Chapter 9

2442 Words
Chika ni Tasha Kinakagabihan ay tinawagan ko si Tasha tungkol sa nangyari rito sa bahay. "Really as in sinabi niya yun?" napa-oo ako sa tanong niya. "Jusme! Sana ol pinsan" nilayo ko sa tenga ang cellphone ko. "Berat ka! Ang sakit sa tenga" sinusundot sundot ko ang tenga ko. "Sorry pero teh anong reaction ni Sir Levis mo?" Napaisip ako sa tanong niya. "Hmm wala naman nagbabangayan kasi sila kanina eh" sagot ko pero may bigla ako naalala kaya naitanong ko na. "Siya nga pala di ba may laptop ka?" Biglaan kong tanong. Nagchange topic ako para di na siya tanong ng tanong nakakahiya baka marinig nila Manang lalo na si Sir Levis. "Oo, Bakit?" Tanong niya. "Pwede mo bang icheck kung open na yung admission sa CLSU and NEUST" sagot ko. "At ano ang naisipan mo at nagapply ka?" Kung nasa harap ko ito ay sinamaan ko ito ng tingin. "Bakit masama bang bumalik sa pag-aaral?" Tanong ko. "Di naman di ba nag-away kayo ng mama mo dahil sa kurso mo" bigla kong naalala ang nangyari kagabi. "Kaya nga tinatanong ko sayo eh" sabat ko. "O siya sige sasabihin ko sayo bukas total naman wala akong pasok kasi tinatamad akong pumunta sa school dahil may event" 'Tss di pa rin siya nagbabago' di niya talaga hilig manood ng mga event noon pa na magkaklase kami. Ako kasi always present sa mga event kasi nga po president pa ako ng classroom, president pa ako ng mga club at syempre secretary sa isang SSG sa school. "O siya sakto din naman wala yung mag-ama kaya free mo akong tawagan bukas" sabi ko. "Huh? Di ka kasama?" "Hindi... bonding time nila yun sa tagal ba naman nawala si Sir dahil sobrang busy sa trabaho siyempre need muna nilang magbonding at para naman di magtampo yung bata sa kanya" paliwanag ko. "Zoey, ano ba gusto mong ulam?" Kumunot ang noo sa sinabi ng kasama niya sa dorm. "Di ka pa kumakain?" Takang tanong ko. "Oo gabi na kasi ako nagising eh alam mo naman bumabawi ako sa pagtulog dahil puyat kasi ako kagabi kakareview sa midterm namin" saad niya. "Oy! Baka di ka na kumakain dyan isang tawag ko lang kay Tita Zanya patay ka" napatss na lang ang babaita. "At least di ako matatawagan ni Mama, remember nakatago ang isa mong cellphone dahil ayaw mo makausap yung parents mo pati BFF mo." Napairap na lang ako. 'Di talaga siya maubusan ng sasabihin' "Lechon manok na lang tayo" "O sige pupunta muna ako sa kwarto magpapalit lang ako ng damit." Umalis muna ang kausap niya at mukhang pumunta sa kwarto nito. "Pstt!" Paswit ko. "Oh" "Sya ba yung ex ni Timothy Alvarez?" Tanong ko. "Oo bakit?" "Ay oo nga pala di ko nga pala naichika sayo tungkol diyan bukas na lang total sabi mo ay wala yung mag-ama dyan paalam ka na lang kay Manang na kakausapin mo ako o di kaya tapusin mo na lang yung gawaing bahay para matawagan mo ako" biglang naalala niya. "Sige tawag na lang ako sayo. Yung sinabi ko sayo ah icheck mo" paalala ko. "Oo sige sasabihin ko sayo bukas" binaba na niya ang tawag at ako ay nakahiga na at nakatingin sa kisame. 'Langya! Di ako makatulog' bumangon ako. 'Makapagtimpla na nga lang ng gatas' bumaba ako sa higaan at binuksan ang pintuan. 'Hmm mukhang tulog na naman ang lahat eh' dumiretso ako sa kusina at naghanap ng gatas. 'Manghihingi na lang ako sa gatas ni Levin' kumuha ako ng baso at naglagay ng gatas. 'Hmm.... mukhang masarap papakin yung gatas ah kaya lang baka makita ako sa CCTV' nilagyan ko na ng maligamgam na tubig at lumabas muna ako sa kusina para pumunta sa swimming pool. 'Hayss! Ang sarap ng simoy ng hangin parang gusto kong matulog dine kaya lang baka pagpiyestahan ako ng mga lamok dito' Pero sa di inaasahan ay may biglang lumitaw na malaking bulto sa harapan ko!! "Bakit gising ka pa?" Unting unti kong iangat ang paningin ko na nadaanan nang aking mga mata ang mala-tinapay nitong abs at pumuputok sa galit ang mga muscle nito. 'Shana ol' "Hey! Hey!" Pinitik ni Sir Levis ang kamay nito na siyang ikinagulat ko. 'Tangina! Tuleley na naman ako' "Hehehehe ano po yun Sir?" Biglang tanong ko. Natawa naman si Sir sa inasal ko. "Why are you still awake?" Tanong niya. "Eh di ako makatulog eh" tumango naman siya. "Saka umiinom ako ng gatas, humingi muna ako kay Levin di naman kasi ako makakatulog kung kape iinumin ko di ba po?" Tumango na siya. "So, naging maayos na kayo ni Levin?" Biglaang tanong ni Sir Levis. "Opo, nung una po nahirapan po ako sa kanya. Kamuntikan na nga po ako mahulog sa mga prank niya eh pero nung gusto po niya na makipaglaro sa akin di ko po siya pinansin kasi po masakit pa po yung balakang ko nung nakaldag po ako sa may hagdan." Paliwanag ko pa. "So he cried?" Tumango ako. "I'm sorry masyadong spoiled kasi siya sa lolo at lola niya eh." Paliwanag pa niya. "Wala po yun sir naiintindihan ko naman po buti na lang po di na niya inulit pa." Sambit ko pa "You should sleep na naubos mo na yung gatas mo" napitlag ako sa sinabi niya. 'Ay! Ubos na' "Hehehe sige po sir ipasok ko na po yung baso sa kusina at kayo rin po matulog na rin po kayo. It's getting late na rin po eh hehehe" nahihiya kong tawa. Pumasok na ako sa loob at pumunta sa kusina at hinugasan ang pinaggamitan kong baso. 'Ang sarap niyang panoorin' pero bigla akong humikab. 'Hayss makatulog na nga' pumasok na ako sa loob ng kwarto. Katabi ko lang yung kwarto ni Manang. Humiga na ako at di ko namalayan ay nakapikit na ang mga mata ko. Kinaumagahan, maaga akong nagising upang ihanda ang damit ni Levin para sa pamamasyal nila ni Sir Levis. "Good morning Mimi!" Lumingon ako di dahil bumati ito kung di dahil sa tawag niya pa rin sa akin. 'Hanggang ngayon Mimi pa rin yung tawag niya sa akin?' "M-morning" utal kong bati. "Ahh iho halika umupo ka na dito" sumunod naman ang bata kay Manang at umupo na. "Mukhang di pa rin niya inaalis yung pagtawag sayo ng Mimi ah" si Manang. "Wala po akong magawa Manang ayaw ko naman po makipagtalo sa bata di ba?" Napabuntong hininga na lang ako. Tatawagin ko na sana si Sir Levis pero nakasalubong ko na siya pababa. "Sir good morning po" bati ko. "Morning, anyway Zoey pakiayos yung mga gamit ni Levin pupunta kami sa Maynila" nagtataka akong lumingon sa sinabi ni Sir Levis. 'Akala ko mamasyal lang sila bakit pamaynila na punta nila' "Birthday ni Lizelle and we need to be there" sagot ni Sir. "But daddy kailan punta natin sa ocean park?" Biglaang tanong ng bata. "Pagtapos ng taping ko baby pero sa ngayon we need to come in Manila for ate Lizelle's birthday" paliwanag ni Sir. Tumango naman ang bata. "Ok po Sir aakyat muna po ako para maiayos ko na po yung gamit ng bata" tumango naman siya. 'Hayss magisa na naman ako rito' Inayos ko na ang mga gamit ng bata at binaba na sa sala. "Nagiwan ako ng pera panggrocery, kabisado mo naman na yung lugar Zoey di ba?" Tumango ako. "Ibig sabihin po nito Sir ako po yung maggrocery" tumango naman siya. "Manang kayo na po ang bahala sa bahay" tumango naman si Sir. 'Parang wala atang tiwala sa akin si Sir ah' di ko na lang sinabi baka maoffend ito. "Sige sir have a nice trip po" kaway ko. "Babye Mimi" ayan na naman siya sa tawag sa akin. "Son called her ate Zoey not mimi" saway ni Sir Levis "No, I called her Mimi weather you like it or not" sungit nitong sabi. "Mag-ama nga" napatingin ako kay Manang at napatawa na lang ako dahil sa bangayan ng mag-ama. "So mag-isa ka couz dyan?" Tumango ako. "Two days daw sila sa Maynila eh" sambit ko. Pagkatapos namin kumain at magligpit ni Manang ay dumiretso na kami sa aming mga kwarto. Sabi naman ni Manang ay pwede naman daw ako magpagtanghali ng gising basta lang di pwede araw araw kasi baka malaman ni Sir ang pagtanghali ng gising ko. Tinawagan ko na si Tasha pagkaupo ko sa kama. "Oh kamusta yung pinapatingin ko" pagiba ko ng usapan. "Ay beh sa january next year pa open admission nila update na lang kita kung anong exact date" sabi niya. "Ganun ba" "Oo nga pala bakit mo di itry magapply jan noh" "Gaga, baka gusto mong sugurin ako ng nanay ko rito baka isipin nun nakipagtanan na ako" inis na sabi ko. "Ay! Sorry naman" pero bigla akong may naalala. "Akala ko ba ikukwento mo sa akin tungkol dyan sa kaibigan na naging ex ni Timothy Alvarez" sambit ko. "Sus! Gusto mo lang makasagap ng chismis" inismiran ko lang siya. "Okay ganito" inumpisahan na niya ang pagkwento. " Si Mellisa ay 17 years old pa lang siya na naging boyfriend na niya si Timothy Alvarez" pagkwento niya. 'Wow ngayon ko lang nalaman mahilig sa kiddie meal si Timothy Alvarez' "Grabe uy" biglang kong sagot. "Sinabi mo pa mukhang malakas ang charm ni Mellisa eh" natawa na lang kami. "Pero nung after nang Senior High which is 19 years old na siya ay biglang iniwan ni Timothy si Mellisa. Parang natakot ata si Timothy na baka kasuhan siya ng child abuse ng father ni Mellisa dahil sa pakikipagrelasyon niya alam naman na menor de edad si Mellisa" kwento niya. "Wait di ba 19 years old siya nung iwanan siya ni Timothy eh bakit pa siya kakasuhan?" Takang tanong ko. "Ewan ko" ang sarap niyang batukan. Bumalik ito sa pagkukwento "After nun di na ulit nagpakita pa si Timothy kay Mellisa. Hoy base lang sa theory ko" parang gusto ko siyang sapakin. "Magkukwento ka na di ka sigurado at theory ka pa" singhal kong sabi. "Eh di ko alam yung buong storya eh basta ang alam ko lang ay may ex boyfriend si Mellisa na artista" paliwanag pa niya. "Eh akala ko ba kinuwento niya na sayo?" "Eh di naman niya sinabi lahat-lahat ayoko naman siyang pilitin magkwento di ba?" Napatango na lang ako. "Saka nga pala insan pumunta dito si Timothy sa school last week" nanlaki ang mga mata ko. "Di ba pumunta na yun nung huling usap natin " napa-oo siya "Eh sinubukang ulit kausapin si Sir Luigi kung nasan ba talaga si Mellisa kasi daw nakita ni Timothy si Mellisa nung nasa Walter Mart kami" paliwanag niya. "Oy! Kapal ng mukha niya para hanapin pa si Mellisa pagkatapos niyang iwan sa ere" bulyaw ko. "Berat, easy baka marinig ka ni Manang o ni Mellisa" paghinahon niya sa akin. "Eh nakakagigil eh" sabi ko. "Parehas tayo girl" sambit niya. "Eh ano na nangyari?" "Edi di sinabi ni Sir Luigi ang tungkol kay Mel" napakunot noo ako sa huling sinabi niya. "And then nakiusap si Mellisa kay Sir Luigi na huwag na huwag itong sasabihin na nasa Araullo siya nag-aaral" paliwanag pa niya. "Grabe mala-w*****d yung story nila." Sabi ko. "Sinabi mo pa" napatawa na lang ako sa mga asal namin. "Pero di ba sabi sa balita na nagkabalikan sina Grace at Timothy?" Tanong ko. "Di ko alam insan eh" sabi niya. "Kamusta na nga pala si Mellisa?" Tanong ko. "Eto naghuhugas ng plato after nito matutulog na kami uuwi kami bukas eh" oo nga pala linggo na pala bukas. "Ay umuuwi ka pa pala" asar ko. "Gaga! Ikaw nga eh di mo kinakausap nanay mo eh" pangbuska nito. "Edi wow" yun na lang nasabi ko. "Insan dadaan ako sa inyo bukas ah" sabi nito. Alam ko inaasar lang ako ng berat na 'to. "Anong gagawin mo?" Tanong ko. "Wala lang miss ko lang si Tita. Don't worry couz safe yung sikreto mo at galit mo sa nanay mo HAHAHAHAHA" kung nandyan lang ako binatukan ko na siya. "Sige mang-asar ka pa sorry ka na lang di ko sasabihin sayo na pupunta rito si Darrien sa bahay" pang-asar ko. "Grabe ka naman! Oo na di na kita aasarin basta iupdate mo lang ako kay fafa Darrien ko ah" biglang sabi nito. 'Takot ka pala eh' pero ang totoo niyan ay di ko sure kung pupunta talaga dito kasi narinig ko nung isang gabi ay pupunta rito si Darrien. "O siya matulog ka na berat ka. Salamat sa kwento mo na may halong pangbubuska at pang-aasar" ngiwi kong sabi. "Walang anuman insan!" Nilayo ko sa tenga ang cellphone. 'Kahit kailan ang sakit sa tenga kung sumigaw ito' "Parehas naman kayo eh' epal kong isip "Babush na" pinatay ko na ang tawag at di ko namalayan nakatulog na pala ako. Kinabukasan ay medyo tanghali na ako ng gising at naabutan ko si Manang na naglilinis sa labas. "Magandang umaga po Manang" bati ko. "Magandang umaga din iha" bati din niya. "Manang anong oras magbubukas yung grocery?" Tanong ko. "Baka bukas na yun bakit pupunta ka na ba?" Tumango ako. "Para po di maraming tao kapag mamimili mahirap po kasi kapag maraming tao lalong lalo na sa may counter" paliwanag ko. "O siya tatawagan ko si Berting para ihatid ka sa bayan" tumango na lamang ako at pumunta sa kusina. "Kumain at magkape ka muna" tumango ako. "At saka eto yung panggrocery mo, andito na rin yung listahan." Kinuha ko ang listahan at ang pera. Pagkatapos kong kumain ay nagbihis muna ako. Syempre simple lang muna di naman ako katulad ng iba nakaporma pa maggrocery lang naman. "Berting, ihatid mo si Zoey sa grocery. Intayin mo na rin siya" tumango naman si Mang Berting. "Tara na iha baka matraffic pa tayo" tumango ako. Araw pa lang ngayon ng linggo traffic pala sa bayan. Nakarating na kami ni Mang Berting sa bayan at mukha ngang maaga silang nagbukas. "Intayin niyo na lang po ako" sabi ko. Tumango si Mang Berting. "Sige iha hahanap lang ako ng mapaparking para malapit." Tumango ako. Pumasok na ako sa grocery infairness maganda at malamig sa loob. Kinuha ko na ang listahan at nagsimula na akong kumuha ng mga important need like shampoo, toothpaste, sabon, de lata. Pumunta ako sa meat section para makita ang mga karne. "Eto kayang manok, parang gusto kong gumawa ng chicken curry" biglang isip ko. Kumuha na rin ako ng liempo at pork chop. Sa palengke na lang ako bibili ng isda. Habang naglalakad ako dala yung cart ay may di ko sinasadyang may nakabunggo ako. "Sorry po" panghingi ko ng tawad. "It's okay" pinagpagan niya ang suot niya. Tiningnan ko siya ng maigi. ' Ang pogi!!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD