ZOEY POV.
KAHIT na snatch ang aking bag ay sulit naman nang dumating si Kap o Kyle. Lalo nang yakapin niya ako ay parang bula na nawala ang takot ko.
Agad din akong gumanti ng yakap sa kanya at sinubsob ko pa ang aking mukha sa kanyang dibdib. Ambango niya lalaking lalaki ang amoy ng kanyang katawan. Pumikit pa ako upang lasapin ang masarap na pakiramdam dulot ng matitigas niyang muscles. Subalit ang papikit pikit kong mata ay biglang napadilat ng malakas niya akong itulak.
“Sinasamantala mo ang pagkakataon. Hindi dahil niyakap kita ay gusto na kita!” hindi ako nakaramdam ng kahit konting inuslto sa aking narinig. Kundi paghihinayang dahil naputol ang yakapan namin.
“Hoy! Huwag mo akong pangarapin dahil hindi kita papatulan! Saan ba kita ihahatid at may mahalaga akong pupuntahan dahil nakakaisturbo ka!” napaka brusko talaga ng lalaking ito, ganun pa man ay mas lalo yata akong nai-in love sa kanya.
“Kap, pwede bang makuha ang cellphone number mo?” at matamis ko pa siyang nginitian.
“Hindi! At teka muna bakit mo ako tinatawag na Kap, kilala mo ba ako?”
“Ahm, yeah… I mean narinig ko sa kaibigan mo.” bigla akong kinabahan kung sasabihin ko ang totoo ay baka hindi niya ako paniwalaan.
“Huwag kang sinungalin dahil Kyle, ang tawag nila sa akin?”
“Ahm.... s-sa totoo lang ay narinig ko doon sa mga pulis na nag-uusap. Kaya nalaman ko rin ang bahay mo.”
“Mga pulis? Kailan at saan?”
“Ahm, matagal na rin, kararating ko pa lamang ng bansa ng time na yon. Kumakain kami ng kaibigan ko noon. Tapos narinig ko ang pangalang Kap. Sa totoo lang ay pinagbabantaan nga nila ang buhay mo.”
“Anong sabi mo, natatandaan mo ba ang mga mukha nila?”
“Yeah, pag nakita ko silang muli ay makikilala ko silang lahat.” Sa aking narinig ay kinuha ko ang aking cellphone. Binuksan ko ang library at pinakita ko sa kanya ang mga litrato ng mga dating kasamahan kong pulis.
“Yeah, sila yon… s-sabi pa nga nong isa ay bala lang daw ang katapat mo.”
“Matagal na akong wala sa serbisyo pero hindi pa rin pala nila ako nakakalimutan.”
“W-Wala ka na sa pagiging pulis mo?”
“Wala na mahigit nang isang taon. At iyong sinasabi mong pulis na nagsalita ng bala lang ang katapat ko. Siya iyong sinapak ko bago ako umalis ng headquarters.”
“Pero mag-ingat ka pa rin dahil parang pinagpaplanohan ka talaga nila.”
“Hindi ako natatakot sa mga corrupt na mga pulis.” Hindi na lamang ako sumagot. Mukhang uminit na ang ulo ni Kap.
“….. by the way, mula ngayon ayaw kong tinatawag ako sa pangalang Kap.”
“O-Okay, sige K-Kyle.”
“Ayon merong taxi, diyan ka na sumakay at late na ako sa pupuntahan ko. Heto ang pang-taxi mo.”
“S-Sige salamat, pakibaba mo na lang ako diyan sa tabi.” Nang makababa ako ay akmang kakawayan ko siya ng humarurot na palayo ang jeep niya.
Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa heart center. Meron akong damit doon at pwede rin na maligo sa aking opisina. Merong maliit na bathroom sa loob, mabuti na lang ay may oras pa ako. Subalit hindi pa ako nakakapasok sa loob ng may tumawag sa akin.
“Dra. Zoey Clarice Poster?” napahinto ako sa paglalakad at lumingon.
“Yes?”
“Kailangan ka sa operating room.”
“Okay, susunod na ako,” at mabilis na pumasok ako sa aking opisina. Binaba ko ang aking bag at tumakbo na sa operating room. Pagdating ko sa locker room ay agad na nagbihis ako. Itinali ko ang aking mahabang buhok at nagsuot ng hair cap.
Pagpasok ko sa operating room ay isang matandang babae ang kailangan ng heart transplant.
“Let’s proceed.....
Umabot hanggang 4 to 6-hours operasyon at successful naman iyon. Medyo napagod ako sa mahabang oras na nakatayo. Agad akong lumabas ng operatong room at nagtungo sa aking opisina. Magpapahinga lang ako ng isang oras at malililigo ng mabilisan.
Nang makapaligo at nakabihis na ako ay naglakad na akong palabas.
Paglabas ko ay nasalubong ko ang head surgery department. Tinawag niya ako at nagtungo kami sa opisina ng chairman. Kailangan raw akong kausapin tungkol sa isang high profile patient. Pagdating namin sa loob ay agad na sumalubong sa aking ang chairman.
“Good job, Dra. Poster.”
“Salamat po, Chairman.”
“Meron tayong isang VIP patient, ngunit ayaw niyang magpa opera sa puso. Ang dahilan ay ayaw pa raw niyang mamatay agad. So, ikaw ang ni-refer ko sa anak niya, kaya puntahan mo siya sa VIP room: Patient Donya Manuella Salazar. Here the patient records, ikaw na ang bahala sa kanya, Dra. Poster.”
“Sige po, Chairman.”
Pagdating ko doon ay tulog ang ginang pero naroon ang anak nito.
“Ikaw na ang anak niya?” formal kong tanong sa isang matangkad na lalaki.
“Yes, Doktora.”
“Ako ang magiging physician ng yung mommy. Ang sabi ni Chairman, ayaw raw niyang magpa-opera dahil natatakot siya?”
“Yeah, pero mas madadali daw ang buhay niya kung hindi siya maooperahan agad. Iyon ang sabi ng doktor na tumingin sa kanya.”
“Naririto ang record niya at ayon dito ay meron siyang 40% na mabuhay. So, nasa inyo ang desisyon kung isasalang natin siya sa surgery.”
“Doktora, kahit ilang percent pa yon, ang kailangan ko ay mabuhay ang aking ina.”
“Ako ang magoopera sa kanya, pero bago yon ay meron kang kailangan pirmahan, Mr. Salazar. Pumunta ka sa opisina ni Chairman at naghihintay siya sa iyo doon.”
“S-Salamat Dra. Poster, p-please gawin mo ang lahat upang mabuhay siya.”
Tumango ako bilang pagbibigay ng assurance sa kanya. Pagkatapos kong silipin ang ginang ay lumabas na ako.
Kinagabihan ay nakahiga na ako ng tumawag ang kaibigan kong si Thalia. At nang marinig kong umiiyak ito ay napa bangon agad ako. Nagmamadali akong nagbihis at sumakay ng aking kotse. Pagdating ko sa bahay niya ay nagulat ako dahil maraming tao.
“Anong nangyari dito?”
“Merong bumasag ng bintana ni Ms. Thalia.” Paglapit ko sa mga pulis na nagiimbestiga ay namukhaan ko pa ang isang pulis. Akmang papasok ako sa loob ng harangin ako ng mga pulis. Kaya napilitang tawagan ko na lamang ang kaibigan ko. Agad naman siyang lumabas at tumakbo palapit sa akin ng makita ako.
“May kaaway ka ba at ginawa nila ito sa bahay mo?” malumanay kong tanong sa kanya.
“W-Wala, pero ang sabi ng bumato ay meron daw atraso si Papa sa kanila. At natatakot ako na baka gawan nila ako ng masama.”
“Mas mabuti na doon ka muna sa bahay ko mag-stay hanggang hindi pa nahuhuli ang may kagagawan.”
“S-Sige, salamat bestfriend.”
Matapos ang imbetsigasyon ay nag impake ng gamit si Thalia. At kasalukuyan naming sinasakay iyon sa likuran ng kotse ng may tumigil na jeep sa gilid ng sasakyan ko. Agad kong nakilala ang jeep ni Kap. Bumaba naman ito at agad na nag-usisa kaya sinabi ko ang nangyari.
“Sinong nag imbestigang mga pulis?”
“I-Iyong sinasabi ko sayo, sila ang nakita ko dito kanina.” Nakita kong napapailing si Kap. Siguro dahil kilala nito ang repustasyon ng mga pulis na iyon.
“Ihahatid ko na kayo, saan ba ang bahay mo?”
“Huwag na at may sasakyan naman kami.”
“Sigurado ka?”
“Yes, salamat.”
Nang makaalis kami ay biglang natanong ang kaibigan ko.
“Sino ang gwapong lalaking yon?”
“Ahm, si Kap….
“Si Kap, iyong kababata mo na nakatakdang pakasalan mo?”
“Humn…
“Wow! Saan kayo nagkita at bakit hindi mo yata nababanggit sa aking ang tungkol sa kanya?”
“Sa bar, once lang naman.”
I see, nakilala ka ba niya?”
“Hindi eh, saka meron na siyang fiancée.”
“Ano naman kung merong fiancée? Kung ang asawa nga naagaw pa yon pa kaya huh!”
“Aba’t anong ibig mong sabihin?”
“Agawin mo eh, anong saysay ng mahabang panahon na paghihintay. Kung hahayaan mo siyang makuha ng iba?” napapailing ako sa aking mga naririnig. Teka parang biglang nakalimutan nitong kaibigan ko ang kanyang sitwasyon?