinag-aralan ko yata to..." mayabang kong sagot. Nagkasundo naman kami ni George, kaya hindi kami masyadong nahirapang mag-adjust sa isa't-isa. Mag aalas onse ng gabi nong lumapit sa akin ang isang babae. Napakasexy nito at napakaganda... "Miss... " tiningnan niya ang damit ko... ngayon ko lang napansin na may nakasulat pala doong VIP Room sa may shoulder niya. "Order yan sa taas." inabot sa akin ang isang papel. "Okey easy..." wika ko... "1 Spritzer wine,2 kalimotxo, 3 cabernet sauvignon, 1 pinnot noir and 1 red table wine." basa ko dito. "Pakisunod nalang sa taas..." sabi nito. "George ikaw muna diyan ah..." sumagot naman ito pero hindi na tumingin. Pagkatapos kong gawin lahat ay inayos ko na ito sa tray. "Miss this way... " sabi ng isang lalaki... nakakamangha talaga... nakita ko naman ang mga kasamahan ko na nagsasaya. Ang iba ay nagsasayaw na. Pero hindi ko napansin si boss doon. Nagkibit balikat lang ako. "Kuya, guard ka po ba?" tanong ko dito... para kasing guard lang. Tumango ito. "Ah kaya pala." usal ko. "Huwag kang mag-alala kuya wala akong dalang bomba." sabi ko pa. "Pasok ka na miss..." pinagbuksan ako nito ng pinto. Iba't-ibang kulay ng ilaw ang bumungad sa akin... "Kuya siguro bilyonaryo iyong binabantayan mo no?" napakamot ito sa ulo. "May lighter ka ba diyan kuya?" tanong ko pa. "Wala miss eh. Pero kung gusto mo ng lighter meron diyan sa loob."sabi niya. "Ah okey, doon ko nalang sindihan itong wines na hawak ko para sumabog kaming lahat... " biro ko. Naalerto naman ito. "Hehe biro lang kuya..." "Pasok na ako ha..." "gwapo ba iyong mga nandiyan kuya?" tanong ko pa ulit bago ako humakbang. "Lahat nang nandiyan miss gwapo pero mag-ingat ka." bumulong lang ako sa kanya ng okey... Walo lahat ang nakaupo. Limang lalaki at tatlong babae. Kilala ko na ang apat. Si Leo at mam Rona, ang Head sa HR at si Boss... Maliban sa dalawang babae at dalawang lalaki. Pamilyar ang likod ng isa pero imposibleng siya iyon... "Here's your drink sir, mam..." inilapag ko ito sa table nila. Nakayuko ako, dahil baka kung anong sabihin sa akin nila boss. Nandito nga naman kami para magsaya pero heto ako magpapart time. "Miss heads up..." utos ng isang lalaking kasama nila... Hindi ko ito sinunod... "Ms. Alexia Ashlee?" hindi siguradong tanong ni Mam Rona.. "H-hi po..." nahihiyang bati ko. "What are you doing?" tanong naman ni boss. "I'm here to serve your drinks boss..."sagot ko. Tumingin ako sa lalaking nasa right side niya... Nakayuko lang ito. Hindi ko siya masyadong namumukhaan dahil madilim sa parte niya. Pero parang pamilyar talaga siya. "I know... You can go out now." masungit na utos nito... "Wait lang boss... makapagtaboy ka naman parang may sakit ako." sagot ko dito. "Ashlee take a seat. " sabi naman ni sir Leo... Ma sinang-ayunan ni Mr. HR. "You're not supposed to be here serving us. So take a seat." dagdag pa ni Mr. HR. Wala nang nagawa si Boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD