Prologue

536 Words
Twenty years ago Hokkaido, Japan   “SHE is a disappointment! Pinag-uusapan ako ng lahat dahil sa anak mo! Kung tinututukan mo kasi ang pag-aalaga sa kanya, hindi sana siya magkakaganyan. Hindi, eh! Sa halip na gawin mo ang tungkulin mo, nasaan ka? `Ayun! Kabi-kabilang pakikipagsosyalan ang inaatupag mo. Sana—”         “Nagsalita ang magaling! Nagsalita ang responsableng ama! Bakit? Ikaw ba, mabuti kang ehemplo? Huh! Halos hindi ka na umuuwi sa bahay. Saan ka umuuwi? Doon sa babae mo!”         Marahang itinakip ng anim taong gulang na batang babae ang kanyang mga palad sa magkabilang tainga para hindi marinig ang pagsisigawan ng kanyang mga magulang. Nasa isang hotel sila noon sa Japan dahil sa isang business conference ng daddy niya. Nasa likod siya ng malaking sofa. Nakauklo. And she was trembling. Naghahalo-halo ang emosyong nagsisiksikan sa kanyang dibdib. Hindi siya sigurado kung alam ng kanyang mga magulang na naroon siya at napapakinggan ang mga ito. Ah, kunsabagay, they did not care whether she can hear them arguing or not. Hindi na niya mabilang sa kanyang mga daliri sa mga kamay at paa kung ilang beses nangyari ang ganoon.         Narinig ng bata ang pagsara ng pinto at pag-impit ng boses ng nagtatalong mga magulang. Mukhang nasa silid na ang mga ito. But just the same, naririnig niya ang pinagtatalunan ng dalawa. And it concerned her. Katulad ng mga naunang pagtatalo.         “Huh! You’re such a loser, Criselda! Wala ka talagang utak noon at ngayon. Kung hindi ko binili ang kontrata mo sa kagagahang pinasok mo, you’d have a bastard by now! You’re cheap!”         “Hindi ko hiniling sa `yo ang bagay na `yon. Ikaw ang gumawa n’on. Dahil ano? Dahil nababaliw ka sa akin. Sa tuwina ay palagi mo na lang ibinabalik ang nakaraan!”         Hindi na napigilan ng batang si Julienne ang nararamdaman, para siyang nahihilo na hindi mawari. Nanlalamig siya. At habang patuloy na nag-aaway ang kanyang mga magulang, siya ay nasusuka. It was always like that kapag inaatake siya ng anxiety—social anxiety.         Nang hindi makatiis ay lumabas si Julienne ng silid nang hindi namamalayan ng nag-aaway na mga magulang. Lumabas siya ng hotel at nagtungo sa pinakamalapit na park. Galing na siya roon kahapon kaya pamilyar na siya sa lugar. Lumayo siya sa karamihan at naupo sa lilim ng isang mayabong na puno ng cherry blossom na nasa pinakadulo ng parke.         Nagpalinga-linga siya. Nang matiyak na walang tao sa paligid saka niya niyakap ang mga tuhod at pinakawalan ang mga luha. Humagulhol siya ng iyak. After all, nakakaiyak lang naman siya kapag ganoong nag-iisa at walang nakakakita.         Anim na taong gulang lamang si Julienne pero mulat na siya sa katotohanang hindi masaya ang pamilyang kanyang kinabibilangan. Nag-iisang anak lang siya. Ang kanyang ama ay isang businessman at ang kanyang ina naman ay isang socialite. Hindi niya maunawaan kung bakit lagi na lang nag-aaway ang mga ito kahit sa harap niya. Ang nauunawaan lang niya ay lagi siyang kasali sa pinag-aawayan ng dalawa at ang bawat away na kanyang nasasaksihan ay naghuhukay ng malalim na sugat sa kanyang puso.         Alam ng Diyos na ang kanyang mga magulang ang dahilan kung bakit hindi siya nagsasalita…        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD