Chapter 14

2490 Words
Mixed Signals "Nagpasa ka na ba ng requirements for registration" tumango ako. Bigla kasing tumawag si Tasha about my plan to apply college admissions. Wala pang alam si Sir Levis pero alam niya kung ano gusto kong course. Nagalibay na lang ako na kapag nakapag-ipon ako saka pa lamang ako babalik sa pag-aaral. "Aantayin ko lang na mag-official registered and wait na lang ako sa exam" saad ko. Bali dalawang university ang inapplyan ko isa sa NEUST sa Cabanatuan at isa sa CLSU sa Munoz sa Nueva Ecija. "And I wish sana makapasa ka ulit sa NEUST and sa CLSU" napangiwi ako sa sinabi niya. "Pshh! Grabe naman sadyang mabilis lang yung segundo sa bawat question saka alam mo naman na gumagawa pa ako nun for research and naghahanda for defense" paliwanag ko. "Oo nga pala, kailan mo ba balak sabihin kay Levis ang tungkol sa pag-alis mo?" napaiwas ako sa tanong niya. "Di ko pa alam" maikling sagot ko. "Zoey hangga't maaari ay masabi mo na sa kanya dahil patagal ng patagal ay nagiging malapit ka na sa mag-ama at mahihirapan kang umalis niyan. Di ba nabanggit mo nga na may time na binibigyang ka ng mixed signals ni Levis" tumango ako. Nakukwento ko sa kanya ang nangyayari sa bahay except sa nangyari sa Christmas and New Year. Pati na rin ang pagkikita namin ni Hance sa mall nung tumawag si Sir Levis sa akin at dahil madaldal si Levin ay nasermon ako wala sa oras ni Sir Levis at pinaliwanag ko naman na nakita lamang ni Levin si Hance sa mall. "Pero paalala lang, wag assuming teh" inirapan ko ito. "FYI di ako yun baka ikaw" pangbabara ko pero ang bruha pinatayan ako ng tawag. Bigla itong nag-chat. Natasha Nicole Castro Sambaan Sorry couz dumating na si Sir Pablo mamaya na kita interrogate 'Baliw!' Zoey Gaile Castro Lacoste Geh good luck Natasha Nicole Castro Sambaan Good luck na lang you because yung ex-labdilabs mo nandito nag-aaral Nilapag ko ang cellphone ko sa lamesa. 'Si Calvin nasa AU ngayon?' Si Calvin Uy ay dati kong classmate nung high school, nagkaroon ako ng crush sa kanya. He give me a mixed signal na may gusto siya sa akin syempre dahil assumera ako ay akala ko ay may gusto sa akin pero hindi pala dahil may gusto siya sa kaibigan ko na si Yesha. He always tease me na assumera ako and never siyang magkakagusto sa akin syempre nasaktan ako kaya buti na lang ay di ko na siya naging classmate at si Tasha ang naging kaklase ko. "Oh parang balisa ka" napalingon ako kay Manang. "Okay lang po ako" sagot ko. "Iniisip mo pa rin ba kung paano mo sasabihin sa mag-ama ang plano mo?" Tumango ako. "Maiintindihan din nila yun lalo na si Levis" "Paano po kung magalit po sa akin si Sir Levis tapos po bigla niya po ako papalayasin di ba po ayaw niya sa mga taong sinungaling?" Pag-alala ko. Hinawakan ni Manang ang balikat ko. "Wag kang mag-alala di ka pababayaan ni Mam Lessandra" ngumiti na lang ako at tumango. *** "Iha, nabanggit sa akin ni Manang Sally na nakapag-apply ka na for college." tumango ako. "Last week pa po Mam" saad ko. "I think I need to talk Levis na pero kailangan kong humanap ng timing at busy siya ngayon sa taping niya." Oo nga pala di pa rin pala tapos yung teleserye nila nila Sir Levis. "Nanonood ka ba ng teleserye nila evey night?" Umiling ako. "Why?" 'kase po ayaw ko pong mahurt kapag sila na yung nasa scene' "Eh, mam natutulog na rin kasi po ako kapag nakakatulog na po si Levin may time din po kasi na ayaw ipalipat sa ibang channel lalo na po kapag favorite cartoon yung pinapanood niya" dahilan ko. Napatango na lang siya. Bumisita si Mam Lessandra sa kahilingan na rin ng bata dahil matatagalan pa nga makakauwi dito si Sir Levis. "Always ba siyang tumatawag sa inyo?" Tanong niya. "Opo bago po matulog tapos po kapag po sa umaga" sagot ko. "Nakakapagtaka" napahawak si Mam Lessandra sa kanyang baba. "Anong nakakapagtaka po Mam?" Takang tanong ko. "Madalang kasing tumawag si Levis kay Manang Sally or sa mga dating naging yaya ni Levin" napakunot ang noo ko. "Eh mam di ko po alam" yung na lang ang nasabi ko. "Lola you're here" tumakbo ang bata papunta sa lola nito. "Levin dahan-dahan sa pagbaba" saway ko. "Lola akala ko di mo na ako bibisitahin" diretsong tagalog na sabi nito. "I'm sorry my grandson we need to careful para di ka pagpyestahan ng mga media you know what kind of work si Daddy right?" Tumango naman ang bata. "Sige po punta muna po ako sa kusina para po magawa ko po kayo ng meryenda" paalam ko. "Egg sandwich po akin Mimi ah" tumango ako. Tumalikod na ako at hinanda ko na ang kaserola at nilagyan ng tubig saka ko sinalang at hinulog na yung itlog. "Mukhang napansin na rin ni Mam Lessandra ang madalas na pagtawag ni Levis sayo" napalingon ako kay Manang. "Manang baka po lagi lang po siya nag-update about sa ginagawa po ni Levin dito sa bahay at kinakamusta lang po ganun" dahilan ko. "Pero nagalit ulit nung dinaldal ni Levin na nagkita kayong muli ni Hance" napasimangot ako. "Manang si Levin po ang nakakita sa kanya syempre po nakakahiya naman po kung di ko po siya kakausapin" paliwanag ko. Tumawa lang si Manang. "Ayoko naman po kasing umasa ulit kasi po nangyari na rin po sa akin niyan nung nasa high school pa lang po ako" paliwanag ko. "Saka po ayaw ko lang pong bigyan ng kahulugan yung mixed signals na binibigay po sa akin" dugtong ko pa. Niyakap na lang ako ni Manang. "Pero paalala ko sayo huwag mong hahayaan na mahulog ka muli at saka unahin mo muna ang pag-aaral mo. Maraming pang lalaki na pwede kang mahalin na tunay at tapat." Napangiti na lang ako kay Manang. Kinagabihan ay nandito pa rin si Mam Lessandra at dito ito matutulog katabi si Levin at ako naman ay magcheck ng mga inapplayan ko sa dalawang university. "May exam kaya sa CLSU?" Di ko pala natanong si Tasha tungkol dun. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ko ang messenger ko. Wala akong pantawag dahil nagtitipid ako at may wifi naman sila dito sa bahay. Hinahanap ko ang f*******: account ni Tasha pero nakita ko ay di ito nakaonline. "Hmm.... Baka tulog na ito" pinatay ko nag cellphone ko at binaba ko na ito sa kama. Hiniram ko muna ang laptop ni Levin syempre nagpaalam muna ako kay Mam Lessandra at sa bata. Habang nagscroll ako ng iba pang university kung open na ito ay may biglang tumawag sa cellphone ko. "Sir Levis" bigla akong napakunot noo. "Bakit naman tumatawag ito kung kinakamusta lang niya si Levin pwede naman ito tumawag sa Mommy niya" sinagot ko na ang tawag baka masermonan pa ako wala sa oras at iisipin na naman yun ay kinakausap ko na naman ang pinsan niyang naging karibal. "Sir good evening po bakit po kayo napatawag?" Bungad kong tanong. "I just wanna say kung tulog na ba si Levin" sagot niya. "Sir di ko po katabi si Levin ngayon" "Why?" "Kasi po katabi niya po si Mam Lessandra sa pagtulog. Kung gusto niyo po kausapin siya pupuntahan ko po siya sa room niya" sagot ko. "No baka tulog na rin sila" bumalik na lang ako sa aking ginagawa. "What are you doing right now?" Napahinto ako sa aking ginagawa. "May hinahanap lang po ako Sir" dahilan ko. "Anong hinahanap mo?" Tanong niya ulit. "Ahmmm....ahh..." Di ko alam kung ano isasagot ko ngayon. "What?" Napapikit na lang ako. "Yung pwede pong lutuin as menu po baka po kasi manawa bigla si Levin eh" dahilan ko. "Don't worry di naman nagsasawa si Levin sa pagkain lalo na't ikaw ang nagluluto" gusto kong kiligin pero kailangan kong pigilan baka magising si Manang or baka bigla itong mahalata sa kilos ko. "Sige po pero magtitingin pa rin po ako" sabi ko. "Okay matulog ka na it's getting late na" tumango ako. "Ok po goodnight po Sir" paalam ko. "Goodnight din" lambing niya. Binaba ko na ang tawag. Napapikit ako. 'please sir wag niyo po akong bigyan ng mixed signal niyo ayoko na pong tuluyan mahulog sa inyo' nakatulugan ko na ang pag-iisip ko. Kinabukasan ay maaga akong nagising at tinulungan ko si Manang na maglinis ng bahay. Every morning ganito ang ginagawa ko kapag tulog pa ang alaga ko. "Tumawag ba sayo si Levis kagabi?" tumango ako. "Sinabi ko lang po na tulog na po yung bata" pagsisinungaling ko. "Ganun ba?" tumango na lang ako. "Sige po maglilinis po ako muna sa labas." lumabas ako at nagwalis kahit wala naman akong nakitang kalat sa paligid. nagdilig na rin ako ng mga halaman. "Maganda sana kung may garden dito" bulong ko. "Oo nga pala di hilig ni Sir Levis ang mag-garden" tinapos ko na ang pagdidilig para makapagluto na rin ako ng breakfast nila. "Good morning po Mam" bati ko. "Good morning din iha siya nga pala pinaalam ko na si Levin kay Levis" biglang napakunot ang noo ko. "Bakit po?" "Pupunta kami sa Makati para bisitahin ang kapatid ko. Susunod na rin si Levis dun pagkatapos niya sa kanyang taping" tumango na lang ako. "Kaya lang gusto kang isama ni Levin pero sinabi ko na may kailangan ka pang asikasuhin kaya pumayag na lang siya na di ka kasama" napangiti na lang ako. "Aayusin ko na po yung gamit niya Mam?" Tanong ko. "Oo and then pakihanda na rin siya para pagdating ni Mang Berting ay maka-alis na kami." Tumango ako at nagpaalam muna ako at umakyat na sa itaas. "Baby" binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya at pumasok ako. "Tara na maligo ka na kasi mamaya darating na si Mang Berting" tumango ito at itinaas ang kamay na senyales na magpapabuhat ito. "Sus, nagpapabuhat pa ang baby ko di ba sabi mo big boy ka na" tahimik lang ito. 'Mukhang masama ata ang gising' Pagkatapos kong paliguan ay binihisan ko na ito at nilagyan ng polbo sa likod. "Mimi" inaayos ko ang kanyang pinaggamitan at nilingon ko siya. "Bakit?" Tanong ko. "Di ka po sasama?" Ngumiti ako at umupo sa harap niya. "Hindi eh" "Bakit po?" "Kasi......" 'Paano ko ba sasabihin?' "Ahmm...." Napapikit ako bigla dahil di ko alam kung ano sasabihin ko. 'Kase gusto kong iwasan ang daddy mo at natatakot ako na mahulog muli ng tuluyan' "Levin" napahinga ako ng malalim dahil dumating na si Mam Lessandra. "Lola, di po ba natin kasama si Mimi?" Napalingon ako kay Mam Lessandra. "Levin walang kasama si Manang Sally rito kaya ikaw na lang ang kasama ko pagpunta doon at saka gusto kang makita ng Tita Kelly mo" pagkakaalam ko ay ang binanggit nito ay anak ng kapatid ni Mam Lessandra na si Mam Jelai. Wala nang magawa ang bata kung di tumango. 2 days had passed na tumawag muli si Sir Levis at yun ang ikinatataka ni Tasha dahil sinabi ko sa kanya ang nangyayari rito sa bahay. "Couz, di kaya nagseselos si Levis kay Hance dahil medyo close kayo" Bigla akong napaisip sa sinabi niya. "Di ko alam Tasha basta't alam ko ay tumawag siya rito na wala yung bata at kasama pa niya" sabi ko. "Malay mo dahil gusto ni Levis na makausap ka" kumunot ang noo ko. "Di ba sabi mo nagseselos si Sir Levis eh bakit parang iniba mo yung sinabi mo?" "Ayaw lang kita paasahin insan" sinamaan ko ito ng tingin. "Tangina mo!" Mura ko. "Grabe ka naman insan nakakahurt ka naman" pagdrama nito. "Lol! Nagmumura ka rin eh muntik ka na nga maguidance buti na lang may kasabay ka sa pagmumura." Asik ko. Grade 10 kami noon ni Tasha at magkaklase kami ay bigla itong nagmura dahil bibwisit siya ni Alfred. Buti na lang ay may nagmura din malapit sa covered court syempre ang mga teacher ay sensitive pagdating sa mga ganyan kaya bigla kaming nagtago at pinapunta ang nagmura sa guidance office. Binatukan ko pa si Tasha dahil sa ginawa niya buti na lang wala yung iba pa niyang kaibigan dahil naghalfday ang mga ito at ako lang kasama niya. Subukan niyang maghalfday tapos ang pangarap niya kapag sinumbong ko ito sa mama niya. "Pinaalala mo pa" maktol niya. Tumawa na lang ako. "Kamusta nga pala si Alfred?" "Wala na rin akong balita dun kahit sina Jona ay di na nila alam eh" sagot niya. Kaibigan ng kaibigan niya si Jona at may pagkamarites yun parehas sila ni Tasha. "Uy babae kanina pa nagring cellphone mo wala kang balak sagutin yan" napahilamos ako sa mukha. "Tss! Kilala mo na kung sino tumatawag" sabi ko. "Ahh..... Sagutin mo na kaya" "Ayoko!" tanggi ko. "Kung ako sayo sagutin mo yan kapag di mo pa sinagot yan tingnan mo bukas andyan na yan sa bahay" pananakot nito. "Di yan" sabi ko. Pero mukhang tama nga si Tasha dahil nandito siya sa harap ko at parang gusto na niya akong kainin ng buhay dahil sa pag-igting ng panga niya at mukha ngang galit ito. "Sir pasensya na po nakatulog na po kasi ako eh kaya di ko na po nasagot yung tawag niyo" dahilan ko. "Maririnig mo naman na tumutunog yung phone mo. Did you silent your phone?" Umiling ako. "Levis, bakit mo naman pinapagalitan si Zoey?" Napahinga ako ng malalim dahil sumabat na si Manang Sally. "She's not answering my calls" sabi niya. "Maaga siyang natulog dahil naglaba siya ng mga damit niya pagkatapos niyang maglinis at magluto. Syempre mapapagod siya at kailangan na niya din magpahinga na" palusot ni Manang. "Ikaw talagang bata ka mahahalata ka ng mommy mo kung bakit ka nagmamadaling umuwi rito" napahilamos na lang si Manang sa mukha. "O siya pumanhik ka na sa itaas at alam ko ay pagod ka sa byahe. Pauwi na rin sina Lessandra at si Levin" tumingin ito ulit sa akin at ako naman ay napayuko na lang. "Sige na akyat na doon" wala nang magawa si Sir Levis kung di sumunod kay Manang Sally. "Iha di mo talaga sinagot ang tawag niya kaya ganun na lang ito kung umuwi rito" tumango ako. "Bakit?" "Dahil natatakot po akong mahulog sa kanya. Kailangan ko pong limitahan ang mga kilos ko alam niyo naman po kung ano estado niya di po ba? Artista siya, anak siya ng kilalang entrepreneur eh ako isang simpleng dalaga na may pangarap at isa lang po akong nanny ng bata kaya kailangan ko po siyang iwasan bago pa ako tuluyan mahulog sa kanya" paliwanag ko. "Mahirap yan iha dahil di mo maiiwasan ang pusong nagmamahal" napangiti ako kay Manang at niyakap ko na lang siya. "Wag mo na lang iwasan baka magtaka yan kung bakit mo siya iniiwasan. Wag mo na lang ipahalata ang nararamdaman mo sa kanya" niyakap ko siya ng mahigpit. 'Namiss ko bigla si Mama'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD