CHAPTER 3

1092 Words
BETTY's POV Maaga akong nakagising. Hindi ko alam pero alas singko pa lang ay dilat na dilat na ang mata ko. Nakatulala ako sa ceiling. Bakit ba ako nakatulala? Pinilit ko na bumalik sa tulog pero ayaw na ng sarili ko na matulog. Wala na akong nagawa kundi bumangon at niligpit ang higaan ko. Nagpunta na ako sa kusina para ihanda ang kape at agahan ko. Sa sobrang pagod ko kahapon, dapat late ako nagising pero alas singko? Betty, ikaw ba talaga 'to? Napailing ako at kinalikot ang cellphone ko. Tulad pa rin naman ng dati. Mga kaibigan ko at ilang emails at notifications ang pumasok sa cellphone ko. Pero may isang unfamiliar email ang natanggap ko. Ngayon ngayon lang. 'Good morning. Eat your breakfast and have a nice day. - ' Napakunot ako ng noo. Sino naman kaya 'to? Baka naman pinagt-tripan ako? Hindi ko na pinansin at niligpit ang pinagkainan ko. Mahaba pa naman ang oras ko kaya magliliwaliw muna ako sa mini garden ko. Actually hindi naman sa akin 'to, sa parents ko talaga pero since ako na lang ang nandito, sa akin na. Pagkabukas ko ng pinto ay may nakamini box na bulaklak. Binuhat ko ito at agad na inamoy. Ang bango. Tinignan ko ang baba nito at may naka-ipit na sulat. Ano na namang pakulo 'to? 'I admire your attitude. Good morning, beautiful.' Lumingon lingon ako at naghanap if may tao man o wala. Sino na namang nant-trip sa akin? Hindi na ako lumabas at pumasok na sa loob. Pinagmamasdan ko pa rin itong bulaklak sa harapan ko. Ang ganda ng arrangement niya at napakabango. Purple Lilac. Nilagay ko siya sa may bintana. Ang ganda niya. Sino kayang nagpadala nito? Baka naman pinaprank ako at ilalagay sa YT channel nila? Umiling ako at nagprepare na sa work. Dahil maaga akong nakagising, maaga rin akong pumasok. Hindi rush hour kaya nakasakay agad ako ng taxi. Buti na lang ay may dumaan agad pagkapunta ko sa shed. Maganda ang sikat ng araw ngayon at mas gumanda pa mood ko dahil sa bulaklak. Someone appreciates me though hahaha. As usual, mabilis kong tinapos ang mga naiwan kong papers kahapon para masimulan ko na 'yung bagong project namin. Out of nowhere, biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa notification from f*******:. Hindi ko pala siya nai-silent. Preston Ortega sent you a friend request. Agad kong binuksan ang f*******: app ko. Parang familiar kasi 'yung mukha. Nang pipindutin ko na ay hindi na available 'yung account. Eh? Sinubukan ko ulit pero not available na siya. Nag-deact ba? Familiar talaga 'yung mukha kahit blur kasi nagpop lang naman 'yong request. Alas sais na noong natapos ako sa lahat. Ako ata 'yung huling lumabas sa company dahil maagang umuwi 'yung mga workmates ko. Habang naghihintay ng taxi ay nakaramdam ako ng pagod. Umupo muna ako sa bench at nakita ko na naman na tumabi sa akin si Jim. "Uuwi ka na?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako at ginawang busy ang sarili sa cellphone ko. Lumapit siya at nakiususyo sa cellphone ko. Agad ko 'yong tinago at lumayo sakaniya. "Hindi ka naman mabiro, Betty. Parang iniiwasan mo ata ako?" tanong ulit niya sa akin. Umayos ako ng upo at umiling. "Hindi." sagot ko. Noong naramdaman ko na buong oras lang siyang nakatingin sa akin ay tumayo na ako at balak na lumayo kaso hinila niya ako at inilapit sakaniya. "Ano bang hindi mo gusto sa akin, Betty? Napapansin ko na iniiwasan mo ako." sabi niya habang mahigpit na nakahawak sa pulso ko. Bigla akong napaaray sa sakit at nagpumiglas. Napansin ko na wala na halos dumaraan na sasakyan dito dahil sa pinakadulong bench ako umupo. "Bitawan mo nga ako." sabi ko sakaniya habang masama siyang tinitignan. "Nandito naman ako, Betty. Bakit ayaw na ayaw mo sa akin? Gusto mo ba na idaan kita sa dahas para mapasaakin?" sabi niya sa akin. Tangina? Sinampal ko siya at itinulak kaso bigla niyang hinablot 'yung buhok ko. Ang sakit. Napasigaw ako dahil sa panic. "Alam mo? Ang arte arte mo. Ako na nga lang ang naghahabol pero ayaw mo pa rin. Saan ka ngayon dadalhin ng kaartehan mo, ha?" sabi niya nang bigla siyang napahiga. Nakita ko na may sumugod sakaniya at sinuntok siya. Hindi ko maaninag dahil madilim na. "Hindi ka na ba natuto sa ginawa ko sa 'yo noon?" sabi nito at sinuntok ulit. Tumayo siya at pumunta direksyon ko. Bigla akong natakot. Noong makalapit siya ay nakita ko 'yung mukha no'ng masungit na lalaki. Napatakip ako ng bibig dahil may tumulo na dugo sa noo niya na agad niyang pinunasan. "Hala. 'Yung noo mo..." sabi ko na lang sakaniya nang bigla akong hinila papunta sa isang kotse. Hindi ako makareact dahil gulat na gulat pa rin ako sa nangyari. Dahil tulala ako na pumasok ay siya na rin ang nag-ayos no'ng seat belt ko. Ang bango. Pinaandar niya ito at lalo pa ako nagtaka noong huminto kami sa tapat ng bahay ko. Paano niya?—ah, kagabi pala. Pero 'di ba, doon sa isang side ako dumaan pauwi? Tinignan ko siya at nakatingin lang siya sa kalsada. Tumutulo pa rin 'yung dugo sa noo niya kaya nagpasya na ako na mag-salita. "Dumudugo pa 'yung noo mo...gusto mo munang pumasok at gamutin—" "Sige." sabi niya at lumabas na. Hindi ko ba talaga siya makakausap ng maayos? Lumabas na rin ako sa kotse niya at agad na binuksan 'yong gate at pinto. "Pasok ka." sabi ko sakaniya at mabilis kong kinuha 'yung kit sa loob ng cr ko. Nakaupo na siya sa couch at nakatingin sa mga picture frames sa may table. Teh, lamunin na ako ng lupa dahil sa mga pangit na shots ko—bakit ba ako mahihiya? Bahagya siyang humiga. Siguro para ipwesto 'yung sarili kasi hindi ko abot 'yung noo niya sa katangkaran niya. Kunot noo lang siya habang ginagamot ko siya. Hindi ko nga alam kung nasasaktan ba siya o ano. Pero ang gwapo niya sa malapitan. Mas gwapo siya ngayong may sugat siya. Gusto kong sampalin 'yung sarili ko dahil sa pinagiisip ko. Naiirita ako rito, remember? Bigla siyang dumilat at tumingin sa akin kaya bigla ko tuloy nalagyan ng betadine 'yung pisngi niya. "Omg. Sorry. Huwag ka kasing malikot." sabi ko habang nagpapanic na tinatakpan sugat niya. Kanina pa niya ako pinapanood kaya biglang bumilis t***k ng puso ko. Parang sasabog na ata 'yung mukha ko. "Bakit ka nakatingin? Crush mo 'ko?" pabirong tanong ko sakaniya para malessen 'yung distraction. Napatigil ako sa sagot niya. "Oo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD