Makulit
"Levin huwag kang tumakbo sa may hagdanan papagalitan tayo ng daddy mo" nakipaghabulan ako sa batang makulit. Ayaw pa kasing maligo sabi niya raw ay malamig yung tubig pero may heater naman ito sa banyo niya.
'Kami nga kailangan pa namin maginit ng tubig para lang makaligo kami dahil sa sobrang lamig tuwing december magkakasakit ka talaga wala sa oras.'
"Ayaw kong maligo it's cold yung tubig" napakaconyo naman nito.
"May heater ka dun kaya di ka na malalamigan kaya tara na." Wala nang magawa si Levin kung di sumunod sa akin papuntang bathroom nito.
Almost one month na ako dito at nachachalenge dahil sa sobrang kulit ng batang ito buti na lang napapasunod ko ito pero sa isang paraan na di masasaktan na emosyonal at pisikal.
"Kailan po uuwi si Daddy?" Napahinto ako sa sinabi niya.
"Di ko alam baby eh" Bigla siyang nalungkot.
"Pero baka mamaya tumawag na siya" sumilay naman ang maliit na ngiti niya.
Ilang araw na kasing di tumatawag si Sir Levis dahil na rin sa taping niya. Every night nga before namin matulog pinapanood pa namin yung bagong teleserye kasama ang kalove team niya na si Mikylla Santos. Maraming humahanga lalo na yung mga fans sa kagandahan ni Mikylla Santos. Marami ngang nagexpect na in a real couple sila pero ang totoo ay hindi.
'Hindi talaga dahil nakatuon lang ang atensyon niya kay Levin noh'
Pagkatapos ko siya bihisan ay bumaba na kami at naabutan namin si Manang Sally na nagaayos ng mga pinamalengke nito. Siya ang nakakabatang kapatid ni Manang Indang
"Oh tapos ka na magpaligo kay Levin" tumango ako.
"Oh iho naging mabait ka ba habang pinapaliguan ka ni Yaya Zoey mo" tumango naman ito.
"Di daw po siya makikipagplay sa akin hangga't di daw po ako naliligo" tugon niya. Napakamot ako sa ulo dahil sa sinabi ng bata.
"Oo iho kapag di ka naligo papagalitan siya ng daddy mo gusto mo ba yun?" Umiling siya. Napangiti naman ako.
"Oh siya pumunta muna kayo sa sala at magluluto muna ako ng tanghalian at bago pala iyon ihahanda ko na yung meryenda niyo ah" tumango naman kami at dumiretso na kami sa sala upang manood ng cartoons.
"Yaya did you like watching a cartoons po?" Tanong ng bata ng ikinatango ko.
"Oo baby kasi nung bata pa ako ay mahilig na ako manood ng mga cartoons at anime" pagamin ko.
"What anime po?" Tanong niya.
"Ahmm yung anime kasi origin siya from japan ito yung drawing na pinapagana ng technology natin para siyang manga pero nakikita natin siya sa tv for example yung pinanood mong one piece anime siya." Paliwanag ko at tumango naman siya.
"Eh yung mga cartoons na pinanood natin?" Tanong pa niya ulit.
'Paano ko ba mapapaliwanag ito eh konti lang alam ko tungkol sa mga cartoons'
"Ahhm eto kasing cartoons origin kasi siya sa ibang country most especially sa U.S at yung pagkakaiba niya ay drawing siya using gadget na pinavisual ng maayos parang maging cartoon."
"Ok po gets ko na po" ngumiti naman siya.
"Ano bang gusto mong panoorin?" Tanong ko.
"Hmm anime po sana kaya lang di ko po alam kung anong anime ang panonoorin ko. Pero di ba po mahilig po kayo sa anime ano po ba gusto niyo panoorin"
'Hentai....charrr!'
Natawa na lang ako sa naisip ko baka kung sakaling sabihin ko sa kanya magtatanong at magtatanong iyan baka mapahamak ako kapag nakarating yan kay Sir Levis.
"Ahhm Naruto" ngumiti naman siya at hinanap ko sa youtube yung tagalog version ng Naruto buti na lang nahanap ko agad para maintindihan ni Levin.
"Wait!" Napatingin sa akin ang bata.
"Paalala lang ah, huwag mong gagayahin yung pinapanood natin malalagot ako wala sa oras ng daddy mo gets mo ba?" Tumango naman siya.
"Good" umupo na kami at nagsisimula na ang palabas siyempre si chikiting ay tuwang tuwa kay Naruto.
"Naku mukhang nagustuhan niya ata yung Naruto ah" napatingin ako kay Manang habang binaba niya yung meryenda.
"Mukha nga po eh kaya lang po baka gayahin niya yung nasa TV mayayari po ako wala sa oras ni Sir" paliwanag ko.
"Pero po sinabihan ko naman po siya na huwag niyang gagayahin yung nasa TV" tumango naman si Manang.
"Oh eto na yung meryenda niya. Tawagan mo na lang ako kapag kulang ah" tumango naman ako at ngumiti.
Naalala ko pa nung first day ko sa pagaalaga niya ay nahihirapan ako. Dahil ba naman sa sobrang kulit, pasaway at pilyo. Muntik na nga akong mabaldog ng may inilagay siyang bagay sa hagdan. Buti na lang nakapagtimpi pa ako kung hindi ay mapapalo ko siya. Syempre sa takot na rin na masesante ay hinabaan ko na lang ng pasensya. Gusto ko nga sumuko agad pero nung naalala ko ang advise ni Tasha sa akin nung naglabas ako ng sama ng loob sa kanya nung pangatlong araw pa lamang ako rito
"Couz, alam kong mahirap mag-alaga na bata lalo na't makulit but..... You must accept the challenge that your choice. Di ba ito gusto mo ang makasama sa iisang bubong yung crush mo kaya lang wala nga siya at yung mismong anak niya ang pagsisilbihan mo." Paliwanag pa niya. Di niya pa alam na nasa bahay na ako ni Sir Levis.
"Tasha, alam mo naman kung gaano kaikli pasensya ko lalo na't makulit at pasaway--" di na niya pinatapos ang sasabihin ko.
"Para lang siya si Rane, Zoey" nagulat ako sa sinabi niya.
"Anong kinalaman ni Rane dito?" Tanong ko.
"Hayss! Zoey! Di ba ikaw yung nakatoka sa pagaalaga kay Rane dahil may business yung mader mo at may trabaho at pasok yung mga kapatid mo" nakinig lang ako sa sermon niya.
"Tapos?"
"Si Rane makulit yan di ba edi parang ganun na lang din gagawin mo"
'Wait?'
"You mean aalagaan ko siyang parang baby?" Takang tanong ko.
"Oo pero ibang way yung gagawin mo. Yung way na kung ano edad niya ganun." Paliwanag pa niya.
Dahil sa sermon at advise ni Tasha ay nagagawa ko na rin ang pagalaga sa bata na parang si Rane pero ibang way nga lang. At nagawa ko naman yun nang maayos dahil napapasunod ko na siya. Humanga nga si Manang Sally sa akin eh dahil ako palang ang sinusunod ni Levin dahil sa mga nakaraang yaya nito ay di umaabot sa kanya ng isang buwan at kusa na itong nagresign dahil na rin sa pagiging pilyo niya.
'Di uubra sa akin yung pagiging pilyo niya dahil di ko siya pinapansin kapag gusto niyang makipaglaro sa akin'
Naalala ko pa na may balak na naman siyang gawin sa akin at yun nga nangyari na. Nung medyo naiinip siya inaaya niya akong maglaro kasama siya. Di ko siya pinapansin nun at pinagpatuloy ang ginagawa ko nun. Doon lang ako nataranta nang umiyak siya sa may hagdanan at naabutan kong nakasalampak siya dun. Grabe yung palahaw niya parang inaagawan ng candy kaya binuhat ko siya at umakap naman ito sa akin. Syempre pinagsabihan ko siya na wag na siyang gagawa na ikakagalit ko tumango naman siya. Ibaba ko na sana siya para ipagpatuloy ang ginagawa ko ay ayaw niyang magpababa hanggang sa nakatulog siya sa balikat ko kaya si Manang na yung nagpatuloy sa ginagawa ko.
'Grabe pala yung takot niya na di pinapansin'
Natapos na namin ang aming pinapanood pero hanggang ep 100+ lang muna dahil maglunch break na.
'Nagtataka kayo kung paano kami nakaabot ng ep 100+? Well tumalon na kami sa ep 100 dahil gusto nung nanonood ay yung gumagamit na si Naruto ng rasenggan'
"Ano po yung tanghaliaan po natin Manang?" Tanong ko.
"Beef Broccoli" tipid na sagot ni Manang.
'Hmm mukhang may mapapakain na naman ako ng gulay'
"Yaya di pa po ba tumatawag si Daddy?" Lumabas na si Levin mula sa sala.
"Hindi pa baby eh" sagot ko. Biglang lungkot na naman ang bata.
'Shems! Dapat di ko na lang sinabi sa kanya na tatawag si Sir Levis mamaya'
Always siyang nagtatanong sa akin kung kailan tatawag ang daddy niya. Di naman namin pwedeng tawagan yung daddy niya dahil baka nasa taping ito or napalibot sa kanya yung mga fans niya. Baka ito pa maging cause ng issue niya.
"But you said na tatawag siya mamaya. We watching anime na pero bakit pa rin di pa siya tumatawag" maktol niya.
"Baby, alam mo naman sobrang busy sa trabaho si Daddy para mabigay yung gusto mo at yung need mo everyday" paliwanag ko.
"He's always saying that pero di naman niya ako tinatawagan o pinupuntahan edi dapat di na niya ako kinuha kina Lola kung always naman siyang wala!" Padabog itong umakyat papuntang taas.
"Levin!" Hinawakan ni Manang Sally ang balikat ko.
"Mukhang nakita niya ang papa niya sa TV" 'shems! Oo nga pala nakaopen yung TV malamang nakita niya yung interview ng papa niya sa balita'
"Manang, di po ba pwede tawagan o matext man lang si Sir Levis?" Nagmakaawa kong tanong.
"Hindi pwede iha dahil mahihirapan makausap si Levis lalo na't ang mga fans niya ay nasa paligid lamang baka ito pa yung sanhi ng ikapahamak ni Levin. Hangga't kayang itago ang lahat di malalaman ng lahat na may anak sa pagkabinata si Levis" mahabang paliwanag ni Manang.
"Pero manang ako'y naawa na doon sa bata"
"Parehas tayo Zoey pero maiintindihan din yan ni Levin kapag lumaki laki na siya." Tumingin ako sa taas at umakyat upang puntahan si Levin. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya.
"Levin....." Katok ko.
"Can I come in?" Tanong ko.
"Si Yaya ito" naramdaman ko ang paglakad nito at binuksan ang pintuan niya.
"Levin...." tumakbo siya sa higaan niya at nagtalukbong ng kumot.
"Levin, wag ka nang masyadong magtampo sa daddy mo. He give the best to protect you. Ayaw ka niyang masaktan kahit gusto niyang tawagan ka ay di pwede dahil iba ang trabaho ng daddy mo di katulad ng mga nasa opisina or other profession na pwedeng tumawag time to time pero ang daddy mo kasi ay may limitasyon" mahabang paliwanag ko. Tinanggal niya ang pagkatalukbong ng kumot niya.
"Bakit di na lang po siya nagwork sa office para po may time siya sa akin?" Bumuntong hininga ako sa tanong niya.
"Baby, di natin mapipigilan ang daddy mo dahil pangarap niya iyon. Dapat you always support him even if busy siya di ba?" Tumango naman siya.
"Ganito na lang, watch tayo ng tv mamayang 7:45 ng gabi para makita mo yung daddy mo. Imagine mo na lang na nandito siya para di mo siya mamiss. Gets mo ba?" Ngiting tango niya.
"Tara nga dito" lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Magpromise ka na di ka na magtatampo sa daddy mo okay ba yun?" Tumango naman siya.
"Promise po" ngumiti naman siya.
"Bumaba na tayo para makakain ka na" binaba ko siya sa higaan niya at inayos ang mga kumot at unan.
"Ano pong ulam Yaya?" Tanong niya.
"Beef Broccoli" namutla siya bigla nang sinabi ko ang ulam.
"Yaya....." mahinang sabi niya.
"Need mong kumain ng gulay para may energy ka" tumango na lang siya.
"Oh buti naman nakababa na kayo" bumaba na kami mula sa kwarto para kumain na ng tanghalian.
"Oh eto na yung food mo Levin" nilapag na ni Manang ang pagkain.
"Yaya....." ungot niya
"Hindi ka pa kumakain ng gulay Levin" nagmaktol na lang siya.
"Sige na" nilagyan ko na ng sabaw at gulay ang kanin niya.
"Masarap ito promise" sabi ko pero umiling pa rin siya.
"Hayss alam mo ba dati di ako kumakain ng ganyan" napaangat ang ulo niya at nagulat naman si Manang. Buti na lang naalala ko yung ginawa ko dati.
"Totoo?" Tumango ako.
"Kasi po noon feeling ko ay mapait yung broccoli tapos po nung napapanood ko po sa mga videos sa social media. Sarap na sarap po sila at buti na lang po binyag po nung kapitbahay namin ay nakita ko po yung beef broccoli. Sa curiousity ko po ay nagtry po ako kumain nun tas nung natikman ko masarap siya hanggang sa nagluto yung mama ko ng adobong broccoli" mahabang paliwanag ko.
"Kaya itry mo na ito masarap naman siya lasa mo pa rin yung beef" wala nang magawa si Levin kung di ibuka ang bibig niya at isinubo ko ang kutsarang may pagkain. Lumiwanag ang mukha niya st ngumiti.
"Hmm.... it's so good po Yaya" ngumiti ako sa kanya at pinisil yung pisngi.
"Ouch!" Hinawakan niya ang pinisil kong pisngi.
"Sorry baby nakakatuwa ka kasi eh" tuwang tuwa na sabi ko.
"Oh eto pa" sinubuan ko pa siya hanggang sa umayaw na siya.
"I'm full na po" kumuha ako ng tubig at isinalin sa baso.
"Thank you po Yaya" ngumiti ako.
"Your welcome po" ngiting balil ko. Niyakap naman niya ako.
Kinagabihan habang nanonood kami ng teleserye ni Sir Levis ay may tumawag sa akin.
"Teka lang ah sasagutin ko lang ito" tumango naman si Manang at ngumiti sa akin si Levin.
"Hello" bungad na sagot ko.
"How's everything Zoey" si Sir Levis ang nasa telepono.
"Ok naman po sir yun nga lang po nagtatampo sa inyo yung bata" pagsumbong ko. Napahinga na lang siya ng malalim.
"Pero wag na po kayong magalala pinaliwanag ko nga po sa kanya yung uri ng trabaho niyo po para po mas maintindihan na niya po yung sitwasyon." Paliwanag ko pa.
"I try to come home this weekend" sumilay ang aking ngiti nang sinabi niya na uuwi siya.
"Talaga po?" Excited kong tanong.
"Yes why?" Bigla niyang tanong.
'Sa wakas makikita ko siya ulit' kinikilig ako sa aking isip.
"Zoey are you there?" Napitlag na lang ako nang nagsalita ulit si Sir Levis sa kabilang linya.
"Ay opo" bigla kong sagot.
"Why are you so excited?" Nanlaki ang mata ko sa tanong.
"Syempre po di na po ulit malulungkot si Levin dahil uuwi na po kayo" palusot ko.
'Shem! Mabubuking pa ako wala sa oras!'
"Anong ginagawa ni Levin ngayon?" Tinatanong ni Sir Levis ang bata kung ano ang ginagawa nito.
"Sir nanonood po kami ng teleserye niyo" honest kong sagot. Biglang tumahimik ang linya.
"After niyong manood matulog na kayo okay"
"Areglado po Sir" binaba ko na ang tawag. Pumasok na ako sa loob.
"Sinong tumawag?" Mahinang bulong ni Manang.
"Si Sir Levis po" mahinang sagot ko. Tumango naman si Manang.
After matapos yung palabas ay inaya ko na si Levin para matulog.
"Good night baby ko" ngiti kong bati.
"Good night din po Yaya" hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap niya ako ng mahigpit. Di ko namalayan ay nakatulog na kaming pareho na may ngiti sa labi.