Chapter 1

2367 Words
“HINDI ako makapaniwala na kailangan mo talagang gawin ang bagay na `yan, Julienne,” umiiling-iling na wika ni Althea. Kaibigan niya si Althea at kasama sa kanyang apartment. Anak ito ng kanyang yaya. Nakilala lamang niya ang babae at naging kaibigan noong lumuwas ito sa Maynila para mag-aral ng kolehiyo. Pinatuloy niya si Althea sa kanyang apartment at mula noon ay magkasama na sila. Althea was her best friend. Hindi alam ni Julienne na palihim pala itong nag-aral ng sign language para mas mapadali ang komunikasyon nilang dalawa. Pangkaraniwan na kasi, kapag hindi si Althea ang kaharap niya ay isinusulat niya ang mga nais sabihin sa isang notebook, o sa kanyang iPad, at ipinababasa iyon sa kausap. Nakasanayan na niya iyon. “I mean, pinahihirapan mo ang sarili mo. Hindi mo naman kailangang magtrabaho dahil… Diyos ko! Kahit nasa bahay ka lang, basta nakikipagbuno ang mga daliri mo sa keyboard ng computer mo, tiyak na hindi birong halaga ng pera ang papasok sa `yo,” palatak nito. “Pinapagod mo ang sarili mo sa araw-araw na pagpasok sa WonderWorld.”         Nginitian lang ni Julienne ang kaibigan pagkatapos ay nagkibit-balikat siya. Halos kabisado na niya ang linyang iyon ni Althea dahil sa nakalipas na isang linggo ay iyon lagi ang bukambibig nito sa kanya tuwing umaga. Itinuloy niya ang pag-aalmusal. Bacon, scrambled egg, at sinangag ang nakahain sa mesa. Mayroon ding bagong hiwang papaya. And her coffee, of course.         “Pero mukhang masaya ka naman sa ginagawa mo,” sabi pa nito habang tinititigan siya. Isang sumusuportang ngiti ang ibinigay sa kanya.         Sinagot niya ng ngiti ang kaibigan. Masaya talaga ako!         Inubos na ni Julienne ang pagkaing laman ng kanyang pinggan pati na ang kanyang kape. Pagkatapos niyon ay bumalik na siya sa kanyang silid para maligo at maghanda sa pagpasok sa kanyang trabaho.         Pagkaraan ng mahigit isang oras ay pareho na nilang binabaybay ni Althea ang daan para pumasok sa kani-kanilang trabaho. Si Althea ay isang nurse sa isang kilalang ospital sa Makati. Magkaiba ang direksiyon ng mga pinagtatrabahuhan nila kaya pareho silang nagdadala ng kanya-kanyang sasakyan.         Thirty-five minutes more at ipinaparada na ni Julienne ang kanyang sasakyan sa parking lot ng WonderWorld. Ang WonderWorld ay isang amusement park na katatayo pa lamang sa maunlad na bayan ng Cavite. She swiped her identification card—issued to her just yesterday—at the entrance of the employee building for her attendance. Sinagot niya ng ngiti at tango ang mga bumabati sa kanya. Pagkatapos niyon ay dere-deretso na siyang nagtungo sa dressing room para magpalit ng kanyang kasuotan.         But first, Julienne had to put on makeup. Makeup na bahagi ng kanyang trabaho. Naupo siya sa stool na nasa harap ng malaking salamin para masimulan na ang paglalagay ng makeup. Ipinatong niya ang kanyang make-up kit at sinimulang ayusan ang sarili. She had shoulder-length hair. Ipinusod niya iyon. Ang kanyang mukha ay pinuno niya ng kulay-puti na water-based makeup. Pagkatapos niyon ay ginuhitan ni Julienne ang kanyang maputing mukha ng itim na linya gamit ang kanyang black eyeliner pencil. She traced her jaw, her nose, and the outline of her lips. Hanggang sa magkaroon siya ng tinatawag na poker-face. Pagkaraang makontento sa hitsura ay isinuot na niya ang kanyang costume. Isang puting pang-itaas na may mahabang manggas at naaadornuhan ng mga ruffles, itim na slacks, itim na sapatos, puting gloves, at isang itim na sombrero ang kanyang outfit.         Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi nang tuluyang matunghayan sa full-length mirror ang kanyang alter ego na si Rain. Rain was neither a girl nor a boy. Rain was just a carefree, mischievous imp. Rain was a mime.         Nagtapos si Julienne ng kursong Computer Programming at magaling siya roon. Tulad ng sabi ni Althea, kahit nasa bahay lang siya basta nakikipagbuno ang kanyang mga daliri sa keyboard ng laptop niya ay kikita siya nang hindi birong halaga ng pera. Madali kasi siyang makagawa ng mga computer program at direktang binibili iyon ng isang international software company, ang Reeds. Sa totoo lang ay matagal na siyang kinukumbinsi ng Reeds na maging bahagi ng kompanya. Inalok siya na maging isa sa mga senior programmer ng kompanya at siyempre ang mga benipisyo at malaking halaga ng sahod. But she refused the offer. Mas gusto ni Julienne na hawak niya ang kanyang oras at sapat naman ang kanyang pera. Isa pa, mahal niya si Rain at hindi niya ito kayang iisantabi.         It’s showtime, Rain, sabi niya sa sarili. Dinampot niya ang itim na sombrero at isinuot iyon. Pagkatapos ay lumabas na siya ng dressing room para mag-ikot sa park. Para magpasaya.   “NAPAKAAGA pa, pero marami na akong nakikitang basura sa paligid, Clemente,” kunot-noong wika ng amo ni Freda na si Edward habang nag-iikot sila sa amusement park. “Kulang na ba tayo sa tao?” mahina ngunit delikadong tanong nito.         “Err, sapat po ang tao natin sa maintenance department, Sir,” tugon ni Freda. Supervisor siya ng amusement park. Napangiwi siya sa pagkakaroon ng matalas na mga mata ng amo. Ang ilang candy wrappers ang tinutukoy nito na basura. Kung tutuusin ay tolerable naman iyon dahil sa napakaraming tao sa park. At abala naman ang lahat ng janitors. Pero hindi naman niya iyon puwedeng ikatwiran sa boss dahil kilala niya ang ugali nito. Estrikto talaga ang lalaki pagdating sa trabaho. Gayunman ay hindi naman ito maakusahan na masama dahil mabuti naman ang trato nito sa mga empleyado. “Kakausapin ko po sila, Sir.”         “There.” Itinuro ng amo ang isang sulok. “Maglagay kayo diyan ng information center para mas madaling makapagtanong ng impormasyon ang mga tao. Do that as soon as possible.”         “Noted, Sir,” tugon ni Freda at inilista iyon sa maliit na notebook na tangan. Lihim pa siyang napailing nang makita ang hindi mabilang na puna ng boss na inilista niya, lahat ng iyon ay pulos maliliit na bagay lang. Kunsabagay, hindi siguro magiging matagumpay na negosyante ang batang-batang boss niya kung hindi ganoon ang ugali nito. Lagi na ay seryoso ito pagdating sa trabaho.         After a few minutes more, Edward finally dismissed the WonderWorld’s supervisor. Sinulyapan ni Edward ang suot na relo. Alas-diyes nagbubukas ang park at alas-onse pa lang pero marami nang tao at mahahaba na ang mga pila para sa rides. Kahit isang taon pa lang na operational ang WonderWorld ay hindi maipagkakaila na kinakagat iyon ng masa. WonderWorld was not an ordinary theme park. Makabago ang mga atraksiyon nila roon katulad ng mga bagay na dinarayo sa theme park sa ibang bansa. Bukod sa thrilling rides, mayroon silang flower park, oceanarium, astronomical sightseeing, underground museum, butterfly haven, at kung ano-ano pa. May nagtataasang tore doon na bukas para sa lahat kung nais na makita ang kabuuan ng lugar. WonderWorld was a thousand square meters of pure wonders and joy. Ipinamulsa niya ang mga kamay at naglakad-lakad pa.         He was Edward Henares. He was twenty-eight years old and a sole heir to the Henares Empire. Or so he thought. Bata pa lang siya ay ramdam na niya ang bigat ng responsibilidad na nakaatang sa kanyang mga balikat. Bata pa lang ay ang mundo na ng pagnenegosyo ang naging palaruan niya. Lumaki siya na ginagawa ang lahat para mapaluguran ang kanyang ama.         Pero nitong nakaraang buwan ay halos gumuho ang mundo ni Edward. Para siyang hinagisan ng bomba sa rebelasyong tumambad sa kanya. Apparently, he was not what he thought he was. Siya pala ay produkto ng siyensiya, isang test-tube baby. Nabuo siya sa pamamagitan ng IVF o In Vitro Fertilization. Bukod doon natuklasan din niya na hindi si Moly Henares ang kanyang biological mother. Mahina diumano ang egg cells nito kaya kinailangang maghanap ng egg donor. Ang mga itlog na makukuha sa donor ang tataniman ng semilya ng kanyang ama. Kapag naging matagumpay ang proseso saka iyon itatanim sa sinapupunan ni Moly Henares.         Subalit hindi lamang iyon ang bumulaga sa kanya, lumitaw rin ang isang Collin Fletcher na nagsasabing anak din ng kanyang ama.         It seemed that Edward’s life was a complete lie.         Narating niya ang bahagi ng park kung saan may isang makinarya na lumilikha ng iba’t ibang hugis ng bulâ at inililipad iyon sa kalawakan. Maraming tao sa parteng iyon pero mukhang hindi ang bubble maker ang kinaaliwan ng mga tao kundi isang tao—isang mime.         The mime must be five feet and seven inches tall. Maputi ang mukha at leeg nito na halatang water-based makeup lang. Kayang sabihin ni Edward na ang mime ay isang babae. Marahil ay dahil sa hugis ng katawan at sa kakaibang grace ng galaw nito. The mime was gesturing at magaling ito dahil kahit walang props ay tila nahuhulaan ng mga manonood kung ano ang ginagawa nito.         Mayamaya ay umakto ang mime na animo sumasakit ang tiyan. Nakauklo ito, sapo-sapo ang tiyan, at hindi maipinta ang mukha sa pagkakangiwi. Then she hurriedly went inside an invisible door and locked it. Umakto ito na animo hindi magkandatuto sa paghuhubad ng pang-ibabang kasuotan. The audience laughed. Nahulaan ng mga ito na magsi-CR ang mime. The mime was seated on an invisible bowl. Pagkatapos ay inipit nito ang ilong na animo nakakaamoy ng isang masangsang na amoy. Ilang sandali pa at bakas sa ekspresyon ng mukha nito na animo maginhawa na ang pakiramdam. Muling nagsitawanan ang mga manonood. Kunwa ay inaabot na ng mime ang tissue sa lalagyan. Nanlaki ang mga mata nito nang animo walang mahagilap na tissue. Then the mime smiled and shrugged. Umakto ito na inaabot at binubuksan ang isang gripo, hanggang sa maging marahas na ang pagbubukas nito. That was when the audience knew that there was no running water. The mime’s eyes grew wide in horror. And the audience burst into uncontrollable laughter.         She’s good, komento ni Edward bago tumalikod at naglakad palayo.         NAMATAAN ni Julienne ang isang pigura sa dako roon. Hindi, hindi niya ito namataan. Animo hinigop ng lalaking iyon ang kanyang atensiyon. Matangkad ito. He was wearing a three-piece executive suit. Matatag ang pagkakatayo nito. There was something extraordinary about him. He was good-looking but he looked formidable. Marahil ay dahil sa kaseryosuhan ng mukha at nakatiim na mga labi.         Hmm… mapangiti mo kaya siya, Rain? tanong ni Julienne sa kanyang mime persona. Let’s see… Pero bago pa siya makagawa ng hakbang ay tumalikod na ang lalaki at naglakad palayo. Nasundan na lang niya ito ng tingin. Sigurado at tiyak ang bawat hakbang nito. His broad shoulders made him look so dignified and powerful. Hindi mahirap sabihin na nabibilang ang lalaki sa mataas na antas ng lipunan. Julienne could tell that the man’s playground was the business world.         Isang milyonaryo, o bilyonaryo, na hindi marunong ngumiti…         Tuluyang nawala sa paningin ni Julienne ang lalaki. Ibinalik niya ang tingin sa mga nanonood na hindi magkamayaw sa pagpalakpak. Eksaheradong yumukod siya at nagbigay-pugay kaya naman tumawa uli ang mga ito.         My name is Rain. And I am a mime...         To be a mime you have to effectively act without any dialogue. Maliban sa costume at sa makeup ay ni hindi kailangan ng props para maiparating sa manonood kung ano ang inaakto mo. You just have to act clearly and flawlessly. Hindi alam ni Julienne na may talento siya sa larangang iyon. She was a shy person and a homebody. At hindi niya maipagmamalaki ang kuwento ng kanyang kabataan dahil malungkot iyon. Anak siya ng isang dating artista at ng isang businessman. Ayon sa kanyang yaya ay nagmamahalan naman daw ang kanyang mga magulang noong una. Pero marahil ay kumupas ang pagmamahal na iyon dahil naging malamig ang dalawa sa isa’t isa. Nakagisnan na niya ang kaliwa’t kanang awayan ng mga ito, madalas ay nauuwi pa sa pisikal na sakitan. It grew worse when they learned that their only child was not speaking. At age five, she was diagnosed with a medical condition called Selective Mutism. Doon na lalong nasira ang kanyang pamilya. Dati ay hindi iyon maunawaan ni Julienne, hanggang sa lumaki na siya at magkaisip. Natanim sa kanyang isip na ang hindi niya pagsasalita ang isa sa mga ugat ng problema.         Nagsikip ang dibdib ni Julienne, nanakit ang kanyang lalamunan sa tila bangungot na alaalang iyon. Pakiramdam niya ay puputok ang kanyang dibdib sa pagsisiksikan ng sama ng loob, galit, at sakit. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata at ilang sandali pa ay naiipon na ang mga luha sa paligid niyon. But she tried to blink away the tears.         Huwag kang iiyak, Julienne! Hindi umiiyak si Rain!         So yes, Rain had been her way of escaping from Julienne’s miserable world. Ang Rain na nagpapatawa sa mga tao ay isang malungkot na nilalang. Isang pipi. She was schooled at home. Bakit? Dahil ikinahihiya siya ng kanyang artistang ina at negosyanteng ama. Ang mansiyon nila ang naging mundo niya. At kompara sa mga bata na kapag ikinukulong ay lalong nagkukumawala, siya ay lumaking mahiyain. “Takot sa tao” kung tagurian pa nga niya ang sarili lalo pa nga at hindi siya nagsasalita. She had social anxiety.         Natuklasan ni Julienne ang pagma-mime nang minsang ipasyal siya ng kanyang yaya sa isang mall. Isang grupo ng mga performer ang naroon at nagpalabas. May mime na kasama ang grupo. Naaalala pa niya kung paanong titig na titig siya noon sa mime. She was fascinated by how clearly that mime acted. Later that night, hindi siya makatulog. Sa kanyang isip ay malinaw na gumigitaw ang mime at ang mga kilos nito. Hanggang sa matagpuan na lang niya ang sarili na ginagaya ito. For the second time, Julienne found herself smiling. Pakiramdam niya ay may sumibol na liwanag sa kanyang dibdib. She nurtured that light and made it burn within her. And so Rain was born.         Bago pa siya magtapos ng high school ay nasangkot sa isang aksidente ang kanyang mga magulang. Parehong binawian ng buhay ang mga ito. Nalaman niya na baon pala sa utang ang kanyang ama. Unti-unting lumubog ang kanilang negosyo. Maging ang bahay nila ay nailit. Mabuti na lang at may pera siya kahit paano sa kanyang trust fund. Iyon ang ginamit niya para mabuhay.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD