Chapter 13

3439 Words
Rivals "Levis, alam ko matagal na kayong may hidwaan dalawa pero pwede ba magbati na kayo" napasandal na lang si Mam Lessandra sa sofa. "Mom, kahit kailan di ako makikipagbati sa kanya" bumungad sa amin ang pag-aaway ng mag-ina. "It's been a long time ago Levis" "Kahit na Mom, I will not forget what he did to me" bigla na lang siya tumalikod at umakyat sa taas. "Grabe uy" biglang singit ni ate Odette. "Ate bisaya ka ba?" Nabigla siya sa tanong ko. "Ay oo taga-Naga ako eh sa Cebu" tumango ako. "Ikaw ba?" "Ahh sa Mama ko taga Mandaue naman siya" sagot ko. Si Mama ay taga-Cebu siya nagkakilala lang daw sila ni Papa sa Maynila dahil dating babysitter si Mama at si Papa naman ay isang mekaniko. Nakapunta na rin ako sa Cebu nung kasal ng pinsan ko. I'm not influent to use bisaya kahit doon ako ipinanganak pero minsan naman ay natuturuan naman ako kahit papaano kaya lang di nga lang malalim na pagka-bisaya. 'kaya pala iba ang pagkakaluto ni Ate Odette nung isang araw ng isda may konting bituka pa ng ang mga bawat tiyan ng bangus' "Psst! Karen nasan si Levin?" Bigla kong naalala si Levin. "Ayun knockout sa kwarto ni Sir" napailing na lang ako. "Oo nga pala di ba kakausapin ka ni Sir?" Napahinto ako. "Sus! Baka nakalimutan na yun" akmang didiretso na ako sa kusina nang may tumawag sa pangalan ko. "Zoey" huminto ako at dahan dahan lumingon at si Sir Levis na nga ang tumawag sa akin. "Let's talk and come with me to the library now!" Napitlag ako dahil sa sigaw niya. "Go Zoey baka biglang maging dragon si Sir" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa biro niya. "Shut up!" "Ingles yarn" inirapan ko siya at sumunod na sa kanya. Pumasok na ako sa library at umupo sa sofa at si Sir Levis naman ay nakaupo sa swivel chair. "Sir--" "Explain" di na ako agad nakapagsalita. 'Malay ko ba na may hidwaan sila' "Sir unexpected lang po na nagkita kami sa supermarket" paliwanag ko. "Kailan yun?" "Nung pumunta po kayo sa Maynila noon kasama si Levin tapos po ako po yung nautusan niyong mamili ng mga stocks sa bahay" paliwanag ko pa. "Why didn't you tell me about this?" Muntikan na akong dumugo ng ilong dahil sa pag-ingles sa akin ni Sir. "Ahmm natatakot po ako na magalit kayo kasi po naikwento po sa akin ni Manang Sally na galit po kayo kay Hance" napapikit pa ako sa paliwanag ko. "Hance?" 'Paktay' "Eh dapat nga po kuya eh ayaw daw po niya magpatawag ng ganun kahit po sir dahil di naman niya po ako empleyado" napanguso ako at napalunok ako dahil sa matalim na tingin niya sa akin. "Next time Zoey magsabi ka sa akin ng totoo dahil ayoko sa mga sinungaling" napatulala ako dahil sa sinabi niya. 'Ibig sabihin kapag nalaman niya tungkol sa kontrata ko at balak na pag-alis ko hanggang langit ang galit niya sa akin' "Zoey" nabigla ako dahil tinawag ako ni Sir Levis. "Opo sir" sumagot na lang ako. "Please avoid him" pakiusap niya. Napanganga na lang ako sa sinabi. Tumango na lang ako at nagpaalam na sa kanya. Lumabas na ako ng library at nakita ko si Karen na nasa harap ng pinto. "Ano girl napagalitan ka ba?" Tumango ako. "Karen" "Oh" "Ang weird ni Sir" napanganga siya sa sinabi ko at dumiretso na lang ako ng lakad papuntang kusina. Nandito kami sa veranda at iniintay si Mam Lessandra dahil gustong gusto ko nang magtanong kung bakit humantong sa ganun ang rivalry nila Hance at Sir Levis. "Iha, I'm sorry about last time" biglang humingi ng sorry si Mam Lessandra. "Ok lang po alam ko naman po na magagalit si Sir Levis dahil di ko sinasabi sa kanya ang last encounter po namin ni Hance" ngumiti naman si Mam Lessandra. Kinuwento na niya about sa kanila. "Naunang nag-artista si Hance kaysa kay Levis" pagsimula niya. "Child star po?" tumango naman siya. "Sikat na noon si Hance di dahil sa pamilya kami ng mga celebrity ay cute siya noon" napangiti ako. 'Kaya pala nakikita ko siya sa palabas noon dahil siya pala yun' "Tapos hanggang sa naging teenager na si Hance ay umusbong pa yung career niya" paliwanag pa ni Mam Lessandra. "Ano pong rason kung bakit naisipan ni Sir Levis na mag-artista?" takang tanong ko. "Gusto niyang mag-artista katulad ko" napatango ako. Naalala ko nga pala isa nga palang dating artista si Mam Lessandra huminto nga lang siya nung nagpakasal sila ni Sir Valerio at nagkaroon ng anak. "Simula nung pumasok si Levis sa showbiz ay nagkaroon ng comparing na mas magaling umarte raw si Levis kaysa kay Hance, may nagsasabi din na pro na sa mga acting si Hance kaya yung closeness nila dati noong mga bata sila ay nagkaroon ng hidwaan hindi dahil sa pagiging artista nila kung di kay Hannah" napalingon ako kay Mam. "Matagal ng girlfriend ni Levis si Hannah since they are high school. Pero ang di niya alam ay matagal na magkakakilala sila ni Hance dahil magkaklase sila ni Hannah nung nursery and elementary. Doon pa namin nalaman na matagal na may gusto si Hance kay Hannah. Nung ipinakilala ni Levis si Hannah sa buong family namin dahil kailan lang niya sinasabi sa amin na may girlfriend na siya at nagkataon pa na christmas. Pero nung tinawag na yung dalawa ay ganun na lang ang gulat namin na nag-aaway na yung dalawa buti na lang naihatid na ni Levis si Hannah sa kanila." mahabang paliwanag ni Mam Lessandra. "Kaya nung time na yun dun na nagsimula ang rival nila sa puso ni Hannah" dagdag pa niya. "Eh Mam ano pong nangyari after nung namatay yung mommy ni Levin?" tanong ko pa. "Tumindi ang galit ni Hance kay Levis at palagi niya ito sinisisi na siya ang dahilan kung bakit namatay si Hannah. Di naman nila inaasahan na magkakaroon sila ng anak sa edad na 20 eh" paliwanag pa niya. 'Shala ang bata pa ni Sir Levis na magkaroon ng chikiting' "Buti po Mam di po naisipan na ilantad sa publiko na may anak na po sila ni Mam Hannah?" "Dahil naalala ni Hance si Levin kay Hannah kaya di na niya ito binalak pang sabihin sa publiko" tumango na lang ako. "Every reunion namin halos sila na yung catch of attention dahil lagi silang nag-aaway" paliwanag pa ni Mam Lessandra. "Pero ang ikanatataka ko kung bakit ganun na lang ang reaksyon ni Levis nung nalaman niya na nakikipagusap ka kay Hance" 'Mam wag niyo naman po ako paasahin' "Di ko po alam" napakamot na lang ako sa buhok ko. Tumawa naman si Mam. Napahinto kami ng may narinig na umiiyak. "O siya puntahan mo na yung alaga mo nagwawala na ata" nagpaalam na ako kay Mam Lessandra at pinuntahan na ang bulinggit. "Baby, kausap ko lang si Lola" niyakap ko siya. Binuhat ko ito at pumunta kami sa kusina. Naghanda ako ng meryenda niya at nakaupo siya sa lamesa. "Oh eto snack mo" biglang napasimangot ang bata. "Walang egg sandwich?" Ngumiti ako at ginulo ko ang buhok niya. "Baby, ubos na kasi yung mayonnaise natin pero pag-uwi natin bukas sa house gagawan kita agad." Napilitan na lang kinuha ang biscuit at juice nito. "Iho, saan ka pupunta?" Nakasalubong namin si Sir Levis na pupunta sa amin. "We need to go back in the house Mom" "Why?" "Felix called me and he asked na need kong pumunta sa NBS bukas may guesting and baka bumalik na kami sa taping" saad ni Sir "Ngayon agad?" Tumango siya at biglang nalungkot si Mam Lessandra. "Don't worry Mom kapag natapos ng maaga yung taping namin pupunta kami dito" niyakap naman ni Sir Levis ang ina. "Okay, I understand" napangiti na lang ako. "Zoey, kunin mo na yung mga gamit ni Levin sa itaas" tumango naman ako at iniwan muna namin ni Levin yung kinakain niya para ayusin ang gamit niya. "Mimi yung egg sandwich ko ah" napailing na lang ako. Di niya talaga ako titigilan hangga't di siya nakakain ng egg sandwich na gawa ko. "Mimi!" "Oo na mamayang hapon kapag meryenda na. Tara na baka mainip na yung daddy mo" hinawakan ko na ang kamay nito at binuksan na yung pintuan. "Oh eto na yung gamit mo" nagulat ako pagkababa namin ay nasa lapag na ang bag ko. "Tss! mukhang papalayasin mo na ako ah" inirapan lang ako ng bruha. "Tse! Para di ka na pumunta sa maid's quarter baka biglang sungitan ka na naman ng boss mo" inirapan ko na lang din siya. "Ano ba kayo may bata oh!" Biglang sumulpot si Kuya June at napakamot na lang kami sa aming mga buhok. "Nasan si Ate Odette?" kanina ko pa ito hinahanap. "Nakipagchikahan na naman ata yun sa labas" si Kuya June. "Hoy! Anong nakipagchikahan?" biglang sumulpot si Ate Odette. Jusko para silang mga kabute basta-basta na lang sumusulpot. "Bakit di ba totoo?" parang gusto nang sumabog si Ate Odette sa inis. "Mimi" tumingin ako sa bata. "Bakit baby?" "Let's go na po it's so maingay eh" napatawa na lang ako sa reklamo niya. "Kuya June tama na po yan" tumigil naman ang dalawa. "Pakilagay na po ito sa compartment po" binitbit na ni kuya june ang mga gamit. "Di si Sir Levis ang magmamaneho?" umiling ako "Kasama namin si Kuya June kasi pagkahatid nila sa amin ay diretso na yung alis nila "Babalik sa Maynila si Sir?" tumango ako. "May guesting daw sa isang show" "Pwede naman dito na lang kayo magstay para naman hindi malungkot si Mam Lessandra" maktol niya. "Hindi pwede Karen kasi baka may biglang pumunta ditong vlogger ay maspotted pa kami at maissue pa si Sir Levis" paliwanag ko. "Ay! Oo nga noh" napakamot na lang siya sa kanyang ulo. "Zoey Let's go" kumaway na lang ako kay Karen at sumakay na kami sa kotse. Syempre nasa likod kami at si Sir Levis naman ay nasa front seat. "Sir kailan po ba uuwi si Manang Sally?" Biglang tanong ko. "This monday nandito na siya" tumango na lang ako. "Magstay po ba kayo sa Maynila?" Tanong ko pa ulit. "Yeah, because after the guest show ay babalik na ako sa taping" paliwanag pa niya. "Why do you ask?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. "Ahmm..... Kasi po....." Napalunok ako dahil sa tingin niya. 'Bakit ko pa kasi tinanong!' "Baka po di na po kami makakapunta kina Mam Lessandra kasi po matatagalan pa po kayo sa Maynila eh" palusot ko. "Don't worry I call you para makapunta kayo sa house for now di muna because may isang vlogger na pupunta sa bahay for interview" ngumiti na lang ako. "You can buy groceries stock kapag dumating na si Manang Sally" tumango na lang ako. "Daddy" maktol ni Levin. Umupo sa harapan ng bata ang ama. Take note nasa loob kami ng bahay kasi baka may makakita sa amin ay katapusan na namin lahat kung sakali man. "Baby, daddy need back to the work for all your needs especially next year you going to school na" hinaplos ni Sir Levis ang pisngi ni Levin. "I call you everyday okay" tumango naman ang bata at niyakap niya ang ama. "I love you Daddy" napangiti ako sa pagiging malambing ni Levin. "I love you more baby" hinalikan niya ang pisngi ng anak. "Zoey ikaw na ang bahala" tumango ako. "Areglado po Sir" nagpaalam na si Sir Levis at lumabas na ng gate. "Baby punta muna tayo sa room mo" tumango naman ito. "Oo nga pala insan tumawag nga pala si Lara nung isang araw di ka daw makontak" tiningnan ko ang cellphone ko at tumawag nga siya. "Tasha, alam mo naman limitahan lang ang pagtawag ko at pagsagot sa tawag dahil kailangan kong maging maingat kahit mga kaibigan ko sila ay kailangan ko rin maglihim para sa kaligtasan ng mga amo ko" paliwanag ko. "Edi sa messenger ka magchat sabihin mo na lang na di ka pwedeng humawak ng cellphone sa oras ng trabaho saka kung sakali man usisahin ka ni Lara sabihin mo na lang na may gagawin ka pa ganun" napakamot na lang ako sa ulo. "Kaysa naman sa di mo kausapin magtatampo yun. Alam mo naman masyadong matampuhin si Lara" sermon ni Tasha. "Oo na hahanap na lang ako ng tyempo at kapag tulog na yung bata" saad ko. "Ikaw bahala" napahinga na lang ako ng malalim. Gustuhin ko man magkwento sa kanya about sa nangyari dito ay di ko na ginawa dahil tutuksuhin lang niya ako. "Kamusta ka nga pala diyan?" Bigla niyang tanong. "Eto, nagluluto ng pagkain namin" sabi ko. "Wala na naman yung boss mo?" "Oo, balik trabaho na" sabi ko. "Eh… kayong dalawa lang ba ang nandyan?" Tanong niya. "Oo, sa monday pa dating ni Manang Sally eh pero may time din naman na tumatawag si Sir para kamustahin kami" paliwanag ko. "Oo nga pala kailan ka balak magapply ng admission mo?" "Baka pag-open na yung admission nila" saad ko. "Ganun" "May pasok ka na ba?" Bigla kong tanong. Nilapag ko muna ang meryenda ni Levin sa lamesa. "Sa monday den second sem na rin kasi kami eh" pumunta na si Levin sa lamesa at binuhat ko ito para makaupo. "Mimi, is that your cousin" tumango ako. "Can I see her?" Nagalinlangan pa ako. "Wag kang mag-alala teh ako lang ang nandito sa apartment sa linggo pa uwi ni Mellisa galing Natividad" napabuntong na lang ako ng hininga. "Oh siya sige" pinatay ko ang tawag at tumawag na si Tasha sa messenger. Sinagot ko ito at inopen ang camera. "Hi baby!" Bungad ng pinsan ko. "Hello po! Your so beautiful naman po" ngumiti si Tasha. "Baby sino sa amin ang mas maganda?" Tumawa pa ang bruha. "Couz! Sa ating dalawa ako ang pinakamaganda noh. Remember marami akong manliligaw that time" Inirapan ko siya. "And remember din, ikaw din nanligaw sa crush mong ayaw kang i-crushback at nalaman mo na may girlfriend na bigla kang nagmukmok sa inyo" pangbabara ko. "Kapangit mong kabonding!" Tumawa ako. "Parehas po kayong maganda and parehas ko kayong love" nagulat ako sa biglang salita ni Levin. "Oww" niyakap ko siya ng mahigpit. "I can't breath po" lumuwag ang pagkakayakap ko. "Sorry baby nacarried away lang si Mimi" ngumiti naman siya. "So, when I can meet you ate Tasha?" Napalumbaba si Tasha. "Maybe in the future baby baka after magcollege ni Ate Tasha ay pwede tayong magmeet" iniwan ko muna sila sa lamesa at hinalo ko na ang niluluto kong ulam. "Sige na baby aalis muna si ate Tasha" kumakaway si Levin at pinatay na yung tawag. "Baby, dun ka muna sa sofa maglilinis lang ako ng table at kitchen" tumango naman ito at binuksan ko na ang TV. Syempre nilagay ko ito sa cartoon network para di niya masyadong mapick up kapag sa ibang palabas. "Manang mukhang mahaba po ang byahe niyo po at mukhang maaga nga kayong dumating" medyo natawa si Manang. "Yung bus kasi pauwi dito hanggang 6:00 pm lang yung last trip nila kaya maaga na akong umalis papunta rito." Napatango ako. "Sa Terminal po ba ng Cabanatuan, Nueva Ecija po ba kayo bumaba?" Tumango si Manang. "Oo iha" tinulungan ko na si Manang magbuhat ng mga gamit niya saka kami pumasok sa loob. "Kamusta naman dito?" Napalingon ako kay Manang. Nag-aayos kasi ako ng mga pasalubong niya galing sa probinsya nila. "Okay naman po, wala po kasi si Sir Levis bumalik na po sa taping" tumawag si Sir Levis kahapon at sinabi na bumalik na ito sa taping nila. Di ko nga alam kung bakit niya sinasabi yun sa akin eh pero di ako nag-aasume baka kasi sa bata yun. Medyo may trauma na ata ako dun. "Kamusta naman ang pasko't bagong taon niyo?" bigla na lang ako napangiwi sa tanong ni Manang Sally. "Hehehe okay naman po" napakamot na lang ako sa ulo. "Weh?" napahinga na lang ako ng malalim at nagsimula na akong magkwento. "Hanggang ngayon ba di pa rin sila bati?" kumibit na lamang ako ng balikat. "Manang, di po natin alam ang takbo ng mga utak nila" paliwanag ko. "Pinagalitan ka ba ni Levis?" tumango ako. "Opo kaya lang po ang weird niya po eh" saad ko. "Bakit iha?" "Eh paano naman po gusto niya po akong paiwasin kay Hance eh wala naman po ginagawang masama yung tao sa akin" paliwanag ko. "Malay mo concerned lang iho kasi artista si Hance syempre di pwede kayong makita in public baka magkaroon kayo ng issue at madadawit si Levis" napatango na lang ako. "Ayaw lang kita paasahin iha kaya sinasabi ko sayo ito" bigla akong napakamot. "Di naman po ako nag-aasume manang" "Hay! Paalala lang iha" tumalikod na si Manang at nagsimula na ito sa pagluluto. "Papuntahin ko dyan si Kuya Abe para samahan kang mamili ng mga stock sa bahay" tumango ako. "Sir pwede ko bang isama yung bata kung okay lang po sa inyo." kausap ko ang daddy ni Levin at nanonood ito ng Pineas and Ferb sa cartoon network. "Okay, as long as ay di mo siya hahayaan mawalay sayo understood" tumango ako. "And take note, wag mong hahayaan ibigay ang gusto niya. We need to discipline him para makaiwas siya sa sakit." tumango ulit. Mahilig sa matatamis si Levin kaya need ko talaga itong sawayin. "Oh sabi ng daddy mo bawal ka daw magturo" tumango ito. Kumuha ako ng cart at sinakay siya dun. "Baby hawak kang mabuti ah" humawak ito sa harapan ng cart at tinulak ko na ito. "Tss! Kahit nakalipas na yung pasko't bagong taon ay mataas pa rin ang bilihin" napailing na lang ako. "Miss" lumingon ang babae sa akin. "Ano po yun?" Pinakita ko ang hawak kong mayonnaise. "May mas lalaki ka pa ba nito?" Tanong ko. "Meron po nakapack po siya" pumunta kami sa area ng mga palaman. "Eto po" binigay sa akin ito. "Hmm….. saktong sakto" tumingin ako kay Levin at masaya itong tumango. "Mukhang tuwang tuwa po ang anak niyo mommy" muntik na akong masamid sa sinabi ng saleslady. 'Mukha na ba akong nanay?' "Hehehe….. oo lalo na yung ginagawa ko sa kanya na egg sandwich" dahilan ko. "Sige po Mam tawag na lang po kayo if may kailangan pa po kayo" tumango ako at tumalikod na yung saleslady. "Mimi" "Hmm" "You always reason na anak mo po ako" mapatingin ako sa bata. 'Eh anong idadahilan ko na yaya mo ako, anak ka ni Levis Wattson edi nayari tayong lahat' di ko na lang sinabi ang nasa isip ko. "Baby, it's so complicated kasi eh" yun na lang ang sinabi ko pero mukhang di na gets ng bata. 'May pinagmanahan nga' "Baby, tara na" hinawakan ko ang kamay niya at tinulak ko ang cart ko kahit hirap ako dahil natatakot akong mawala si Levin dahil malalagot ako nito wala sa oras ni Sir Levis. "Baby, stay beside me ah" tumango ito at nilagay ko na sa counter ang mga pinamili ko. Pero sa di inaasahan ay nakita ko itong tumakbo. "Ate, pasuyo na lang po" pumunta na sa harap ang saleslady at ako naman ay pinuntahan ko ang tumatakbong bata. "Levin!" Hinabol ko ito sa di ko inaasahan pagkakataon ay nagkita kami muli ni Hance. "Tito Hance!" Ngumiti naman si Hance at sinalubong ang yakap ng bata pero bigla akong naalala. 'Dahil naalala ni Hance si Levin kay Hannah kaya di na niya ito binalak pang sabihin sa publiko' "Hey" napitlag ako ng pumitik siya gamit ang kamay niya. "Sorry" paumanhin ko. "Are you okay?" Tumango ako. "What are you doing here Tito?" Biglang tanong ng bata. "I'm just buying my personal hygiene" pinakita niya ang mga ginagamit nito kapag nasa taping. "Kayo?" "We're buying a grocery po" tumango naman si Hance. "Do you meet na po si Mimi?" "Yes, since first time I saw her" lumingon ako kay Hance at nakita ko siyang tumingin sa akin. Pero biglang may umeeko sa tenga ko. 'Please avoid him' "Ahmm…. Let's go na Levin magbabayad pa tayo ng binili nati at baka naiini na si Kuya Abe" tumango ito sa akin at lumakad na ito papunta sa akin. "Mauna na kami Hance" tumango ito at tumalikod na rin ako. "Mimi, matagal mo na pong kilala si Tito Hance" di ko makakibo. 'Oo baby dahil sa encounter namin di pa rin makalimutan ang sinabi sa akin ng daddy mo' "Ahmm.. tara na" pumunta na kami sa counter at nagbayad na kami. 'Di ko alam kung bakit di pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya. I was scared to assume because I'm being experience that when I was in high school'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD