CHAPTER 2

1597 Words
BETTY's POV Kanina pa sumasakit eyeballs ko kakairap sa mga kaibigan na tinutukso ako. Konting konti na lang talaga ay makakasakit ako kahit mahal na mahal ko 'tong dalawa. Paano ba naman? After umalis no'ng supladong lalaki ay agad silang pumunta sa table namin at nagtanong nang kung anu-ano. Itong si Naya balak na atang iuwi 'yung naapakan ko na sapatos. Grabe. Hindi pa rin ako makaget over sa ginawa niya. Sa table talaga nilagay? How rude. At ang kapal niya sa part na 'yon 'di ba? Malay ko ba kung may amoy 'yang paa niya. "Ikaw, bff ha. Nagpaiwan ka pala kasi may cutie ro'n." kilig na kilig na sabi ni Naya sa akin. "Ang bango bango pa nitong sapatos niya. Ganito ba talaga kapag gwapo? Pati gamit ay sobrang bangoooo." may payakap yakap pa niyang sabi. Siraulo. Kung siya na lang kaya ang maglaba at magsauli? Hindi ko rin naman sinasadya at hindi ko gusto ang ugali niya. "Ikaw na lang kaya maglaba? Tutal mukhang magkakasundo kayo no'n." sabi ko na lang sakaniya. "Teh, huwag. Duda ako kay Naya. Ikaw na lang tutal ikaw naman ang may atraso sa tao." sabi ni Phob sa akin. Anong atraso? Wala naman akong kasalanan sakaniya. Kasalanan ko ba na nakasapatos siya? Nakauwi na ako sa bahay at agad na dumiretso sa kwarto ko. Inis kong binato sa basurahan 'yung sapatos niya at humiga sa kama. Napabuntong hininga ako at tumingin ulit sa cellphone ko. Mas maganda na huwag na lang ako pumunta. Bakit niya kasi ako pinadalhan ng invitation? Mas nagulo pa gulong buhay ko. Kahit labag sa kalooban ko ay tumayo ako at pinulot ulit 'yung sapatos na binasura ko. Kailangan ko ng libangan at pagbabalingan ng oras ko. Madadala naman pala sa simpleng punas ito bakit niya pa pinapalinis?! Siraulo ba siya? O baka naman crush niya ako kaya gano'n at gusto ulit ako makita bukas? Out of the blue, bigla akong natawa habang nasa loob ng cr ko. Kung anu-ano na ang naiisip ko. — Mas mabilis pa sa alas kwatro ang galaw ko nang makagising ako. Sino bang hindi matataranta kung 7:20 ka nagising at 8:00 AM ang pasok mo? Isa akong financial analyst sa isang kumpanya at late na talaga ako. Hindi na ako nag-abala pang kumain dahil kulang na kulang na ako sa oras. Gano'n na ba ako kapagod kahapon at mahigit 12 hours ang tulog ko? Patay talaga ako sa boss ko rito. At kung minamalas nga naman ako, walang nadaan na taxi. Iyon kasi ang pinakamabilis na sasakyan papunta sa company. Kaya kahit labag sa kalooban ko na sumakay sa bus ay ginawa ko na. Marami kasing hinto ang bus at siksikan pa. Pagpasok ko ay standing na lang ang available. Mabuti naman at hindi ko naisipang mag-skirt ngayon. Nang malapit na ako ay biglang dumami ang mga pasahero. Mukha na kaming sardinas sa isang maliit na lata. Halos hindi na ako makahinga at muntikan na mauntog kaso may humarang na kamay sa may noo ko. Dahil napaka-uncomfortable, umikot ako at halos mapamura ako sa nakita ko. Nandito 'yung supladong nagpalinis ng sapatos sa akin. Tinignan niya ako saglit at binalik ulit ang tingin sa labas. Gumalaw ako para magkaroon ng konting space kasi nakakairita 'yang pagmumukha niya kaso bigla kaming nasubsob palikod dahil sa pagpreno ng bus. Ang lapit ng mukha niya sa akin habang nakahawak siya sa bewang ko. Napakagat ako sa ngipin ko kasi hindi ko maikakali na gwapo siya pero pangit pa rin ang ugali. Oo na. Moreno, hindi masyadong makapal ang kilay pero maganda 'yung pagkacurl ng lashes niya. Hindi rin masyadong matapang 'yung facial features niya pero masarap titigan. Mature 'yung structures ng face niya at may hindi kakapalan na labi. Palagi siyang nakakunot noo na mas dumagdag sa appeal niya. Kahit napakasimple lamang ng porma niya at napakagwapo na niya. "MCRUZ CORPORATION!" bumalik ako sa sarili ko nang sabihin na nandito na ako sa stop ko. Malakas ko siyang tinulak at nagmamadaling lumabas. Halos hindi ako makahinga habang tumatakbo. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Halos hindi ko na marinig 'yung nasa paligid ko. Ano bang mali sa puso ko? Bakit ba ang bilis bilis? Wala naman kaming hinahabol o tinatakbuhan. Bigla kong naalala 'yung mukha niya na sobrang lapit at napatakip ako ng mukha. "Ahhhhhhh. Ayoko naaaaa." sigaw ko habang tumakbo papunta sa entrance. Buti na lang at hindi ako napagalitan na late. Usually kasi may deduc kapag nahuli ka na late. Akala ko buong araw akong mamalasin dahil umagang umaga ay nakita ko 'yung supladong 'yon. Akala ko mamaya na 'yung susunod at huling pagkikita namin pero bakit ba siya sumakay sa bus na 'yon? Ang dami namang ibang sasakyan diyan. Siguro sinusundan niya talaga ako? Masyado siyang halata ha. Noong lunch break ay sa sa cubicle ko na ako kumain at nag-scroll lang ulit sa f*******:. Wala namang mahahalagang messages aside sa pangungulit ni Naya sa akin na sumama mamayang ibibigay ko 'yung sapatos. Wala namang bago sa feed ko. Puro pictures ng kabatch ko na nag-aasawa or mga nanganak na. Sana all, 'no. Ako failed relationship pa rin. At ayoko na mag-try pa. Once is enough. Hindi na ako magpapakabaliw para sa isang lalaki. "Uuwi ka na?" tanong ni Jim sa akin. Old suitor ko na ka-workmate ko sa company. Ngumiti ako at tumango. "Oo, e." sabi ko sakaniya at lumabas na. Napansin ko na sinundan niya ako kaya hindi ko siya pinansin. Mabait naman siya kaso masyado siyang makulit. Umakbay siya sa balikat ko at agad ko iyong inalis. Ito ang ayaw ko sakaniya. "Sorry—" Mags-sorry na sana siya nang may bumungo sakaniya na lalaki. Napatigil siya at napatingin kami ro'n. "Exucuse." sabi nito at nagtuloy tuloy sa paglakad. Tinignan ko si Jim napaupo sa pagbunggo. Deserve. May nakita akong bus at agad na sumakay. Hindi na nakasunod si Jim kasi biglang dumami ang pumasok sa bus after ko na pumasok. Isa rin sa rason kung bakit hindi ko siya binigyan ng chance ay hindi niya alam 'yung word na limit. Masyado siyang hokage and it is so uncomfortable lalo na at babae ako. Pero parang familiar 'yung voice na nagsalita kanina. Parang narinig ko na somewhere pero hindi ko kilala kung kaninong boses. Nasisiraan na ba ako nh bait? Baka naman nagiimagine na naman ako? Dalawang oras pa naman bago mag-8pm kaya maglilinis muna ako rito sa bahay. Mag-isa lang ako kasi nasa province na ang family ko. Si Ate, nasa asawa niya at dahil desisyon ko rin na maging independent, wala akong choice kundi umasa sa sarili ko. Sakto lang naman ang laki ng bahay namin. May tatlong kwarto pero 'yung kwarto ko lang ang nililinisan ko kasi hindi naman palaging ginagamit 'yung dalawa. Nagluto na rin ako ng hapunan ko at nagtabi para sa agahan. Nasanay na ako sa ganitong set up kasi simula no'ng nag-college ako ay ganito na ang ginagawa ko. Hindi ko na namalayan 'yung oras dahil bigla akong nakaidlip. Nabitawan ko 'yung walis na hawak ko kasi 9pm na pala. Gosh, 8pm pala 'yung usapan namin at isang oras na akong late. Nagpalit na lang ako ng t-shirt, pajama at nag-tsinelas kasi hindi naman ako mag-tatagal. Isasampal ko lang sa mukha niya at uuwi na rin agad ako. Tinakbo ko na lang 'yung cafe kasi 10 minutes away lang naman siya sa bahay kung lalakarin. Hindi naman siguro 'yon magagalit na late ako kasi hindi ko naman utang na loob 'yung paglinis sa sapatos niya. Pagdating ko ay nakaupo siya sa table namin kahapon at nakatingin sa akin. Bigla na lang ako kinabahan at madali na naglakad papunta sakanya. Parang hindi ko ata alam kung ano ang sasabihin ko sakaniya. 'Oh, sapatos mo.' 'Sapatos mo.' Ihagis ko na lang kaya sa mukha niya? Ano ba, Betty? Umayos ka nga. Sino ba siya para kabahan ka? "Ayan na 'yung sapatos mo. Malinis na. Sige. Bye—" "Upo." bigla akong umupo noong sinabi niya na umupo ako. Ano ba, Betty? Bakit ka sumusunod? "Hindi na ako magtatagal kasi gabi na at wala naman na akong atraso sa 'yo. Pwede na ba akong umuwi?" diretsong sabi ko sakaniya. Gosh. Ang gwapo niya. "Hatid na kita." sabi niya at tumayo. Tiningnan ko siya. Ha? Ihahatid? HAHAHAHAHA. Kaya ko naman sarili ko. "Hindi na. Malapit lang naman bahay ko." sabi sakaniya at dali daling lumabas. At dahil tanga ako ay nauntog ako sa glass door dahil sa pagmamadali. Gusto ko na lang umiyak dahil sa katangahan ko. Lupa, lamunin mo ako. Parang anytime pwede na akong magwala sa kahihiyan. Narinig kong tumawa itong mokong sa likod ko. Imbes na mainis ay bakit parang natuwa pa itong sarili ko na narinig siyang tumawa? "Oh, tingin tingin mo?" defend ko na lang at binuksan 'yung pinto. Nakabuntot lang siya sa likod ko. Ang ayaw ko 'yung sinusundan sundan ako. Hinahawakan ko 'yung noo ko at napayuko habang naglalakad. Ayaw niya ba talaga ako na tantanan? "Pwede ba? Huwag mo akong sundan?" lumingon ako sakaniya para ilabas 'yung inis pero wala nang nakabuntot sa akin. Napahiya na naman ako. Alam mo, gustong gusto ko na lang maglaho at huwag na bumalik. Ayoko na talaga. "Cute mo." napalingon ako kasi nasa harapan ko pala siya. Heart, no. Tumigil ka. Bawal ka kiligin. Mataas standards mo. Huwag kang papahulog sa supladong 'yan. "Lumayas ka nga!" sabi ko at tumakbo na umuwi sa bahay ko. Para akong nasunburn dahil sa sobrang pula ko. Sana hindi niya nakita. Baka mamaya gawan niya ng malisya. Hindi ko siya gusto. NEVER.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD