Chapter- III

1506 Words
KYLE POV. MATAPOS ang pagkikita namin ng kapatid ko ay dinala ko agad siya sa aking inuupahang bahay. Tinawagan ko ang kaibigan kong doktora upang ipa-check ang mga gasgas niya sa katawan. Gawa ng pagkahulog niya sa bangin ay may mga sugat din siya sa braso at binti. Gusto ko siyang dalhin sa ospital ngunit ayaw niya dahil sa mga taong kanyang tinatalasan. "Baby sis, pag dumating si Doktora, huwag mong sasabihin na magkapatid tayo, okay? "Humn… bakit naman?" "Makulit kasi iyon, hindi ko naman siya type." Maya maya ay nakarinig kami ng mga katok. "Siya na yan Baby Sis, basta ang bilin ko, okay?" "Oo na Kuya." Nakangiti niyang sagot sa akin. Kaya naman ay iniwan ko na siya at pinagbuksan ng pinto si Doktora. "Pasok ka, naroon siya sa kwarto ko." "Sino bang pasyente at hindi mo sa ospital dinala. Pinapunta mo pa ako dito para ipagamot siya sa akin?" "Mamaya mo na ako tanungin, gamutin mo muna ang baby ko." Nakita kong natilihan siya nang marinig ang huling sinanabi ko. Pero hindi ko itinama ang maling akala niya. Dahil gusto kong isipin niya na karelasyon ko ang ipapagamot ko sa kanya. Isang paraan upang tigilan na rin ako ng babaeng ito. Hindi ko siya type, kaya gusto kong tantanan niya ang pagsunod sunod sa akin. "Aalis na ako at sa susunod ay huwag mo na akong tatawagin muli upang papuntahin dito okay?" Inis na pahayag niya bago nag paalam. "Gamutin mo muna ang baby ko, bilis na bago ka umalis." Nakita kong napipilitan lang ito at nang matapos ay nagmamadaling humakbang palabas ng kwarto. Hindi ko siya sinundan ngunit makulit itong kapatid ko kaya napilitan akong tumayo. "Salamat." Wika ko pa na may malapad na ngiti. "Whatever!" Inis niyang pahayag sa akin bago tuluyan lumabas ng bahay. Binalikan ko ang aking kapatid at kinausap ko siya, subalit bigla ang pangyayari. Nakarinig ako ng boses na tila galit na galit. Kaya tinanong ko kung ano ang ikinagalit ng lalaking bigla na lang pumasok sa bahay ko. At nagkaroon kami ng konting sagutan ngunit bigla niya akong binaril. "K-Kuya!" Narinig ko pa ang malakas na sigaw ng kapatid ko at ibang sinasabi niya. Hanggang nagdilim na ang paligid ko. Nang magising ako ay nasa opsital at naroon ang kapatid kong si Sunshine. Hanggang nalaman ko na ang lalaking bumaril sa akin ay ka relasyon pala niya. Matapos ang pangyayaring iyon sa buhay ko ay isinama ako ng kapatid ko upang magpagaling. Syempre hindi kami okay ng lalaking yon. Muntik na akong namatay dahil sa kanya. Kaya natural na galit pa rin ako. Lalo pa at nalaman ko ang ginawa niya sa kapatid ko. - Matulin ang paglipas ng mga araw, hanggang tuluyan na akong gumaling. Nagpaalam na ako sa aking kapatid at bumalik sa dati kong bahay. Isang gabi ay tinawagan ako ng aking kaibigan samahan ko raw siyang uminom. At humantong kami sa isang bar, sa counter kami na upo dahil ayaw ko sa masyadong crowded. Hanggang lumipas ang oras, isang babae ang namataan ko na nakatingin din sa akin. "Ganda ng tinitingnan mo, Pareng Kyle." "Maganda nga mukha namang flirt at ayaw ko sa mga ganyang klase ng babae." "Huwag mong seryosohin, ang mahalaga ay matikman mo. Sa tingin ko type ka niya, kakaibang makatingin parang nang-aakit.” Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ilang beses ko na siyang na-met. Sa katunayan ay tatlong beses na yata siyang nagpupunta sa bahay. “Ayaw ko, halika na at inaantok na ako.” Tumayo na ako at tuloy-tuloy na naglakad. Subalit may babaeng humarang sa akin. Nakilala ko naman ito ang babaeng flirt. Ang liberated na babaeng may mga matang laging nang-aakit. “Anong kailangan mo?” “Wala kasi akong sasakyan at masyado ng late. Pwede bang makiangkas sa sasakyan mo?” “Hindi pwede, bye.” “Oops! Sandali bakit ka ba nagmamadali huh!” “Alam mo Ms. Flirty, hindi ako nagsasakay ng babae lalo pa at hindi ko girlfriend.” “Kung ganun, girlfriend mo na ako mula ngayon. So, isasakay mo na ba ako?” “Hindi! Kaya tumabi ka riyan, halika na Pareng Lexus.” At nagmamadaling tinalikuran ko na ang babaeng yon. Pagdating ko sa labas ay kasunod ko ang aking kaibigan. Ngunit napasimangot ako ng makitang kasama niya si Ms. Flirty. “Ako na lang ang maghahatid sa kanya kung ayaw mo.” tiningnan ko ang aking kaibigan. At biglang nagbago ang isipan ko. Dahil ngayon pa lang ay na-imagine ko na ang kahihinatnan ng babaeng ito sa kamay ng kabigan ko. “Ayos lang Pareng Lexus, ako na ang maghahatid sa kanya.” Narinig ko ang malakas niyang tawa. “Wala kang tiwala sa akin, alam na alam mong hindi siya makakawala sa mga kamay. Sige Pareng Kyle, ingat kayo at regards sa yong fiancée.” “Oo na, bye.” Pagkatapos ay humakbang na ako patungo sa aking sasakyan. Nakita kong natilihan ito. Siguro iniisip niya na maganda ang dala kong kotse kagaya ng sa kaibigan ko. Pwes! Mali siya dahil ang aking pinakamamahal na jeep ang dala ko. Walang aircon at pupugak pugak pa ang makina. “Ano sasakay ka o iiwanan kita dito?” “Ahm, s-sakay.” At mabilis siyang humakbang paakyat. Napamura pa ako ng makita ko na ang kulay ng kanyang underwear. Totoong nag-init ang aking pakiramadam at nanigas ang cobra sa harapan ko. Pero hindi ko naman papatulan ang flirt na babaeng ito. Isa pa ay meron akong fiancée at nagpaplano na kaming magpakasal. Habang tumatakbo ang aking jeep sa kahabaan ng highway. Bahagya ko siyang nilingon subalit nakita kong tulog na ito. Gigisingin ko sana ng magbago ang isipan ko. Mamaya na lamang pag malapit na sa bahay…. Oops! Saan ko pala ihahatid ang babaeng to? Kaya napilitan akong tapikin ang balikat niya. Ngunit hindi man lang nagising. Kaya ang ginawa ko ay dinala ko siya sa bahay ko. Bahala ang babaeng ito bukas pag gising niya. Nang makapasok kami sa loob ay halos ibagsak ko ang katawan niya sa maliit kong sofa. Pagkatapos ay kumuha ako ng kumot at isang unan. Nang mailagay ko sa katawan at ulo niya ay iniwan ko na siya. Pumasok ako sa banyo at naligo, matapos ay nahiga na rin dahil nakakaramdam na ako ng antok. Kinabukasan ay nagising ako sa amoy ng niluluto. At napatalon ako sa higaan ko ng maalala ang flirt na babae. Siguradong dumating ang fiancée ko dahil mahilig iyong magluto. Ngunit nang makita ko ang babaeng nakatalikod ay si Flirty pala. At akmang hahakbang na ako pabalik sa aking kwarto ng marinig ko ang boses niya. Kap, luto na ito kaya kumain ka na muna bago ka bumalik sa pagtulog. Hindi na rin ako magtatagal dahil may pasok pa ako. Salamat pala at pinatulog mo ako dito sa bahay mo.” “Wala yon, sige salamat din sa niluto mo, bye.” Nakita kong dinampot na niya ang kanyang bag at tuloy tuloy na lumabas ng bahay. Hindi ko siya pinigilan o niyayang kainin ang kanyang niluto. Dahil anumang oras ay darating ang fiancée ko. Lumapit ako sa maliit kong table at dinampot ang pagkain na niluto ni Flirty. Inamoy ko pa iyon at bigla akong natakam kumain. Kaya mabilis na naghugas ako ng kamay at sinimulan kainin iyon. At hindi ko na namalayan ay naubos ko pa lang lahat. Masarap pala siyang magluto, mabuti pala at may konsiderasyon ang babaeng yon. Hindi kagaya ng ibang babae na nakatulog sa bahay ko ay never na gumawa sa kusina. Ako pa ang gigising upang papaglutuin. Matapos ang pagkain ko ay nagpahinga lang akong saglit at naligo. Nang makapagbihis ay naghanda na ako sa pag-alis. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay naroon ang fiancee ko at nakatayo. "Babe, saan ka pupunta at nakabihis ka?" "Magkikita kami ng kaibigan ko, kaya maiwan muna kita at babalik din agad ako." "Okay, ingat ka matutulog na muna ako dahil kulang pa ako sa tulog." "Take a rest, bye." matapos ko siyang gawaran ng halik ay sumakay na ako sa aking jeep. Paliko na ako sa may kanto ng mamataan ko ang isang babaeng familiar sa akin. nakatayo ito doon na tila takot na takot. Agad akong huminto sa tapat niya at nang makita niya ako ay mabilis na sumakay sa aking jeep. "Anong nangyari sayo at bakit nariyan ka?" "K-Kap, a-ang bag ko hinablot ng mga snatchers. W-Wala akong pera at w-walang taxi na dumadaan. H-Hindi ko alam k-kung saan ako sasakay." hindi ko napigilan ang aking sarili ay hinila ko siya at mahigpit na niyakap. Nanginginig pa rin ang buong katawan niya. "Shhh, kumalma ka, anong oras nangyari?" "Pagkaalis ko sa b-bahay mo." "Oh, sh*t! bakit hindi ka bumalik sa bahay matapos mangyari iyon sayo?" "Ahm, ano kasi meron babae doon sa may pintuan at p-pinalayas niya ako." ibig sabihin ay nag-abot pala ang dalawa sa labas ng bahay? Pero wala namang nababanggit ang fiancee ko tungkol doon. Humn... napaisip ako kung nagsasabi ng totoo ang flirty na babaeng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD