7

1085 Words
CATH POV Alas-tres pa lang ng madaling araw, pero gising na ako. Wala pa akong isang araw bilang personal maid ni Damon, pero parang gusto ko nang mag-resign. Pakiramdam ko, ang isang araw sa tabi niya ay katumbas ng isang taon sa impyerno. Napatingin ako sa relo. 4:30 AM. Tsk. Kailangan ko nang gumalaw bago pa siya magalit. Dali-dali akong bumangon at nagpunta sa kusina para ipaghanda ng kape si Damon. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako, sa dami ng maid dito sa mansion. Pero sa totoo lang, mas gusto ko pang maglinis ng buong bahay kaysa makasama siya buong araw. Habang nagtitimpla ako ng kape, napansin kong nakatingin sa akin si Kyla. “Uy, Kyla, bakit ganyan ka makatingin?” tanong ko habang hinahalo ang kape. “Hindi ka ba kinakabahan kay Boss Damon?” Napairap ako. “Obvious ba? Para nga akong mamamatay sa kaba.” Napatawa siya. “Kaya mo ‘yan, girl. Huwag mo lang siya susungitan, baka lalo kang pahirapan.” Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Huwag mo lang siya susungitan? Eh paano kung siya mismo ang pasimuno ng init ng ulo ko? Matapos ang ilang minuto, dala ko na ang kape papunta sa kwarto ni Damon. Pagdating ko sa harap ng pinto, kumatok ako nang tatlong beses. KNOCK! KNOCK! KNOCK! Walang sagot. Nagtaas ako ng kilay. “Sir Damon?” Wala pa rin. Sinubukan kong buksan ang pinto, at hindi ito naka-lock. Dahan-dahan akong pumasok, dala ang tray ng kape. Pagpasok ko, nakita kong nakahiga pa si Damon sa kama. Hindi ko inakalang makikita ko siyang ganito—tulog at mukhang payapa. Wala ang malamig at nakakatakot niyang aura. Sa unang pagkakataon, hindi siya mukhang demonyo. Lumapit ako nang dahan-dahan, inilapag ang tray sa bedside table, at tiningnan siya nang mabuti. Ang gwapo niya. Teka—ano?! Nakuuu, Cath! Bawal ma-attract! Delikado ‘yan! Pero bago pa ako makalabas, bigla siyang gumalaw. Napabalikwas siya ng bangon at tinitigan ako nang matalim. “Anong ginagawa mo dito?” malamig niyang tanong. Napaatras ako. “D-Dinalhan lang kita ng kape—” Tiningnan niya ang orasan at saka ako sinamaan ng tingin. “Late ka.” Napalunok ako. “Pero 5 AM pa lang naman—” “4:50 dapat nandito ka na.” Tsk. Diyos ko, wala pang isang minuto ang pagitan, pero pinapagalitan na ako? Pinilit kong ngumiti. “Pasensya na po, Boss Damon. Hindi na mauulit.” Hindi siya sumagot. Sa halip, kinuha niya ang kape at dahan-dahang uminom. Ilang segundo kaming tahimik, pero ramdam ko ang tension sa paligid. Matapos niyang uminom, tiningnan niya ako. “May alam ka ba sa schedule ko ngayong araw?” Napakunot-noo ako. “Wala pong nagbigay sa akin ng schedule ninyo.” Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako napaatras, pero hindi ko gusto ang pakiramdam nang tumayo siya nang sobrang lapit. “Kung gusto mong manatili rito, dapat alam mo na ang schedule ko bago pa kita tanungin,” seryoso niyang sabi. Napalunok ako. “P-Paano ko naman malalaman kung walang nagsasabi sa akin?” Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya. “That’s your problem.” Gusto ko nang mag-resign, Lord. Ngayooon na. Huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti. “Okay po. Next time, hindi na ako magkakamali.” Tumalikod siya at bumalik sa kama. “Good. Now, leave.” Hindi na ako nagdalawang-isip at agad na lumabas ng kwarto niya. Pagkalabas ko, hinilot ko ang sintido ko. Nako. Hindi ko alam kung matatapos ko ang isang linggo sa kanya nang hindi nawawala sa sarili. Pero isang bagay ang sigurado ko—hindi ko hahayaang apak-apakan ako ni Damon Octavian. Kahit kailan. --- Nang gabing iyon, hindi ako makatulog. Hindi dahil sa pagod kundi dahil sa iniwang tanong sa isipan ko—ano ba talaga ang plano ni Damon? Simula nang maging personal maid niya ako, hindi ko pa rin alam kung anong gusto niyang mangyari. May mga oras na parang gusto niyang sakupin ang mundo ko, at may mga sandaling parang gusto niya akong itulak palayo. Anong trip ng lalaking 'to? Napabuntong-hininga ako at lumingon sa orasan. Alas-dos na ng madaling araw. Hindi ko alam kung bakit parang may kung anong bumabagabag sa akin. Bumangon ako at lumabas ng silid. Tahimik ang buong mansyon, maliban sa mahihinang yapak ng mga guwardiya na nagroronda. Naglakad ako papunta sa kusina para uminom ng tubig, pero natigilan ako nang makarinig ako ng boses mula sa opisina ni Damon. "Siguraduhin mong walang makakialam sa negosyong ito. Hindi ko hahayaang masira ang lahat ng plano ko." Napakapit ako sa dingding. Sino ang kausap niya? At anong negosyo ang tinutukoy niya? Dahan-dahan akong sumilip mula sa nakaawang na pinto. Nandoon si Damon, nakaupo sa malaking upuan, may hawak na baso ng alak. May kausap siya sa telepono, at halata sa mukha niya ang pagiging seryoso. "Kung may problema, sabihin mo agad sa akin. Hindi pwedeng may makialam." Tumigil ang paghinga ko nang biglang tumingin siya sa direksyon ko. Hindi ko alam kung nakita niya ako, kaya mabilis akong umatras at tumakbo pabalik sa silid ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang sinasara ko ang pinto. Ano 'yung narinig ko? Kinabukasan, hindi ako mapakali habang inaayos ang mesa para sa almusal. Nandito na rin si Ruid at si Ma'am Lari, pero hindi pa lumalabas si Damon. Gusto kong magtanong kay Ruid kung may alam siya tungkol sa negosyo ng kapatid niya, pero baka mapansin niyang may nalaman ako. "Huy, Cath!" bulong ni Kyla habang inaayos niya ang baso sa lamesa. "Ba't ang tahimik mo?" "Ha? Wala... inaantok lang siguro," palusot ko. Biglang lumabas si Damon mula sa opisina niya, at agad akong kinabahan. Tulad ng dati, matalim ang tingin niya, pero ngayon ay may kung anong bumabasa sa akin sa paningin niya—parang alam niyang may ginawa ako kagabi. Umupo siya sa tapat ni Ruid, at nagpalitan sila ng tingin. "How's the business, bro?" tanong ni Ruid habang kumukuha ng tinapay. "Still running smoothly," sagot ni Damon, pero hindi siya nakatingin kay Ruid. Nakatitig siya sa akin. Pakiramdam ko, gusto niyang sabihin sa akin na narinig ko ang hindi ko dapat marinig. "Huwag kang makialam, Cath," bulong ng isip ko. Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong. Nang matapos ang almusal, nagmamadali akong tumayo para makalayo kay Damon, pero bago pa ako makalabas ng dining hall, hinila niya ang braso ko. "May kailangan tayong pag-usapan," malamig niyang sabi. Napalunok ako. Wala na 'tong atrasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD