Chapter 14: Heading to Finish Line

1094 Words
KATE'S POV Kakatapos ko lang maligo at papunta na sa sala. Ready na silang lahat, naghahanda na ng dinner. "Oh ayan na pala ang bunso natin!!! Halika na at ng makakain na tayo." Pumunta na ako sa kusina para kumain. "Nga pala!!! Saan pala tayo maga-outing?" Excited tong si Dennis hindi na makapaghintay kaya habang kumakain nagtatanong na. "Shut up. Eat first." sita sa kanya ni Dhen. "Ok..." masunurin naman pala siya at nanahimik. Sungit naman neto nagtatanong lang naman si Dennis eh. "Oh tapos na tayong kumain ah. So saan na?" pagpatuloy ni Dennis. "Depende naman sa mga classmate natin eh, but probably sa beach tayo." sabi ni Sandra. "Excited na ko!!!!!" masiglang sabi ni Dennis. Halata nga. Kakatapos lang namin maghugas ng pinagkainan. At nanuod na kami ng mga movies, especially horror movies! "Anabelle muna no guys!!!" sabi ni Don. "Sige sige!!!! Play na yan!!!" second the motion naman ni Sexy. "May dare tayo sa sisigaw ah." hamon ni Dennis sa lahat. "Daya naman!!! Unfair!" Takot kasi si Sandra. "Oo nga naman." isa pa tong si Mark kalalaking tao. "Wala ng dare! Tapos!" Kesa naman sa mag-dare pa sila edi maaantala ang panonood namin. Hayyy. "Ang kkj naman ng mga 'to." sabi ni Sexy kahit wala siyang nagawa. "HAAAAAAAAAAA!!!!" sigaw ni Sexy. Lakas maka dare kanina eh siya pala ang unang sisigaw. Natapos na ang first movie, second is romcom naman. Eto mas trip ko kasi puro lang tawanan. "Bal." tawag ko kay Sandra. "Oh?" sagot naman nito habang nakatingin sa tv. "Inaantok na 'ko." Hindi ko na kasi talaga kaya ang antok. "Sige mauna ka ng matulog." Hindi naman ako napansin ng tropa na umalis na'ko kasi madilim. Tsaka matutulog na din naman sila niyan anytime. "Oh my!!!" Muntik na 'kong atakihin dun ah! "Sorry kung nagulat kita." paumanhin ni Dhen. "May kailangan ka?" tanong ko. "Wala naman." sagot nito. "Okay, good night." Papasok na 'ko ng room nang tawagin niya ako. "Wait..." pigil niya sa akin. "What?" tanong ko naman. "Wala... good night." Huh? Nasisiraan na ata ng bait yung unggoy na yun. tuluyan na akong pumasok ng kwarto namin ng mga girls. Sa sobrang pagod lalo na sa kakaisip kay Thams nakatulog ako ng mahimbing. Pagkagising ko, may text akong natanggap galing sa unknown number. "I'm so sorry Thams. But we need to let each other go and I need to do this. I hope you understand my situation right now. Loving you more than just friends for the last time, Thams." Naiyak ako sa narecieved kong text galing sa kanya. Pagkagising ko gising na din pala mga kasama kong girls. Lahat sila bihis na at ako lang ang hindi. "Gising na si Kate guys." sabi ni Sexy. "Maligo ka na at aalis pa tayo Kate." utos ni Sandra. "Aalis?" tanong ko dahil wala naman sinabing aalis kami pagkatapos nito. "Oo, maglilibot tayo!!!" excited na sagot sa akin ni Sexy. "Baka mapagalitan ako kay Mama Sexy, hindi ako makakasama." sabi ko. "Kj naman neto. Kaya nga pinagpaalam ka na namin kasi alam namin na hindi ka papayagan?" sabi ni Sexy. 'Pumayag si mama???' "Oo pumayag siya kaya maligo ka na!!!" Mata na ngayon ang nagsasalita guys nagawa niayng basahin ang isip ko. Nasa Carnival kami??? Alam ba nila na favorite ko 'to? Namiss ko pumunta sa carnival.??? "Lets go!!!!!!" Nagsitakbuhan na kami matapos naming makapagbayad ng entrance fee. Ang gaan sa pakiramdam! Ngayon lang ulit ako tumawa ng ganito kasaya. Thank you Lord! Inuwi muna nila ako bago sila magsiuwian. "Nandito na po ako!!!" Pinagbuksan kami ng pinto ni Mama. "Salamat sa inyo mga anak." sabi ni Mama sa mga kaibigan ko. "No problem, Tita!!! Basta para kay Kate!!!" sabi ni Sandra. Pinigilan ko lang umiyak pero na-touch ako sa ginawa nila. "Pumasok muna kayo sa loob." aya ni Mama sa kanila. "Hindi na po Tita, late na din po kasi. " tanggi nila. "Sige Sandra, mag-iingat kayo sa pag-uwi. Magtext kayo kay Kate kung nakauwi na kayo." bilin ni Mama. "Sige po. Mauuna na po kami Tita!!!!" paalam nila kay Mama. "Bye Bal!!!" paalam sa akin ni Sandra. "Thanks Bal!!!" salamat ko din sa kaniya. "No problem!" sabi naman nito. "Bye guys!!!!!" paalam ko sa kanila. Paalam nila at hinintay lang namin silang makaalis ng bahay bago kami pumasok. "Ma, nakapagtext na po lahat sila sakin na nakauwi na daw po sila." paalam ko kay Mama. "Salamat Hija. Matulog ka na at maaga ka pa bukas." sabi ni Mama. "Good night, Ma." bati ko kay Mama. "Good night, anak." bati din ni Mama kahit nakatutok sa laptop. *Unexpected things are the memorable ones* Practice na namin ngayon kaya napaaga ako. Excited eh, may magagawa kayo? Hahaha "Aga natin Kate ah!!!" bati sa akin ni Dennis. "Oo nga eh." sagot ko at tumabi sa kanya. "Excited na umalis sa School. Hahaha" tuglong niya sa sinabi ko. "Sira ka talaga Dennis!!! Pero mamimiss ko din 'to no at pati kayo siyempre." sabi ko habang inaalala ang mga masasayang nangyari dito sa School. "Wala namang aalis ah..." sabi ni Dennis. "What I mean..." sabi ko kaso binitin ako ni Dennis. "Yeah I know. Mamimiss ko din 'tong tropa natin pagdating sa College life." tama naman si Dennis ang kaibahan nga lang hindi na kami magkakasama pagdating ng College dahil kanya-kanya na ang tatahakin naming buhay. "Siya nga pala, anong kukunin mong course niyan?" tanong ko. "I can't decide eh, my Father want me to take Accountancy while my Mom want is teacher." paliwanag niya sa akin. "I'm not asking about your parent's opinion. I'm asking what you want to take up in College." sabi ko sa kanya. "If they give me a chance, I'll take Civil Engineering course." opinion ni Dennis. "Then take it, hindi naman sila ang gagamit sa katawan mo in the future no." sabi ko. "I know, but" pigilan ko siyang magsalita. "No buts. If you want that course then prove to them that you really want that degree. That's all." pagpapalakas ng loob ko sa kanya. "Kaya idol kita eh!!! Pa-hug nga!!!" biglang sab niya. "Ayoko nga." nalungkot siya sa sinabi ko, kahit kailan talaga hindi mabiro. Hahaha "Joke lang!!! Matampuhin ka talaga kahit kailan. " sabi ko at niyakap siya. "Pa-hug din kami!!!!" biglang sulpot ng tropa mula sa likod. "Come here guys!!!!" Mamimiss ko talaga 'tong mga to!!!! "WALANGIWANANHANGGANGSAWALANGHANGGAN!!!!" "Good Morning, Students! We will start in 10 minutes. Go to your respective class now. Thank you." anunsiyo galing sa stage. "Tara na daw!!!" aya ni Sexy. "Tara!!!" sumunod naman kami at nagpunta na sa Auditorium.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD