bc

Isang Gabing Kasama si Ninong

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
family
HE
opposites attract
friends to lovers
submissive
bxg
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lang si Kim ay may itinatago na siyang paghanga sa matalik na kaibigan ng kanyang ama, isang damdaming inosente at walang pangalan. Ngunit nang maulila siya, napilitan siyang makipagsapalaran sa buhay, hanggang sa mapadpad siya sa mundong hindi niya kailanman pinangarap, bilang isang sexy dancer.

Paano kung isang gabi, ang lalaking kanyang sinasayawan ay siya ring matagal na niyang hinahangaan?

Sa pagitan ng ilaw ng entablado at mga alaala ng nakaraan, handa ba silang harapin ang katotohanang muling nagtagpo ang kanilang mga mundo?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Kimmy's POV "Kimmy! Bakit ba ang tagal mo bumaba ka na jan!" Malakas na sigaw ng aking ama mula sa kusina. Pilit kong binangon ang sarili mula sa kama, hindi na ako masyado nag-ayos maliban sa aking buhok. Hindi na rin ako nagpalit at mas piniling suotin ang shorts at sando. Tumakbo ako pababa sa hagdan ng bigla akong hinila pabalik ng aking ina sa taas. "Ano ba yang suot mo?! Magpalit ka at andito ang mga ninong mo!" Inis na sambit ni mama. Kunot-noong tinignan ko ang aking ina. "Kailangan pa ba yun ma? Ang tatanda na ng mga iyan pagnanasaan pa ba ako?" Natatawang tanong ko. Umiling-iling si mama at muling pinagsabihan ako na magpalit dahil kahit matatanda na lalaki parin ang mga ninong ko. Napanguso nalang ako at sinunod ang kanyang gusto para matapos na ang usapan. Nagugutom na rin kasi ako kaya gusto ko ng bumaba para kumain. Pagkababa ko, nakita kong nagkukumpulan ang papa at ang kanyang mga kaibigan sa kusina. Dali-dali akong lumapit at nagmano sa lahat ng bigla kong napansin ang isang lalaki na hindi ko kailanman nakita. "Papa sino po iyon?" Curious kong tanong. Napangiti si papa at tinawag ang lalaki. "Pare halika rito at hindi ka na makilala ng inaanak mo!" Malakas na sigaw ni papa. Hindi maalis-alis ang aking mga mata sa lalaking nakangiti ng malawak habang naglalakad papalapit saamin. Isang matangkad, maganda ang katawan at hindi mo maitatangging napaka-gwapo nito. "Bakit pare? Ito na ba si Kimmy? Aba dalaga na pala!" Masayang sabi nito. "Hello po," Nahihiyang sabi ko matapos kong mag-mano. Hindi naman nagsalita si Ninong Art at bigla akong niyakap. Nanlalaki ang mga mata ko, sobrang bilis ng t***k ng puso at nag-init ang aking mga pisngi. Kung hindi lang siguro nakatatak sa aking isipan na siya ay isang kaibigan ng aking ama ay baka nasiraan na ako ng bait. "Ilang taon lang ako nawala hindi mo na ako maalala?" Nakangising tanong ni Ninong Art. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na tunog saaking bibig kaya naman ngumiti nalang ako. Biglang ngumiti ng bahagya ang ninong na naging dahilan ng pagwawala muli ng aking puso. Nagtatakang tinapik ni Art ang balikat ko dahil ilang segundo na pala ang nakalipas ng humiwalay siya sa yakap. "Okay ka lang Kimmy baby?" Malambing na tanong ni ninong. Napalunok ako ng laway, pilit na inaalis ang mga mata sa kanyang muka na mukang hindi ko na maalis saaking isipan. "O-okay lang po ninong, k-kain na po tayo," Nauutal-utal kong sabi. Ngumiti nalang si Art at umupo na rin, matapos dasalan ang pagkain ay sabay-sabay kaming kumain. Hindi ko parin mapigilan ang magnakaw ng tingin kay ninong na pati pagkain nakalimutan ko na. Nainis naman si mama dahil halos tapos na ang lahat pero ako pasulyap-sulyap parin sa lalaki. "Ano bang ginagawa mo Kim Ramirez at hindi mo mabawas-bawasan ang kinuha mong pagkain?!" Malakas na tanong ni mama. Kulang nalang ay mapatalon ako sa lakas ng boses ni mama. Dahil doon ay para akong nagising sa magandang panaginip at mabilisang inubos ang pagkain. Matapos kong kumain ay hindi na ako nag-aksaya ng panahon at tumakbo pataas sa kwarto. Hingal na hingal na akala mo may humahabol saakin. "Ano ba tong nararamdaman ko? Pakiramdam ko ay namamagnet ang buong pagkatao ko sa lalaking iyon!" Hindi makapaniwalang bulong ko sa kalawakan. Napahawak pa ako sa aking dibdib at pinagpapalo-palo ito, umaasang kakalma na pero sa tuwing pumipikit ako ay naalala ko ang mga nakakahulog panty na ngiti ni ninong. "Mali na to! Nababaliw na ba ako?" Muling sabi ko sa sarili. Umiling-iling nalang ako at pilit na inalis si ninong sa isipan. Ano-ano na ginawa para hindi siya maisip pero kahit anong gawin ko kusang kumakatok si Art sa aking isipan. Malakas na buntong-hininga ang lumabas saaking bibig at nahiga nalang sa kama habang hinahayaang pumasok ang mga imahe ni ninong. "Bakit ba kasi ang gwapo niya? Mas bata ata siya kina papa, hindi halatang matanda na," Mahinang sambit ko sa pader. Umikot ako muli sa kama at muling nagsalita. "Yung muscle niya, fit na fit, grabe!" Kinikilig na sabi ko habang inaalala ang itsura ni ninong. Sa huli, muli akong napahiga ng tuwid sa kama. Dahil sa walang tigil na pag-iisip ko kay Art ay may kakaiba akong nararamdaman na reaksyon sa aking katawan, may init na kumalat sa aking dibdib. Ano kaya ito? Bakit ba ganto nalang ang nararamdaman ko dahil lang kay ninong? Normal pa ba tong nangyayare saakin? Gulong-gulo na ako sa mga nangyayare pero alam kong hindi ko pwedeng ikwento o ilabas ang lahat kay mama at sa mga kaibigan ko. Wala na akong malapitan kaya naman kinuha ko nalang sa bag ang laptop. Agad na binuksan at nagsearch ng kung ano-ano sa google. Dahil sa pagsesearch ko ay may mga nakita akong novela na kaugnay sa nararanasan ko pero noong sinimulan kong basahin ay nataranta kaagad ako. Isinara ang laptop at tumayo, paikot-ikot sa loob ng kwarto habang pinapay-payan ang sarili. "Whooo! Ang init ano ba yun! Sino ba mga nagsusulat ng ganon?! Tapos 18+ ang nakasulat? Ano to ako lang ba ang 18 na hindi pa nakakabasa ng mga ganto?" Inis na sunod-sunod kong sabi. Bahala na talaga, ano-ano na iniisip ko wala rin namang kwenta ang google at ang daming sinasabi kaya matutulog nalang ako. Napuyat din ako kagagawa ng mga projects kaya kelangan ko bumawi sa tulog. Inayos ko na ang aking higa habang hinihila ang aking kumot. Kahit anong pasok ng imahe ni ninong Art ay pilit ko paring inaalis ito sa aking isipan. Art's POV Hindi ko inakala na matapos ang ilang taon babalik pa ako dito sa bahay na to. Buong-buhay ko pinangarap ang isang buhay na masaya ngunit lagi nalang akong pinaglalaruan ng tadhana. Sa bawat balik ko dito sa bahay ng aking matalik na kaibigan, alam ko na sa aking sarili na sobrang nalulungkot ako kaya hinahanap ko nanaman ang presensya niya. "Kamusta pare? Na-late ba ako?" Nakangising pagtatanong ko. Nanlaki agad ang mga mata ng mag-asawa, hindi lang iyon ay nagsitakbuhan din ang mga iba ko pang kaibigan para yakapin ako. "Grabe ka Art! Bigla-bigla ka nagpapakita!" Masayang sigaw ni Bryan ang ama ng kaisa-isang inaanak ko. Natatawang binati ko ang lahat, kitang-kita ko ang mga kuryosidad sa kanilang mga mata ngunit kahit isa walang sumubok na magtanong. Napabuntong-hininga nalang ako at lakas-loob na kwinento ang mga nangyare saakin. "Hiwalay na kami, nalaman kong may ibang lalake sa araw na magpropropose sana ako," Deretsyong pag-amin ko. Bigla namang lumapit si Tina at niyakap ako. "Okay lang iyan Art, andito naman kaming mga kaibigan mo," Mabait na sabi saakin ng asawa ni Bryan. Dahil sa kanyang liit, muli kong naalala ang itsura namin nung nga bata kaya naman ginulo-gulo ko ang kanyang buhok. "Wow, ang bansot na ang nagcocomfort saakin ngayon," Pagbibirong ani ko na ikinatuwa ng lahat. Patuloy naman ang aming kwentuhan, habang nag-aayos ng mga pagkain ang kababaihan. Lumabas muna ako at tumutulong sa mga inihaw ng bigla akong tinawag ni Bryan sa loob. Pagpasok ko ay hindi maalis saaking pagtingin ang isang dalagang ubod ng ganda. Hindi ko akalain na ang babaeng ito ay ang nag-iisang anak ko na si Kimmy. "Bakit pare? Ito na ba si Kimmy? Aba dalaga na pala!" Masayang sambit ko. "Hello po," Nahihiyang sagot ng dalaga. Dahil sa tagal kong hindi nakita ang inaanak ko napahila ako sa kanya para yakapin. Nawala saaking isipan na dalaga na pala ito kaya bigla akong natense ng naramdaman ko ang mainit niyang mga dibdib. Dali-dali akong humiwalay sa yakap, nakita ko itong napatulala at nakaramdam ng kaba na baka nabigla ito. Tinapik ko ang kanyang balikat, umaasang ayos lang si Kimmy. Nakahinga nalang ako ng maluwag ng bigla niya akong niyaya na kumain. Napatigil ang aking paghinga habang humihigpit ang hawak ko sa upuan dahil sa pagsusulyap-sulyap ng dalaga. 'Nabigla kaya siya at nailang kaya niya ako tinititigan?' Kinakabahan na tanong ko sa aking isipan. Natigilan nalang ako sa pag-iisip ng bigla akong kinausap ng mga kaibigan. "Anong plano mo ngayon Art? Dito ka na ba ulit sa Philippines?" Nakangiting pagtatanong ni Bryan. "Aba oo, dito na muna ako at may kontrata ako rito matapos non ay wala babalik din ako sa ibang bansa," Masayang pagpapa-alam ko. "Sana makahanap ka na ng para sa iyo para naman masigurado kaming inaalagaan mo ang sarili mo!" Natatawang sigaw naman ni Tina. Umiling-iling nalang ako at magsasalita na sana ng sunod-sunod na nagsalita ang mga iba pa naming kaibigan. "Saan-saan ka kasi naghahanap! Malay mo anjan lang sa tabi-tabi ang para sayo!" "Kaya nga Art! Required ba na ibang lahi ang mapapangasawa mo? Ayaw mo ba sa kapwa mo Pilino?" "Sige ka, sa pagiging mapili mo tatanda kang binata!" Malakas na tawanan ang bumalot sa kusina. Natawa nalang din ako at hindi man lang napansin na wala na sa lamesahan si Kimmy. Binalin ko nalang ang aking atensyon sa mga kaibigan hanggang sa natapos kaming kumain lahat. Naghanap ako ng tyempo na tumaas sa kwarto ng aking inaanak. Nakita ko itong mahimbing ang tulog kaya naman isinara ko nalang ang pinto sa kanyang kwarto at bumalik sa baba para magpa-alam na umalis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
104.7K
bc

The Forgotten Wife

read
43.8K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
48.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
324.3K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.6K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
31.2K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook