"Everyone loves being treasured and deserves to feel loved by their partner. Having a partner is not always about saying “I love you”- it should be more about having beautiful dreams and goals together, setting new limits, expressing how much one loves another. It is really necessary to say out loud that you cherish them. Sending Love promise and trust messages can work like magic if you are struggling to tell your partner how much they mean to you."
Ashlee Pov
Hindi ako makapaniwala na asawa ko na siya... Nandito ako ngayon sa suit niya. Sabi dito na daw ako mamalagi dahil mag-asawa naman na daw kami. Nasa opisina pa siya nito at dahil nagresign na ako ay dakilang asawa na ako ngayon. Mamaya-maya lang uuwi na din iyon.
Nakakatampo man dahil katatapos lang nang kasal namin kahapon pero pumasok na agad siya sa trabaho niya. Wala naman akong magawa... Narinig ko ang pagtunog ng pintuan. Kunwari ay nagtutulog-tulugan ako. Nakanighties lang ako... unang gabi naming magkasama bilang mag-asawa dahil kagabi ay sa bahay nila siya natulog. Naglakad ito sa tabi ko... pero umalia din agad. Pumasok ito sa banyo... pinapakiramdaman ko lang bawat kilos niya. Kunwari nalihis ang kumot. Sinadya kong iangat ang suot kong pantulog hanggang sa kalahati ng hita ko. Ilang minuto lang ang dumaan ay lumabas na ito. Nakapantulog na din ito, pero disappointed ako dahil kinuha lang niya ang unan na isa saka humiga sa sofa bed.
Hindi ako nagreklamo kahit kelan. Gigising ako sa umaga, ihahanda ang maisusuot niya. Ipaghahain siya ng makakain. Ganun ang naging setup namin... magtatatlong buwan na din pala. At kung ako ang tatanungin kung masaya ba ako... Pwes, malaking HINDI!
"Besh ano okey ka lang ba?" nandito ako ngayon sa lagoon. Gusto kong magswimming. Wala naman sigurong magagalit.
"Cams ganon parin eh... magkasama nga kami sa loob ng bahay pero feeling ko hindi ako nag-eexist." sumbong ko dito.
"Ash tanggapin mo nalang kasi na hindi ka niya magawang mahalin..." sabi nito.
"Alam ko naman iyon Cams, pero wala talaga eh mahal ko siya. Hindi ko naman kayang hayaan nalang siyang ganon." may tinitignan ito sa entrance kaya napalingon din ako. Pero mas nalungkot ako sa nakita ko. Sana pala hindi nalang ako pumunta dito. Umuwi nalang pala sana ako.
"Ash, lapitan mo siya..." utos nito... Inilingan ko lang siya. Dahil napansin kong palapit sila sa kinaroroonan namin.
"Wow... Ang sexy mo pala talaga Ashlee." puri sa akin ni Yanna.
"Dada, I want to swim..." paglalambing naman ng bata. Hawak ito ni Hammer sa kamay.
"What a perfect family... "naibulong ko sa sarili ko.
"You want to swim baby..." tumango ang bata
"Okey let's swim." sabi naman niya.
"Sweetheart join us if you want." napayuko ako. Ngayon ko lang sila nakaharap ng magkakasama pero sobrang sakit pala na ikaw iyong asawa pero iba ang tinatawag na sweetheart.
"Okey... You go first..." utos naman ni Yanna. Nauna na ang dalawa.
"You will just sit here?" tanong naman niya sa amin pagkaalis nila Hammer.
"Paalis na din namam kami Ms. Yanna." si Camille na ang sumagot.
"Hindi pa naman kayo naliligo. Tara..." aya parin niya. Tinanggal niya ang ipinatong niyang damit sa katawan niya at nanliit ako lalo. Ayaw kong ikinukumpara ang sarili ko sa iba pero hindi ko mapigilan.
Sino ba namang hindi manliliit Dibdib palang nakakalunod na siguro dahil di hamak na mas malaki sa dibdib ko. At ang katawan niya... wala akong masabi dahil perfect talaga siya. Idagdag mo pa ang kakaibang kulay ng kanyang mga mata at ang napakatangos nitong ilong.
"Ah, hindi na Ms. Yanna. Nagbago na ang isip namin. Mas gusto nalang naming kumain." Wala akong masabi kaya si Camille ang sumasagot...
" Sweetheart, what took you so long." sigaw ni Hammer na umalingawngaw sa lagoon.
"Yeah I'm coming..." sagot naman nito.
"Gotta go... so paano maiwan ko na kayo." paalam naman niya. Napansin ko ang mga staffs na napapatingin sa amin. May ibang naaawa, may ibang tuwang-tuwa.
" Ash okey ka lang ba?" tanong ni Camille.
"Okey lang ako Cams..." sagot ko dito. Pero inaamin ko, gusto kong ipagsigawan na ako ang asawa. Gusto kong umiyak. Nagstay pa kami ng ilang minuto bago kami pumunta sa food court na malapit sa lagoon. Hindi na ako nag-abalang magsuot ng maski ano sa katawan. Nakabikini akong rumampa. Hindi lang naman ako ang nakatwo piece lang.
"Ash kung gusto mong uminom. Day off ko naman bukas, sasamahan kita." sabi niya sa akin.
" Hindi Cams tayo iinom. Dahil uuwi tayo sa amin. Gusto kong mag-apply ng trabaho. Nababagot ako dito." saad ko.
"Pwede ka naman magtrabaho dito ah. Bakit ka pa mag-aapply sa iba?"
"Cams, masakit kasi sa mata..." wika ko.
"Kaya mo pa ba bestfriend? Ilang buwan palang kayong kasal nyan."
"Pinili ko ito kaya pagtiyagaan ko. At isa pa, ako parin ang asawa. Nagsumpaan kami."
"Iniisip mo siya... ikaw inisip ba niya?" natameme ako.
" Excuse me po, may nagpapaabot po, ang sabi isuot mo daw po." isang bata ang lumapit sa amin at binigyan ako ng robe.
"Sa akin little boy?" tanong ko dito.
"Opo, pinapabigay po nong lalaking nakaupo doon... Ay wala na."
"Salamat little boy. Sige na balik ka na doon." napatingin ako kay Camille.
"Sinong nagbigay saiyo nyan?" tanong nito.
"Hindi ko alam Cams. Wala naman akong ibang kakilala dito kundi kayo at ang mga staffs."
"May admirer ka Ash... " tuwang-tuwang sabi niya. Isinuot ko ang robe. Kung sino ka man salamat nalang. Pagkatapos naming kumain ay nagdesisyon na akong bumalik sa suit. Sinulyapan ko pang muli sila Hammer...
---------------------
Rogelio pov
I watch her... She smiles but there is sadness in her beautiful eyes... I am gone for almost one and a half year but everything change when I came back... I want to hug her the moment na nakita ko siya pero hindi pwede. Hindi ako magpapakita sa kanya hanggat hindi ko napapatunayan ang hinala ko.
I want to punch Mr. Aragon. I know kahit hindi niya sabihin sa iba na nasasaktan siya... Ilang taon ko siyang nakasama kaya kilala ko na siya... I am sorry Ash for leaving you alone... But I promised you, kapag ayos na lahat kukunin kita sa walang kwenta mong asawa... Ilalayo kita sa kanya. Pagsisisihan niya ang mga ginagawa niya saiyo ngayon.
I followed them... naglakad lang ito na nakabikini... Although hindi ito basa, pero f**k pinagpipyestahan ng mga kalalakihan ang katawan niya. Pati may mga asawa napapalingon sa bawat dadaanan niya. Hindi ba siya aware sa suot niya.?
"Hey kid... can you please give this robe to the woman wearing a red bikini?" nilingon ng bata ang sinasabi ko...
"Iyon po bang may kasamang tomboy?" tanong nito. Napakunot naman ako ng noo. Ngayon ko lang napansin ang suot ni Camille. Nakapanlalaki nga pala talaga ito. At dahil nakapusod ang buhok nito nagmukha tuloy siyang tomboy na tambay sa kanto.
"Yeah she is..."
"Sige po... anong sasabihin ko?" tanong niya.
"Nothing just tell her wear that robe." tumango na ito saka umalis.
Umalis na din ako dahil ayaw kong makita ako nito. Not now Ash... Not now...
Pumunta ako sa lagoon, pinagmasdan ko bawat galaw ni Hammer... Hindi maipagkakailang mahal pa rin niya ang babaeng kasama niya... Kaya mas naawa ako kay Ashlee. Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan, gagawin ko. I treasured her so much. I respect her pero isang katulad lang ni Aragon ang mananakit sa kanya... No... I will not let you ruin her life... I will take her back as soon as possible...
---------------------
Hammer pov
Nakikita ko naman lahat ng effort na ginagawa niya pero ayaw ko siyang bigyan ng pag-asa... Gusto kong siya na ang bumitaw... Oo nagpadalus-dalos ako ng desisyong pakasalan siya dahil sa pangako ko sa sarili kong papakasalan ko ang unang babaeng magalaw ko. Kaso bumalik si Yanna... She is my everything... I can't help my self not to love her. Inaamin ko, napakasama ko dahil may asawa na akong tao pero binabalewala ko lang siya. Hindi ko din kasi makalimutan ang narinig kong pinag-usapan nila ng kaibigan niya. Kaya nawalan ako ng gana. Maganda siya oo, kaakit-akit... there are times na gusto ko siyang yakapin, gusto kong magpakaasawa sa kanya... pero natatakot ako na baka mas lalo ko siyang masaktan.
"Ash ano na... nahulog na ba ang loob niya sa iyo?" tanong ng kaibigan nito.
"Yun nga ang problema Cams eh... Mailap... Inaakit ko na pero wala parin." Ashlee
"Eh gawin mo kaya ulit iyong ginawa ng mga kaibigan niya sa inyo."
"Cams oo kasama ako sa plano dahil kinausap ako ng mga kaibigan niya noon pero ayaw ko nang ganon... Gusto ko maalala ko lahat ang kung ano mang moment namin."
"Eh Ash, akitin mo..."
"Heto na nga, inaakit na pero wa- epek ang alindog ko..."
"Sus, ikaw pa. Ikaw din... napakaswerte mo na dahil mapera ang napangasawa mo."
"Pinangarap ko lang magkaroon ng asawang bilyonaryo non pero heto nakapag-asawa ako ng may maibubuga. Hindi man katulad ng gusto ko. Atleast pantawid gutom na din..."
Disappointed ako na iyon lang pala ang tingin niya sa akin... Akala ko gusto talaga niya ako pero nagkamali ako. Bigasan lang pala ang hanap niya. And hindi ko aakalaing parte siya sa plano ng mga kaibigan ko. Para lang pala akong naghanap ng hukay na pagbabaunan ko ng sarili ko.
Katatapos palang ng kasal namin yon noon, wala akong balak umuwi sa bahay ng magulang ko pero ayaw kong makagawa ng di kanais-nais kaya umalis ako sa suit ko...
Kapag pinakitaan ko siguro siya ng panlalamig, baka siya na ang sumuko. Hinayaan ko lang siyang pagailbihan ako... Asawa ko naman siya... tungkulin niya iyon. Madalang din ako matulog sa kwarto namin, madalas nasa condo ako. Masyado syang magaling mang akit baka makalimot ako. Pinagpapasalamat ko lang na hindi ko siya nabuntis noon. Dahil kung sakali... mas mahihirapan akong umiwas dahil sa responsibilidad.