AUTHOR'S NOTE
Hello, dear readers!
Welcome to "The Dangerous Obsession"—a story filled with unexpected encounters, complicated emotions, and a hint of mystery. As you dive into Cath’s journey, you’ll witness her struggles, determination, and the intriguing relationship she unknowingly steps into.
This story is not just about romance but also about self-worth, resilience, and how love can sometimes be found in the most unexpected places.
I hope you enjoy every twist and turn of this tale! Thank you for reading, and feel free to share your thoughts—I’d love to hear from you.
Happy reading!
—Author
_______________________________________________________
CATH'S POV
Pagkalabas ko ng Octavian Company, hindi ko pa rin mapigilan ang inis ko kay Damon Octavian—ang may-ari ng kompanyang ito. Kahapon ko lang siya unang nakita, pero parang gusto ko nang iwasan siya habambuhay. Ang sungit! Ni hindi nga nagpasalamat sa pag-deliver ko ng pizza. Kung makaasta, akala mo may utang ako sa kanya.
Napabuntong-hininga ako habang naglalakad pabalik sa pizza shop.
"Hays… bakit ba masungit yun? Hindi ko naman siya inaaway o binastos."
Pagdating ko sa shop, abala ako sa pag-aayos ng mga delivery orders nang biglang lumapit sa akin si Cherry, dala-dala ang resibo ng bagong order.
"HOY! Bilis! Mag-deliver ka ulit sa Octavian Company. Pero this time, sa bagong dating na kapatid ni Mr. Octavian!" utos niya sabay dampot ng dalawang kahon ng pizza at inilagay sa harapan ko.
Napakamot ako ng ulo. "Nanaman?! Pwede bang iba na lang ang mag-deliver? Baka mas masahol pa ang ugali ng kapatid ni Mr. Octavian!" reklamo ko.
Pero syempre, wala naman akong choice. Ayaw ko ring mawalan ng trabaho, kaya kahit inis na inis ako, kinuha ko ang dalawang kahon ng pizza at muling naglakad papunta sa Octavian Company.
---
Pagdating ko sa Octavian Tower, agad akong pumasok at dumiretso sa 17th floor, kung saan matatagpuan ang opisina ng bagong dating na kapatid ni Damon Octavian. Pagkatapos kong hanapin ang tamang pinto, kumatok ako nang tatlong beses. Walang sumagot, kaya kumatok ulit ako.
"Tao po? May tao?" sigaw ko habang patuloy na kumakatok.
Maya-maya, isang malalim ngunit kalma na boses ang sumagot mula sa loob.
"Come in. Just put the pizza on my table."
Dahan-dahan akong pumasok at inilapag ang dalawang kahon ng pizza sa mesa ng lalaki. Nang tumingin ako sa kanya, agad akong napatingin sa kanyang mukha—hindi tulad ng masungit niyang kapatid, ang lalaking ito ay may friendly aura.
"Don't call me sir. Just call me Ruid. I'm Kurt Ruid Octavian." pakilala niya habang nakangiti.
Napataas ang kilay ko. "Wow, buti ka pa mabait. Akala ko masama din ang ugali mo kagaya ng kuya mo," sabi ko nang pabiro.
Biglang natawa nang mahina si Ruid. "Know what? My brother Damon… he hates women. Well, his wife divorced him and took all his money." paliwanag niya.
Napabuntong-hininga ako at tumango. Kaya pala parang galit sa mundo ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matutuwa dahil may dahilan pala ang pagiging masungit niya.
Maya-maya, tinapik ako ni Ruid sa balikat at sinenyasan akong maupo.
"Gusto kitang makausap at maging kaibigan," sabi niya.
Agad akong nagtaka. "Bakit naman?"
Ngumiti si Ruid. "Dahil gusto kong makilala ka. At gusto ko ring malaman kung ano ang tingin mo kay Damon."
Napaisip ako saglit bago sumagot. "Hmm… Siguro iniwan siya ng asawa niya dahil masama ang ugali niya? Kaya ngayon, galit na siya sa lahat ng babae?"
Umiling si Ruid. "No, you’re wrong. Mabait si kuya. Masayahin din siya noon, kaso nga lang, pera lang ang habol ng ex-wife niya. Kaya bumalik siya sa dati niyang ugali—sarado ang puso at laging galit. Alam mo, bagay kayo ni kuya."
Natawa ako. "Huh? Ano ka ba, hindi naman ako mayaman! At hindi naman si Damon tumitingin kung mahirap o mayaman, di ba?"
Napangisi si Ruid. "Exactly! That’s why I have a plan."
Agad akong nagtaka. "Anong plano?"
Lalo siyang napangisi bago nagsalita. "You’re going to be my personal maid. Deal?"
Nanlaki ang mata ko. "Huh? Personal maid?!"
"Yes! Huwag kang mag-alala, mataas ang sahod. Hindi ka na maghihirap. At baka sakaling mahulog si Damon sa'yo." sabay kindat niya.
Agad akong umiling. "Naku! Hindi ko kayang magsinungaling sa kuya mo. Ayoko ng ganyan! Sige na, bye!" Kinuha ko ang delivery box at tumalikod para umalis.
Pero bago pa ako makalabas, bigla niya akong hinawakan sa braso.
"Hoy, sandali lang, Cath! Sige ganito na lang, kung ayaw mo sa planong iyon… magtrabaho ka na lang bilang maid ko, okay?"
Napaisip ako. Hmm… malaking sahod? Wala namang kasamang kalokohan? Pumayag na ako.
"Sige, trabaho lang, ha? Wala nang drama. Hindi ko kailangan ng pag-aasawa—trabaho lang ang hanap ko ngayon para mabuhay," sabi ko sabay irap sa kanya.
Napangiti si Ruid at tumango. "Yan! Yan ang gusto ko, Cath! Trabaho lang!"
---
Pero bago pa ako makalabas, bigla niya akong binigyan ng isang maid uniform.
"Ano ba naman ’to, Ruid? Ngayon na agad? Hindi ba pwedeng bukas na?" reklamo ko habang hawak-hawak ang uniform.
Ngumiti siya at umiling. "No, no, no! Wala nang bukas-bukas! Simula ngayon, ikaw na ang maid ko. Don’t worry about your things at home. I will send my people to transfer them to my mansion."
Napabuntong-hininga na lang ako at tumango. Kinuha ko ang maid uniform at tiningnan ito nang mabuti.
"Hmm… Ang ganda naman ng uniform na ’to. Pink?"
"Yes, para maganda kang tingnan habang nagtatrabaho," sagot niya sabay tawa.
Pumunta ako sa comfort room at nagpalit ng damit. Paglabas ko, ramdam kong ibang-iba ang itsura ko. Medyo awkward, pero komportable naman ang uniform.
Napatingin sa akin si Ruid at nanlaki ang mata.
"Wow. You look amazing, Cath! Ang ganda mo!"
Bago pa ako makasagot, biglang may kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at laking gulat ko nang makita kung sino ang nasa labas—si Damon.
Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, at ang malamig niyang ekspresyon ay mas lalong naging seryoso.
"Huwag kang humarang sa daan, Cath," malamig niyang sabi.
Agad akong tumabi, pero napansin kong panay ang nakaw na tingin niya sa akin habang nag-uusap sila ni Ruid.
Samantala, si Ruid naman ay panay ang ngisi at thumbs up sa akin—parang may pinaplano na naman siya.
Ano na naman 'to, Ruid? Ipapagpatuloy mo pa rin ba ang plano mo?!