Mimi
"Daddy!" Pagkababa namin galing kwarto ay sumalubong sa amin si Sir Levis na paakyat ng hagdan.
"Careful Levin" dinamba ng yakap ang ama.
"You miss me little boy?" Mahinang tanong ni Sir habang nakaakap ang bata sa kanya.
"Yes po Daddy super miss na miss po kita. Akala ko nga po di ka uuwi ng weekend eh" biglang pagmaktol niya.
"Syempre naman uuwi si Daddy pero this weekend Daddy and Son bonding time" humigpit ang yakap ni Levin sa kanyang ama.
"Naku laging niyang tinatanong kay Zoey kung kailan ka tatawag o uuwi" binalingan ko si Manang. Yumuko na lang ako dahil sa hiya.
"Oh siya nakahanda na yung pagkain" sumunod na ako kay Manang upang tumulong at yung mag-ama naman ay umakyat sa itaas upang magpalit si Sir ng damit.
"Akala ko di uuwi si Sir Levis ngayong weekend" biglang sabi ko.
"Mukhang pinayagan siya ng director at producer na umuwi para di magtampo ang bata" paliwanag pa ni Manang.
Pagkakaalam ko na ang director at producer ang nagbabayad sa mga artista pero di ako sure ah.
'Hmm tanong ko na lang kay Tasha' may pagkastalker pa naman yun lalo na sa i********:. Nalaman na din niya na wala na ako sa bahay ng mga Wattson nung tumawag siya sa akin nung one week pa lamang ako rito pero ang berat di man lang tumawag nung gabi dahil sa ichichika niya sa akin pero ok lang naman na di muna niya sasabihin dahil alam ko na busy ito sa kakareview sa midterm exam nila.
'Ano kaya pakiramdam na nasusunod mo yung gusto mo?' Napabuntong hininga na lang ako. I was try to find na may open admission na pero mukhang sa December pa ata pero gusto kong magchange course at kukuha ng katulad kay Tasha pero ayaw naman nila mama at papa lalong lalo na yung sa side ng tatay ko.
Napabuntong na lang ako ng hininga at mukhang napansin ni Manang.
"Mukhang may problema ka ah?" Biglaang tanong ni Manang. Di naman ako makasagot.
"Manang, ano kaya ang pakiramdam na nasusunod yung gusto mo, yung tipong hindi ka kokontrahin sa desisyon mo sa buhay?" Napatanong ako kay Manang.
"Masaya at masarap sa pakiramdam" masayang paliwanag ni Manang.
"Bakit ako di ko naranasan yun?" Mahinang tanong ko. Napatingin sa akin si Manang.
"Bakit iha, may problema ka ba?" Napapikit na lang ako at napaluha dahil naalala ko kung paano kumontra ang tatay ko at insultuhin ng mga kamag-anak niya tungkol sa gusto kong kurso.
"Zoey, ano ba gusto mong kunin sa pagpasok mo sa college?" Di ko pa nasasabi kay Papa na nakapasa ako sa scholarship sa Araullo at sa OLFU. Matagal ko nang gustong maging Nurse in the future.
"Pa, balak ko pong magtake ng Nursing next school year" diretso kong sabi.
"Zoey!" Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses niya.
"Kumuha ka ng Civil Engineering para makapasok ka dito agad sa kompanya namin" biglang kontra ni Papa.
"Pa, gusto ko nga po mag-Nursing" iyak kong sabi. Lumapit na sa akin si Mama at niyakap na niya ako.
"Ay hinde pwede Zoey! Kung ayaw mong mag-Civil pwede ka naman mag-teacher or kahit ano wag lang yan" mahinahon na pakiusap ni Papa.
"Pa, matagal ko na po itong pangarap" pagpipilit ko pa.
"Anak naman ayaw ko naman----" pinutol ko ang sasabihin ni Papa.
"Dahil ano po baka po magaya ako sa pinsan ko po. Pa, iba po ako anong silbi ko ang pagiging honor student ko, ang pagiging Valedectorian ko na di ko kaya itong kursong gustong gusto ko" paliwanag ko pa.
"Anak tama na" mahinahon na sabi ni Mama. Pinatay ni Papa ang tawag kaya napayakap ako kay Mama at napahagulgol.
****
"Iyon ba ang gusto ni Gaile?" Biglaang tanong ng tiyuhin ko na kapatid ni Papa.
"Oo nagaway pa nga sila ng Papa niya at pinipilit niya na pakuhanin si Zoey ng Civil Engineer eh eto naman yung anak niya ang ayaw." Paliwanag pa ni Mama.
"Abay dapat lang para di na mapahiya yung apelyido natin sa Isabela di ba?" Biglaang singit ng tiyuhin ko na pinsan ni Papa.
"At dapat din niyang tularan yung pinsan niyang Civil Engineer malay mo kunin pa siya dun sa pinsan niya at dun magtrabaho di ba at saka pwede pa siyang magabroad edi kapag nagkataon ay malaki ang sahod at mayaman na si Gabo di ba?" Tawanan lang ang kanilang sinabi.
"Ay naku! Wag niyo munang isipin niyan di pa yan graduate sa Senior High School yan mahaba haba pa yung oras para siya ang mag-isip"
"Kaya nga kunin na niya yung Civil Engineer para di siya matulad kay Karen di ba pinsan?" Napayukom ako sa insulto nila sa akin.
****
"Di siya nakapasa sa entrance exam?" Nagliligpit na ako ng mga damit na nilabahan ag natuyo kanina.
"Hinde eh" sagot ni Papa.
"Abay baka sinadya ni Gaile ang di pagpasa sa entrance exam para lang makakuha siya ng kursong ipinipilit niya. Aba Gabo pagsabihan niyan ang anak mo di nakakatuwa yan." Napaiyak na lang ako dahil sa galit na
nararamdaman ko.
"Aba anong silbi ng pagiging honor student niya at matalino ay wala siyang utak. Baka nga nandaya ang anak mo kaya naging honor student yan eh" Napayukom ako sa galit at pagiinsulto niya sa akin. Pati si Mama galit na galit siya sa kapatid ni Papa dahil ininsulto niya ako. Palibhasa di niya naranasan ang umakyat ng stage para lang masabitan ng medalya ang anak niya.
Kaya nung that time na yun ay nakiusap ako kina Mama lalong lalo na si Papa na wag sabihin sa kanila ang sitwasyon ko dahil baka makarinig na naman ako ng insulto sa kanila.
Niyakap ako ng mahigpit ni Manang.
"Iha wag kang mapanghinaan ng loob malalagpasan mo din yan." Ngumiti ako kay Manang.
"Salamat po Manang" ngiti kong sabi.
"What's happening?" Napalingon ako ng si Sir Levis na nasa unang baitang na siya kasama si Levin.
"Wala po nagkwentuhan lang po kame" paliwanag ko.
"Umiiyak ka ba?" Mabilis ko pinahid ang luha upang mawala.
"I'm okay Sir" ngiti kong tugon.
"Let's eat na po tayo" inayos ko na siya at inupo sa upuan. Nilagyan ko na ng pagkain ang kanyang plato.
"Hmm yummy!" Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Kinagabihan, ay habang nagaayos ako ng matutulugan ni Levin ay naalala ko ang sinabi ni Manang sa akin na gawin ko ang gusto ko na magpapasaya sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinry kong tawagan si Mama.
"Hello Ma" bungad kong sagot.
"Anak kamusta ka na?" Biglaang tanong ni Mama.
"Ok naman po Ma" sabi ko.
"Ma, malapit na po yug opening ng NEUST Admission po." Sabi ko pa.
"Ma, dun na lang po ako magaaral ng kursong Nursing para di na po kayo magbabayad." Diretso kong sabi.
"Anak pagtatalunan ba natin ito?" Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa sinabi ni Mama.
"Ma, ito ang gusto ko" pagpilit ko pa.
"Dahil di iyan ang gusto ng Papa mo!" Nabigla ako sa pagsigaw ni Mama.
"Ma..." mahinang bulong ko.
"Sundin mo ang Papa mo tapos!" Pinatayan ako ni Mama ng cellphone. Frustrated kong sinabutan ang sarili at napahilamos.
'Kailan ko ba magagawa yung gusto ko?' Napaiyak na lang ako sa inis.
Lumabas na ako ng kwarto ni Levin at inalis ang mga luha ko sa pisngi para di mapansin ni Sir Levis pagkalabas ko.
"Levin, it's time for bed na" pilit kong itago ang emotion ko. Naabutan ko silang nanonood ng Netflix sa sala.
"Sige na baby it's getting late na" bumaba sa pagkakandong si Levin. Napasimangot naman ang bata.
"But the movie is not yet finished" napasimangot na sabi niya.
"Sige tomorrow ka na lang manood ng movie. It's not healthy na magpuyat sa isang bata." Si Sir Levis.
"Let's go" hinawakan ko ang kamay niya at patapak na sa kami sa unang palapag ng hagdan nang nagsalita si Sir Levis.
"Choose what is right and makes you happy" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sir Levis.
"Huh?" Biglang nawala si Sir Levis at feeling ko pumunta ito sa library.
'Ang weird niya'
Umakyat na lang kami ni Levin at pumasok na sa kwarto. Pinaglinis ko muna siya ng katawan at binihisan. Dumiretso na kami sa higaan niya at pinatulog ko na siya.
Medyo mahimbing ang tulog niya at kinuha ang cellphone upang tawagan si Lara.
"Hello" bungad ko.
"Oh napatawag ka?" Tanong niya.
"Bes...." naluha ako bigla.
"Hala bakit ka umiiyak may problema ba?" di ako umimik at umiiyak na lang ako.
"Ano ba kasing problema?" Nagtatakang tanong na siya.
"Bakit di nila ako hayaan sa desisyon ko" sumbong ko.
"Doon ba sa kurso mo?"
"Oo alam mo ba I have plan na magapply sa NEUST but hindi maging engineer kung di maging isang Nurse pero lagi na lang ako kinokontra" sumbong ko pa.
"Di kaya tama yung mga magulang mo?" Napaamang na lang ako dahil sa sinabi niya.
"Pati naman ikaw!" Bulyaw ko buti na lang nasa banyo ako at mahimbing na ang tulog ng bata.
"Eh Zoey, baka naiinggit ka lang kasi nakakita ka na nakasuot ng pang-Nursing student" paliwanag pa niya.
"Ano ba matagal ko nang gusto ito" pilit ko pa.
"Kaya nga pero alam mo naman yan ang mahirap na kurso eh'
"Lara walang madaling kurso! Kung wala ka nang sasabin at puro kontra ang naririnig ko. Mas maigi na wag na lang" pinatayan ko siya ng cellphone at lumabas sa banyo. Pumunta ako kay Levin. Labis ang hignapis ko dahil sa nangyare.
'Bakit ba ayaw nila akong suportahan?'
Napahikbi na lang ako ng tuluyan pero di ko na mamalayan ay nagising ang batang natutulog na.
"Why are you crying po?" Napatingin ako sa kanya. Mukhang nagising sa hikbi ko.
"Ahh wala namiss ko lang yung family ko" palusot ko.
"Mimi, stop crying na" niyakap niya ako ng mahigpit at napapikit pa ako pero teka....
'Mimi?'
Lumingon ako sa batang nakatulog na at tiningnan ito ng nakakataka.
'hmm.. baka nanaginip lang'
Inayos ko na siya at kinumutan. Di ko na nakayanan pang bumalik sa kwarto ko at sa tabi na niya ako nakatulog.
Kinaumagahan ay nagising ako ng 6:30 am upang magluto ng agahan nilang mag-ama syempre kasama na kami roon. Inayos ko muna yung una at kumot dahil natutulog pa ang bulinggit. Lumabas na ako sa kwarto at pumasok sa aking room upang mag-ayos ng sarili ko.
'Mamaya na lang ako maliligo'
Pumunta ako sa mga closet ko upang mahanap ang isang cellphone ko. Di alam ng magulang ko na meron pa akong isang number at si Tasha lang ang nakakaalam dun. Sa pakiusap ko sa kanya na kung sakali man di nila ako makontak ay wag niyang ibibigay ang no. ko sa kanila. Naiintindihan naman niya kung bakit di ko binibigay ang number ko ay dahil dun sa kursong palagi namin pinagtatalunan.
Tinanggal ko ang sim nito at nilagay sa cellphone kong pansamantala. Ayoko muna makipagusap kahit kanino pwera lang kay Tasha lalo na sa parents ko. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na ako ng hagdan nang naabutan ko si Manang na naglilinis ng bahay.
"Good morning po Manang" ngiti kong bati.
"Magandang umaga din iha. Magluluto ka na?" Tumango ako.
"O sya tatapusin ko muna ito" Pumunta na ako sa kitchen upang umpisahan na ang pagluluto. For today's morning ay magluluto ako ng fried rice with eggs and hotdog. Magluluto rin ako ng bacon at sunny side up egg.
'Pack pang vlog lang ang peg' Natawa na lang ako sa aking naisip.
"Good morning Manang" lumabas ako sa kusina at mukhang nagising na ang mag-ama.
"Good morning po sir" bati ko.
"Morning" tipid na sagot nito.
'Kahit kailan napaka tipid magsalita si Sir. Naku! Kung di lang kita crush nabigwasan na kita.
"Good morning Mimi" bati ng bulinggit ng ikagulat naming lahat syempre kahit alam ko na ay di pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya.
'So, di pala siya nanaginip'
"What did you call her?" Tanong ni Sir Levis.
"Mimi" tipid rin sagot nito
'May pinagmanahan nga'
"Why did you call her Mimi?" Takang tanong niya.
"Because..... I can see her as my mom" sagot niya.
"But baby she's not your mom"
"For me she is" pagpilit pa niya. Di na kami mapagsalita ni Manang dahil sa gulat at sa bangayan ng mag-ama.
'Gusto niya ako maging mommy?'