CATH'S POV
Nakatayo lang ako sa gilid ng malaking cabinet ni Damon, sinusubukang basahin ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi ko maintindihan kung seryoso ba siya o may niluluto siyang masamang plano laban sa akin.
“Uulitin ko,” malamig niyang sabi, tinitigan ako ng kanyang matatalim na mata. “Who exactly are you?”
Napalunok ako ng laway. Ano ba ‘to? Parang interrogation?
“I already told you my name,” sagot ko, hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Napairap siya at naglakad palapit sa akin. Hindi ko alam kung anong mas nakakakaba—yung titig niyang parang huhukayin ang buong pagkatao ko o yung bagsik ng boses niya.
“Hindi ako interesado sa pangalan mo. Gusto kong malaman kung anong ginagawa mo talaga rito.”
Napalunok ako. “I’m just a maid. Ikaw ang may gusto na maging personal maid mo ako, ‘di ba? So bakit mo pa ako tinatanong ng ganyan?”
Napangisi siya. “Matalino ka nga.”
Lalo akong kinabahan. Nakangiti siya, pero hindi ‘yung tipong nakakatawa. Parang may binabalak siya na hindi ko pa maintindihan.
“Pero,” patuloy niya, “hindi lang basta-basta nakakapasok ang kahit sino sa Octavian Mansion. Ruid is reckless, and I don’t trust the people he hires.”
Huminga ako nang malalim. Ngayon ko naintindihan. Pinagdududahan niya ako.
“Dahil lang ba sa hindi mo ako kilala, kaya mo nasabing hindi mo ako mapagkakatiwalaan?” tanong ko, tinitingnan siya nang diretso sa mata.
Muling nag-iba ang ekspresyon niya. Parang may naisip siyang hindi ko alam.
“Exactly.”
Tumalikod siya at naglakad palayo, papunta sa kanyang table. Akala ko tapos na ang interrogation, pero nagsalita ulit siya.
“Simula ngayon, lagi kitang babantayan, Cath.”
Napasinghap ako. Ano daw?
Nilingon ko siya. “What?!”
Tumaas ang isang kilay niya. “You heard me.”
“Bakit naman? Anong ginawa ko para bantayan mo ako?”
Umikot siya sa harap ng mesa at sumandal doon, ang mga braso’y nakapulupot sa kanyang dibdib.
“I don’t trust you yet.”
Napailing ako. “Seriously, Damon? Wala akong ginagawang masama.”
“Let’s see about that,” sagot niya, saka niya itinuro ang pinto. “You can leave now.”
Alam kong pinapaalis na niya ako, pero may parte sa akin na gustong malaman kung anong iniisip niya. Gusto kong ipaliwanag sa kanya na hindi ako masamang tao. Pero mukhang kahit anong sabihin ko, may duda pa rin siya.
Kaya imbes na makipagtalo pa, tumalikod ako at lumabas ng kwarto niya.
Paglabas ko, napahinga ako nang malalim. Ano ba ‘tong napasukan ko?
Later That Night
Hindi ako mapakali habang nakahiga sa kama ko. Paulit-ulit kong iniisip ang sinabi ni Damon kanina. Bakit niya ako gustong bantayan? Anong iniisip niyang gagawin ko?
Napahawak ako sa noo. Dapat hindi ko ito masyadong iniisip. Wala naman akong ginagawang masama.
Pero isang bagay ang sigurado—simula ngayon, hindi magiging madali ang trabaho ko sa mansion na ‘to.
At si Damon? Mas lalo siyang nagiging delikadong tao sa paningin ko.Kinabukasan, naalimpungatan ako sa mahinang katok sa pinto ng kwarto ko.
Tok. Tok.
Napakunot ang noo ko. Sino namang nagkakaproblema ng ganitong kaaga?
Pilit kong iminulat ang mga mata ko at tumingin sa wall clock. Alas-sais pa lang ng umaga.
Bumangon ako, inayos nang bahagya ang sarili, saka dahan-dahang binuksan ang pinto.
Bumulaga sa akin si Kyla, isa sa mga maid na kasama ko dito sa mansion. Nakangisi ito habang may bitbit na tray ng pagkain.
"Good morning, Miss Personal Maid!" natatawa niyang sabi.
Napailing ako. "Ano nanaman ‘yan, Kyla?"
"Pabreakfast daw ni Boss Damon."
Napataas ang kilay ko. "Huh? Si Damon? Binigyan ako ng breakfast?"
"Yup! Sabi niya, dapat kumain ka bago ka pumasok sa kwarto niya."
Napasinghap ako. "Ha?! Kwarto niya ulit?"
Tumawa si Kyla. "Mukhang ‘di ka na makakawala kay Boss Damon. Paborito ka na niya, ah!"
Napairap ako. "Kung ganito pala, sana ‘di na lang ako pumayag maging personal maid niya."
"Kaya nga. Pero girl, sino ba naman ang aayaw sa atensyon ni Boss Damon? Alam mo namang siya ‘yung tipo ng lalaking—”
"Hindi ako interesado, Kyla," putol ko sa sasabihin niya.
Umiling siya at iniabot sa akin ang tray. "O siya, kakain ka ba o hindi? Kung hindi mo kakainin, ako na lang!" biro niya.
Napabuntong-hininga ako at kinuha ang tray. “Fine. Pero paano kung may lason ‘to?” pabiro kong tanong.
"Ikaw naman! Kung gusto kang ipapatay ni Boss Damon, hindi na siya mag-aaksaya ng pagkain," natatawang sagot niya bago tumalikod at naglakad palayo.
Pinagmasdan ko ang tray—isang full breakfast meal. May scrambled eggs, bacon, toast, at isang tasa ng mainit na kape.
Napaisip ako. Bakit kailangan niyang pakainin ako bago pumunta sa kwarto niya?
Ano nanaman bang iniisip ng lalaking ‘yun?
Wala naman akong choice kundi kainin ‘to. Hindi rin naman ako pwedeng pumunta kay Damon na gutom.
---
Pagkatapos kong kumain at maghanda, tumungo na ako sa kwarto ni Damon.
Nang makarating ako, hindi pa ako nakakatok ay biglang bumukas ang pinto.
Nagulat ako nang makita siya—naka-unbutton ang itim niyang polo, revealing part of his toned chest. His hair was slightly messy, like he just got out of bed, pero hindi iyon nakaapekto sa itsura niya.
Napalunok ako nang wala sa oras.
Damn it, Cath. Composed lang!
"You're late," malamig niyang sabi.
Napakunot ang noo ko. "Huh? Sinabi mo ba kung anong oras ako dapat nandito?"
Napataas ang isang kilay niya. "You should’ve known better. Personal maid kita, ‘di ba? Dapat ikaw ang nakakaalam kung anong oras ako gigising at kung anong kailangan ko sa umaga."
Naningkit ang mga mata ko. "Wow, demanding?"
Nagpatuloy lang siya sa pagtitig sa akin, kaya napairap na lang ako. “Ano bang kailangan mo?”
Naglakad siya pabalik sa loob ng kwarto niya at umupo sa gilid ng kama. "Ayusin mo ‘tong kwarto ko habang naliligo ako."
Napairap ulit ako. Seriously?
Pero wala akong nagawa kundi sumunod.
Habang inaayos ko ang kama niya, narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo.
Bumaling ako sa kanya, at nanlaki ang mga mata ko.
Damon stepped out, his hair damp, a towel hanging loosely around his waist.
Muntik ko nang mabitawan ang unan na hawak ko.
What the hell?!
Ngumisi siya. "Why do you look so shocked?"
Oh my God, Cath, control yourself!
Tumikom ang bibig ko at nag-iwas ng tingin. "Could you at least wear some clothes first before talking to me?"
"I don’t mind walking around like this," sagot niya, bahagyang nakangisi.
"Hindi naman ako nagtanong kung okay lang sa’yo! Ako ‘yung nahihirapan dito!"
Tumawa siya at naglakad papunta sa kanyang walk-in closet. "Fine, fine. I’ll put on some clothes."
Naghintay ako habang nagbibihis siya, pero hindi ko pa rin maproseso ang nakita ko.
Damn it, Cath. Focus!
Maya-maya, lumabas na siya suot ang itim na dress shirt at slacks. Nilapitan niya ako at tumigil sa harapan ko.
"You’ll accompany me today."
Napataas ang kilay ko. "Ha? Saan?"
"Business trip. I need an assistant, and since ikaw ang personal maid ko, you have to come with me."
Nag-cross ako ng arms. "And what exactly do I need to do?"
Pinagmasdan niya ako sandali bago ngumiti. "Just follow my orders."
Napabuntong-hininga ako. Great. Mukhang hindi ko talaga matatakasan ang lalaking ‘to.
---
Habang nasa loob kami ng sasakyan, hindi ko maiwasang magtanong.
"Saan nga ulit tayo pupunta?"
Damon glanced at me before focusing back on the road. "Sa isa sa mga hotel namin. May ka-meeting akong investor, at kailangan kong may kasama para ipakita na may support system ako."
Napakunot ang noo ko. "Support system?"
Tumango siya. "It’s all about strategy, Cath. Kailangan kong ipakita na hindi ako nag-iisa sa business dealings. Mas nagiging confident ang investors kapag nakikita nilang may capable people around me."
Napaisip ako. "So basically, ginagawa mo lang akong prop?"
Bahagya siyang tumawa. "Not exactly. Pero mas okay nang isipin mong gano’n."
Napairap ako. "And what do I get from this?"
"You get to keep your job," sagot niya, nakangisi.
Ugh. This guy is impossible.
Makalipas ang halos isang oras na biyahe, dumating na kami sa isang malaking hotel. Pagpasok pa lang namin, agad na kaming sinalubong ng isang matangkad na lalaki na may suot na mamahaling suit.
"Damon, good to see you," bati ng lalaki.
Damon smirked. "Same here, Mr. Lancaster."
Napatingin sa akin si Mr. Lancaster. "And who is this lovely lady?"
Before I could answer, Damon spoke. "She’s my assistant."
Nagulat ako. Assistant?!
Ngumiti lang si Mr. Lancaster. "You never brought an assistant before. She must be special."
Ngumiti lang si Damon at hindi sumagot.
Umupo kami sa isang private dining area sa loob ng hotel. Habang nag-uusap sila tungkol sa business, tahimik lang akong nakikinig.
Pero habang tumatagal, napansin kong nakatitig si Mr. Lancaster sa akin.
Napapansin ko rin ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Damon.
"So, Miss...?"
"Cath," sagot ko.
"Miss Cath, do you work for Damon long?"
Bago pa ako makasagot, sumingit si Damon. "Long enough."
Napatingin ako sa kanya. Ano bang pinagsasabi niya?
Natawa lang si Mr. Lancaster. "Interesting. You’re quite different from the usual people he brings."
Nagtaas ng kilay si Damon. "That’s the point."
Parang may tension sa pagitan nila, pero hindi ko alam kung ano.
Pagkatapos ng meeting, naglakad kami palabas ng hotel.
“Anong nangyari doon?” tanong ko kay Damon.
"Nothing you should worry about," sagot niya.
Pero alam kong may hindi siya sinasabi.
At habang mas nakikilala ko siya, mas lalong lumalakas ang kutob kong may mas malalim pang dahilan kung bakit niya ako pinili bilang personal maid niya.