"The truth is the only thing worth having, and, in a civilized life, like ours, where so many risks are removed, facing it is almost the only courageous thing left to do." E.V. Lucas
Ashlee pov
Tatlong araw na simula umalis ako sa resort. Tinatawagan na ako ni Jigz dahil in the very first place siya naman ang boss ko. "Ms. Ashlee you should come to work... You can't leave without telling us." sermon nito sa akin. "Kailangan ko pa bang magpaalam sa inyo? Alam niyo kung sino ang may kasalanan.!" sumbat ko sa kanya... "Okey we are sorry for that but please come to work..." pakiusap pa niya... "You are sorry? After ng ginawa niyo?" galit na tanong ko dito.
"Sana tinanong niyo muna ako kung gusto ko bang maging panakip butas ng kaibigan niyo bago niyo ako isinubo sa plano niyo!"
"Ms. Ashlee we know you like him so much and we like you too. So sorry please...." pagmamakaawa pa nito sa kabilang linya.
"Okey tomorrow I will come but only to file a resignation letter... I RESIGN!!!" pinatayan ko na ito ng tawag. Nilapitan ako ni inay...
"Anak payo lang ah... Kung ano man ang problema niyo ng mga katrabaho mo masmaiging pag-usapan niyo ng maayos. Dahil hindi ganon kadaling maghanap ng trabaho sa panahon ngayon."
"Inay madami naman sigurong tatanggap sa akin diyan na iba. Graduate naman ako at isa pa hindi lang naman sila ang pwedeng maghire sa akin." rason ko dito.
"Anak hindi ka na bumabata, wala ka pa bang balak mag-asawa?" tanong nito.
"Inay ito nga't balak kong umalis sa trabaho ko, tapos mag-aasawa na naman. Hanap muna ako ng bilyonaryo na bubuhay sa atin." biro ko.
"Aanhin mo ang bilyonaryo anak kung hindi ka naman masaya." balik din nito...
"Eh aanhin mo naman ang walang pera inay kung wala namang maipapakain sayo?"
"Nagmumukha ka tuloy mukhang pera anak.." ngumiti ito.
"Nagpapakatotoo lang po ako inay..." Niyakap ako nito.
"Anak mayaman man o mahirap kung marunong dumiskarte okey na iyon. Huwag kang titingin sa estado ng buhay ng isang tao kundi sa kung anong klaseng tao siya..." payo nito...
" Amen inay..." kinurot ako nito sa tagiliran.
"Matulog ka na, dahil may pasok ka pa bukas..." Humalik na ito sa pisngi ko.
"I love you po inay..."
" Mas mahal kita anak." sagot nito.
Nahiga na din ako pagkatapos naming magkulitan ni inay...
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa maingay na tunog ng aking cellphone.
"Hello..." tinatamad kong sagot sa kung sino man ang tumatawag. Pero walang sumasagot...
" Hello...." ulit ko pa. Ngunit wala pa ring sumagot. Tinignan ko ang screen ng cellphone ko.
" Hello kung di ka pa magsasalita papatayin ko na ito..."
"Ayaw mo parin magsalita? Di wag lang...!" pinatay ko na ito saka ko blinock ang number niya... Hindi naman number ng pilipinas kaya prank call lang siguro. Bumangon na lang din ako para maghanda ng pagkain ni inay na maiiwan. Pagkatapos kong maghanda ay gumayak na din ako para maaga din ako makaalis. mag-aapply ako sa ibang mga company o kahit waitress nalang basta may trabaho ako. Pagpatak ng alas sais ng umaga ay lumabas na ako ng bahay. May mga ready naman na akong mga resumes kaya madali ko nalang maikalat ang mga ito kung sakali...
"Good morning Ms. Ashlee..." bati ng guard...
"Ang aga mo po ata ngayon..." sabi pa niya.
"Ah opo, mas mabuti na po iyong maaga kaysa naman late manong..." napakamot ito ng ulo.
"Napansin mo ba si boss manong kung gising na?" tanong ko dito.
"Wala naman si sir Hammer dito Ms. Ashlee nong nakaraang araw pa kung siya ang hinahanap mo."
"Wala? Saan nagpunta?"
"Hindi po namin alam Ms. Ashlee." kibit balikat nito
"Manong akyat na po ako ha..."
Saan din kaya nagpunta iyong taong iyon?" tanong ko sa sarili ko. Masyado pang maaga kaya ako palang ang tao sa opisina. Isinop ko ang mga dokumento na nasa ibabaw ng mesa ko. Busy ako sa ginagawa ko kaya hindi ko namalayan ang oras.
"Good morning Ms. Ashlee." tinignan ko lang si Jigz
"Sorry na..." sabi niya.
"Oy Ashlee... Papakasalan ka naman niya eh." doon na ako tumingin sa kanya.
"Para ano gawing panakip butas?" tanong ko dito.
"Hindi ako magpapakasal sa kanya!"
"Ikaw din, baka magsisi ka. Uuwi dito si Yanna baka tuluyan nang hindi mapasayo si Hammer." napatigil ako.
"Uuwi? Eh di maganda..." saas ko
" Attend ka sa kasal nila ah..." wika nito.
" akala ko ba uuwi palang, bakit may kasal na?" tanong ko ulit.
" Surprise wedding kung hindi ka papayag na magpakasal sa kanya." ano iyong may option siya sa aming dalawa?
"Saglit nga lang... Sabi mo surprise wedding kapag hindi ako pumayag? Ano yon, basta pupulot na lang siya ng papakasalan niya?"
"Basta yon na yon Ms. Ashlee." magulo eh.
"Ayaw mo ba talagang magpakasal sa kanya?" tanong nito ulit.
"Ewan..." sagot ko.
"Oh ito nga pala iyong resignation letter ko. " inabot ko ito dito...
" Aalis ka ba talaga?" tanong niya.
"Ayan na nga ang resignation ko oh...Tsk."
"Tsupi ka na diyan SIR JIGZ madami pa akong isisinop." taboy ko.
"MS. Ashlee anong oras ka aalis?" ganun lang iyon? Hindi man lang ba niya ako pipigilan?
" Pagkasinop ko ng gamit ko..."
"Hindi mo ako pipigilan?" hindi na ako nakatiis na tanungin siya.
"Hindi, ikaw naman ang gustong umalis. Bakit kita pipigilan..." oo nga pala. Napahiya ako don ah.
"Okey...."
"Oh hello Bro, oo aalis na nga." narinig kong sabi niya.
" Hmpt bahala kayo." wika ko naman sa sarili ko.
Tutal huling araw ko naman na ito dito. Hindi naman siguro masama kung maglilibot-libot muna ako. Maaga pa naman eh, mamayang lunch nalang ako maghahanap ng trabaho. Dumaan ako sa suit ni boss. Sakto namang may lumabas ditong babae. Siya yon....
" Miss excuse me, where can I find Miss Ashlee." tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi nga nagbibiro si Jigz, Pero bakit nandito na siya? Okey na ba sila ni Boss?
"Miss?" ulit niya... Napakaganda nga niya pala talaga lalo na sa personal. Mas lalo akong nagkaroon ng rasin para hindi pumayag sa kasal na sinasabi nila.
"Hey miss are you okey...?" hinawakan na ako nito sa balikat.
" Sorry, you're saying...?"
"I'm looking for miss Ashlee Montero. Do you know where can I find her miss?" tanong ulit niya.
"I-I am Ashlee Mam." sagot ko.
"You are?"
" Pwede ba kitang makausap?" saad niya.
" Sure po..."
"Sa suit ko tayo." pumasok na ito sa suit nila na katabi din ng suit ni Boss." ang sweet...
"I don't have anything here to offer you, if it is not convenient I will tell them to prepare us something to eat or drink." saad niya.
"No, it's okey mam."
" Call me Yanna..." sabi niya.
"Okey miss Yanna." sagoit ko.
"Ashlee he needs you. I know it's not appropriate for you to here this but please help him." natameme ako dito.
"Mam Yanna, I mean Yanna, mali naman ata na ako ang sasalo sa sakit na iniwan mo sa kanya. At nandito ka na rin lang bakit hindi nalang kayo ang magpakasal.?"
"Ashlee he is just a friend to me... and I know hindi ako ang babaeng para sa kanya."
" Pero may anak na po kayo." nagulat ito.
"Anak??? seriously, kaya ba ayaw mong pumayag na magpakasal sa kanya dahil iniisip mong may anak na kami?" tanong nito. Kinuha ko ang frame na nasa tabi ko. Picture nilang tatlo iyon.
"He is not my sons father. Siya lang ang laging nandiyan para sa akin." tumatawa niyang sabi. Nagtaka naman ako.
"Then who kung hindi siya..."
"Okey para matahimik ka sasabihin ko saiyo. Magiging part ka din naman ng buhay namin kaya its normal na dapat alam mo."
"Dito sa buong resort, no one knows kung ano at sino nga ba ang anak ko sa buhay niya. Ang alam lang nila ay siya ang ama nito. But they doesn't know na nag father ng anak ko ay ang bestfriend nilang si Benedick. Just like you, may nangyari sa amin nang hindi sinasadya dahil sa kalasingan namin pero one time lang. And there, nong nalaman ni Hammer inilayo niya ako sa kanila. Dito niya ako dinala hanggang sa nalaman kong buntis ako, Siya ang nag-alaga sa akin. Siya na ang nagpakaama sa anak ko ng walang hinihinging kapalit." kwento niya.
"Bakit hindi pa kayo magpakasal nong Benedick?" tanong ko pa.
"It's because I don't love him. Yes we have son pero hindi reason iyon para magpatali ako." madami pa kaming napag-usapan. Madali lang naman pala itong makasundo eh.
"So tatakbuhan mo pa ba siya?" tanong niya. Nalaman ko din dito na isa pala sa pangako ni Boss na kung sino ang una niyang magalaw ay siya ang papakasalan niya. Kaya pala hindi siya nag-alinlangang sabihin sa akin na papakasalan niya ako. And sabi pa niya na ako lang daw ang makakatulong sa kanya para makalimutan siya.
"Gusto ko munang makausap siya." papakipot pa ako konti. Pero sa totoo lang nong nalaman kong hindi naman pala niya anak at never naging sila ay parang gusto ko nang magtatalon sa tuwa.
"So does that mean YES?" nakangiting tanong niya...
"May magagawa pa ba ako? Gusto ko siya noon pa kaso loyal iyong puso niya saiyo Yanna eh. Pero traydor naman iyong ano niya." saka ako tumawa.
"Nasa kabilang kwarto siya kung gusto mong makausap. Uuwi muna ako sa bahay namin." abiso niya.
" Bakit ka nga pala napabalik dito sa pinas?" tanong ko.
"Because I want to witness the unforgettable moment of my dear bestfriend. And I am very thankful na dumating ka sa buhay niya. Sana matutunan ka niyang mahalin Ashlee and I'm sorry kung ikaw ang naiipit." niyakap ako nito. nagpaalam na din ako sa kanya. Balak ko sana ng katuki siya sa kwarto niya pero naisip kong wag nalang...
Akala ko kapag nagpakasal kami magiging maayos ang lahat pero hindi ko alam na dito na pala magsisimula ang magulong buhay ko... Dito ko na mararanasan ang sakit na kahit kailan ay hindi ko pa naramdam. Dito na magbabago ang takbo ng aking buhay...