SANDRA POV
After nung swimming namin per section kami naman ang magbabarkada ang nagbonding and we went to Bataan for a vacation. Ay hindi pala, farewell party kumbaga. Since college na kami niyan, nakadepende yung school sa mga courses na kukunin namin.
"Una na po kami Tita." Paalam namin kay Tita.
"Ingat kayo, Kate tawagan mo 'ko pag nakarating na kayo dun." bilin ni Tita kay Kate.
"Opo, Ma." Buti nga pinayagan 'tong si Bal.
"Ready??" tanong ni Dennis.
"Yes!!!! Lets go!!!" Mamimiss ko talaga tong mga tropa ko!
Since may van sila Tita ko, nakahiram kami ng libre. Treat niya daw samin to! 2hours ang biyahe papuntang Bataan.
"Bal gutom ako..." sabi ni Kate.
"Hindi ka na naman kumain kagabi no?" hinala ko.
"Kumain ako, kaya nga nagugutom ako ngayon eh." sagot nito.
"Wait lang... Dennis pwedeng paabot yung biscuits diyan sa likod." pasuyo ko dahil siya ang pinakamalapit sa mga pagkain.
"Sige, Wait lang. Eto oh.." abot niya sa akin.
"Salamat." sabi ko at binigay kay Kate.
"Kate oh..." abot ko kay Kate.
"Thanks Bal." sabi niya at umayos na ako ng upo. After 2hours, hinahanap nalang namin yung resort. At ayun na nga!!! Nahanap na namin!
"We're here!!!!! Ang ganda naman dito!" Maganda nga lalo na may pool sa loob ng resort. Beach resort ang pinuntahan namin pero naghanap din kami ng may pool para masolo namin siyempre. Nagbuhat na kami ng mga gamit namin. 1week kami dito!!!! Ang saya lang! Masusulit namin ang ganda ng tanawin dito! May limang kama sa isang kwarto. 9 kaming lahat kaya bahala na sinong mauuna. Hahaha. Ang huli bahala silang maki-join. ?
KATE POV
"Guys baba na muna ako at ng makapagluto na." sabi ko pagkatapos ayusin ang gamit ko sa kwartong tutuluyan namin.
"Samahan na kita Kate." prisinta ni Kuya Clin.
"Sure Kuya!!! Tara?" agad naman na sang-ayon ko.
"Sige, tara." Buti nalang sumama si Kuya Clin siya kasi yung naging driver namin. Bawal pa kasi kami kahit marunong naman magmaneho.
"Kuya, bakit wala kang nakwento sakin about kay Dhen noon?" panimula ko habang kumukuha kami ng mga lulutuin.
"Hahahaha." huh? Natawa lang siya sa sinabi ko.
"Bakit ka natawa Kuya?" seryosong tanong ko.
"Paano ko sasabihin limit lang kitang nakakausap tuwing nagbabakasyon ka kila Lola Lery." paliwang niya. 'Oo nga naman, tanga lang Kate?'
"Kahit na. Edi sana iniwasan ko na siya una palang." sabi ko.
"Huh??" Hindi niya inasahan ang sinabi ko.
"Ah wala po. Paabot nalang po nung bbq stick." pagdadahilan ko.
"Eto oh." abot naman ni Kuya.
Sa lahat kasi ng tao siya pa naging kapatid ni Kuya! Opposite sila ng ugali. Bakit hindi niya namanahan yung ugali ni Kuya? Ay bahala na nga!!! AHHHHHH!!!!
"Okay kalang, Kate???" Tanga lang Kate? Kahit kailan talaga lampa ka!
"Opo Kuya, nahiwa lang ng konti." sagot ko.
"Kuya?" Nasaan si Kuya? Bakit siya nandito? Hinanap ko si Kuya pero hindi ko na siya makita sa paligid.
"Kala ko si Kuya Clin." sabi ko.
"Tatanga tanga." sabi niya sa akin.
"Huh?" nabigla ako sa sinabi niya.
"Wala. Ang sabi ko ang laki ng hiwa mo." pag-iiba niya ng usapan. HJindi naman malalaki ang hiwa ko sadyang OA lang talaga siya.
Dinala niya ako sa sink para hugasan yung sugat ko tsaka niya sinipsip yung dugo nito.
"Huwag na! Ako nalang, kasalanan mo 'to eh!" pagdadabog ko sa kaniya.
"Ako ba nakahiwa sayo?" Hindi. Pero ikaw yung dahilan ng pagkahiwa ng daliri ko letche!!!
"Slow neto." bulong ko.
"May sinasabi ka?" lapit niya sa akin na para bang gusto na niyang lamutakan ang mukha ko.
"Wala. Ang sabi ko pwedeng pakisabi kay Bal yung emergency kit ko sa bag." pasuyo ko sa kanya.
Umalis na siya sa harap ko. Siya pa 'tong masungit! Che!! Hindi pa din tumitigil ung pagdurugo.
"Miss okay kalang?" Ang gwapo naman neto.
"Ok lang. Nahiwa lang. Hehe." umalis siya bigla pero agad namang bumalik na may dalang aid kit. Naunahan pa siya ni pogi.
"Akin na yung kamay mo miss lalagyan natin ng gamot." pagmamagandang loob ni pogi.
Inabot ko sa kanya yung kamay ko. Ang bango niya shet!!
"Kuya buti may dala kayong aid kit?" tanong ko.
"Student nurse kasi ako kaya lagi kong dala yan in case of emergency. Buti nalang nadala ko. " ang cute ng tawa niya grabe.
"Thank you, Kuya" sabi ko habang hinahawakan ang sugat ko.
"No problem. Mag-ingat ka nalang sa susunod." Nakakatunaw yung smile niya...ihhhhhh
"Ay palaka!!!!!" Ano ba yun?
"Eto yung pinapakuha mo oh!" padabog niyang nilagay sa mahabang mesa yung emergency kit na pinakuha ko sa kanya.
"Eh bakit mo binagsak! Paano kung nasira yan!" sigaw ko sa kanya.
Umalis siya bigla. Bastos talaga to kahit kailan!!!! Hmpppp!!!!
"Guys, kain na daw tayo sabi ni Kuya!!!!" sigaw ko sa kanila.
"Bababa na kami!!!" sagot naman nila kaya hinanda ko na ang makakain namin.
"Mukhang masarap!!! Gutom nako!" excited na upo ni Kc.
"Kailan ka ba nabusog Kc?" sabat ni Mik.
"Grabi ka naman sakin, Mik!" reklamo ni Kc kaya nagtawanan kami.
"Totoo naman kasi yung sinabi niya eh." sawsaw ni Sandra.
"Hindi ikaw kausap ko, Sandra!" sigaw ni Kc.
"Sungit mo naman kay Sandra pre!!! Type mo siya no?" biro ni Dennis.
"Edi FO na 'to kung ganon." Seryoso??? Gusto niya nga si Bal??? Omg.
"Kain na tayo!!!" Buti nalang savior si Kuya. Hahahah. Nakahinga lahat kami.
"Bal." tawag niya sa akin.
"Yes, Bal!" sagot ko at tumabi sa kanya.
"Usap tayo later ah." bulong niya at tumango lang ako bilang sagot.
"Sige, pero kain na muna tayo." Gutom na gutom na kasi ako.
"Ah guys kami na ni Kate maglilinis nito." prisinta ni Sandra.
"Sila nalang Bal! Kami na yung naghanda kanina ah." reklamo ko.
"Tayo nalang Bal." Tapos tiningnan niya ko na nagsasabing may paguusapan kami.
"Okay." may choice pa ba ako?
"Bal, kilala mo si Ken diba?" tanong niya.
"Yung sa music club?" pagkaalala ko kay Ken.
"Oo yam. Kasi ganito yun. Chinat niya ako pero hindi ko pa nireplayan kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko." kwento niya sa akin.
"Ano bang sabi?" curious na tanong ko.
"Hi?" pag-uulit niya sa ni-text ni Ken.
"Akala ko naman ano na yan Bal." natawa ako, expect ko kasi seryoso yung sinabi ni Ken sa kaniya.
"I'm serious right now Bal." inis na sabi niya.
"Sorry. Edi replayan mo, para malaman natin kung anong intention niya sayo." suggest ko sa kaniya.
"Sige sige. Update nalang kita pag nagkausap na kami." Kala ko naman may malaki siyang problema.
*phone ringing*
"Kamusta na kayo anak? Okay lang ba kayo diyan?" tanong ni Mama.
"Opo Ma, kakatapos lang namin kumain lahat." sabi ko.
"Buti naman, kinamusta ko lang naman kayo diyan. Oh sige na may aasikasuhin pa ako. Bye, anak, I love you." paalam ni Mama.
"I love you too Ma, ingat po kayo diyan." paalam ko din.
After a week nagsiuwian na din kami. May mga business kasi sila kaya hindi kami pwedeng mag-extend pa. 2months pa before College life sana maging maganda unang araw naming lahat.