Chapter 6

2097 Words
Meet Levin "How your vacation with Lola and Lolo?" Bungad na tanong ni Mam Lessandra. "I'm happy Mamita, I meet my new friends while we vacation in Palawan" tuwang tuwa na sabi ng bata. "Di ka ba nagpasaway sa kanila?" Umiling ito. 'Jusko! Marunong pala umitindi ito ng tagalog akala ko mahihirapan pa ako magenglish sa kanya' Di naman sa nagmamayabang ay marunong naman ako mag english at maintindihan ang salitang ingles kaya lang kapag malalim na ang mga words na sinasabi ay tinatawag ko na ang aking kaibigan na si Translator para maitranslate sa tagalog yung sinasabi. "It's time to change your clothes now baby" sumingit si Sir Levis sa usapan ng mag-lola. Humarap naman ito sa kanyang daddy pero huminto ito at tumingin sa akin. "Daddy who is she?" Biglang tanong ng bata. "Baby can I talk to you later?" Tumingin ito sa Ama. "May paguusapan lang tayo, It's okay to you" masunurin tumango ang bata. "Okay po" ngumiti naman siya at pumanhik na rin sa taas. Bago pa sumunod si Sir Levis ay huminto ito at humarap sa akin. "Ikaw rin I want to talk to you personally kasama si Levin para mapakilala na agad kita sa kanya" tumango naman ako. Tuluyan ng umakyat sa taas si Sir Levis. "Kabahan ka na" bulong ni Karen at siniko ko ito ng mahina. "Shut up!" Inirapan ko siya. "English yarn" napailing na lang ako sa sinabi niya. "Nakaayos na ba ang lamesa?" Bungad na tanong sa amin ni Mam Lessandra. "Yes po" sagot namin. "Sige na pumunta na kayo ng kusina except kay Zoey" napalingon ako sa sinabi ni Mam Lessandra. "Po?" Takang tanong ko. "Ikaw ang magasikaso kay Levin" tumango ako at tumayo na sila at pumunta na sa dining area. Sina Karen naman ay pumunta na sa kusina upang tapusin ang gawain na di pa natatapos at ako naman ay nakatayo lang sa isang gilid upang intayin bumaba ang mag-ama. "Wow! My favorite is here!" Galak na tuwa ang sumalubong sa lamesa nang makita ni Levin ang nakahain sa lamesa. "Yes baby I prepare your favorite food especially your favorite dessert" ipinakita ni Mam Lessandra ang Macaroni Salad at nagninining ang mata nito sa Salad. "Before you eating this kumain ka muna ah" sabat ni Sir Levis. Tumango naman ang bata. "Ay oo nga pala" 'shems muntik ko nang malimutan' pumunta na ako sa lamesa at inaasikaso si Levin pero mukhang natakot sa akin ang bata. 'Nakakatakot ba ako?' "Don't be scared iho mabait siya" tumango ang bata at ngumiti ng maliit at nilagyan ko na ng kanin at ulam ang kanyang plato at nagsimula na siyang kumain. 'Jusme pati ugali at personality ni Sir ay kuhang kuha niya' Umulit pa itong kumain at pinadamihan ang ulam at kanin. 'Malakas kumain pero di naman tumataba' nabanggit sa akin ni Karen na malakas kumain si Levin kapag luto ni Mam Lessandra pero ngayon ay malakas itong kumain pero ako ang nagluto ng ulam na kinakain niya ngayon. "Ngayon ko lang ata nakita na malakas kumain si Levin ah" napalingon ako sa sinabi ni Mam Lexi. "It so delicious Tita, hmm yummy" natawa na lang ang mga tao sa mesa dahil sa kakyutan ng batang ito. "Do you who cook this food and make a dessert for you?" Umiling ang bata sa tanong ni Mam Lessandra. "Who po?" Magalang na tanong ni Levin. "There, beside you" tumingin ito sa akin ay nginitian ko ito. Tumango na lang ito at bumalik sa pagkain. Matapos siyang kumain ay nilagyan ko na ng macaroni salad ang mangkok niya. "It's creamy po" tumingin sa akin ang bata at ngumiti ako sa kanya. "Buti na lang ay di masyadong matamis iha" ngumiti ako kay Mam Lessandra. "Sabi po kasi sa akin ng pinsan ko po na nursing student ay di daw po dapat masyadong matamis at lalo na ang kakain ay bata or kayo po kaya sinunod ko po yung sabi niya sa akin" it's true, dahil nabanggit ko kay Tasha ang paborito ni Levin at sinabihan niya ako ng wag masyadong matamis ang macaroni salad baka raw magkaroon ng cause ng diabetes. 'Kahit pala may pagkaloka loka yung babae na iyon ay may alam na rin siya sa mga bawal at pwedeng kainin ng tao' Nang makatapos na silang kumain ay nilinis na namin ang mga pinagkainan at nilagay sa kusina. Si Ate Lolit ang nakaassign sa paguurong. 'Jusme kapag sa amin toka-toka sa paghuhugas ng plato. Ako ngayon at si Ate ay bukas.' 'Yung kapatid kong sumunod sa akin ay senyorito ng bahay namin walang ginawa kung di lumakwatsa at humiga lang maghapon' Habang naglilinis ako ay biglang sumulpot si Sir Logan. "Sir bakit po?" Takang tanong ko. "Pinatatawag ka ng boss mo sa taas" tumango ako at nagpunas ng kamay at tinanggal ang apron. Sumunod naman ako sa kanya at nagulat na lang ako ay sa kwarto ni Sir Levis kaming huminto. "Sir?" Nagtataka ko siyang tingnan. "Go pumasok ka na baka mainip yun" tumango na lang ako at kumatok muna ako baka kasi pagalitan ako ni Sir kung bubuksan ko agad ang pintuan ng wala abiso. "Come in" tuluyan na ako pumasok at nakita ko si Sir Levis kasama si Levin sa may veranda. "Good eve po Sir" "Take a sit" umupo na ako at tiningnan si Levin at tumingin siya sa akin at nginitian ko ito. "Baby, I want you to meet ate Zoey" pakilala sa akin ni Sir. Kumaway ako sa kanya. "Hi" bati ko dito at nginitian niya ako kahit konti. "And from now on she's your nanny ah while daddy is work okay" tumango naman si Levin. "Zoey, do you know about dos and don'ts in the house?" Tumango naman ako. Sinabi sa akin ni Sir Levis kahapon dahil tumawag siya kay Mam Lessandra at pinakausap niya ako. Yun pala sana ang sasabihin ni Sir kung di tumawag ang Personal Assisstant niya. "Zoey, Levis wants to talk to you" binigay ni Mam Lessandra ang cellphone niya at lumabas muna siya saglit. "Hello po Sir si Zoey na po ito" bungad na sagot ko. "Actually we don't talk about dos and don'ts in my house" napatango ako sa sinabi ni Sir. "Ano po iyon?" "First, be on time sa pagpapakain kay Levin" kumuha ako ng notebook para ilista ang sasabihin ni Sir. Mahirap na baka makalimutan ko na naman. "Second, huwag mong hahayaan na maglaro si Levin sa hagdan." Tumango ako. "Third, don't eat much of chocolate baka magkaroon ng hypertension and lastly, don't ever talk about his Mom, Understood" "Yes po Sir claro na claro po" 'Akala ko sasabihin ni Sir ay "don't ever fall inlove for me" parang w*****d lang pero magiging scam yun dahil ang mga bidang lalake ay kinakain nila yung rules na ginawa nila dahil sila rin pala ang mahuhulog' 'In your dreams, Zoey' epal ng isip ko. So ayun nga pagkatapos niya akong kausapin ay ibinaba na yung tawag kasi nasa isang guest show si Sir Levis. "Levin...." humarap si Levin sa ama. "Habang busy si Daddy si Ate Zoey muna magbabantay sayo ah and please wag na masyadong makulit ok" tumango naman ang bata. "Sige na it's getting late na matulog ka na tatabihan na lang kita" tumango naman ang bata at inayos ang pagkakahiga ng mag-ama. "Mauna na po ako sir good night po" tumango si Sir at lumabas na rin ako sa kwarto. Pumasok na rin ako sa kwarto at nagaayos na ng higaan nang may tumawag sa akin. 'Tss makikichismis na naman ito' "Oh bakit?" Bungad kong sagot. "Kamusta, nakita mo na yung anak ni Sir Levis mo" napataas ang kilay ko sa huling sinabi nito. "Gaga, baka may makarinig sayo riyan" tumawa pa ang bruha. "Couz ano na?" Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan ni Tasha. "Fine, parang bumalik lang ako sa childhood past ni Sir Levis" napalayo ang cellphone ko sa lakas ba naman ng boses kakatili. "Kyahhh! OMG! Parang mini version ganun?" Tanong niya. "Hmm parang ganun na nga" sabat ko. "Nat, did you see my bracelet" rinig ko ang boses ng kaibigan niya s***h ka-boardmate niya sa boarding house. "Ahhm... I think nasa banyo siya di ba naligo ka?" "Ok, hahanapin ko na lang" "Teka nga lang" mukhang tinawag ni Tasha yung kaibigan niya. 'Taray! Ginawa pa ako audience' "Bakit?" "Bakit mo ba hinahanap yun di ba sabi mo gusto mo siyang makalimutan?" Nakakunot noo ko pinakikinggan ang sinabi ni Tasha. 'Makalimutan? Sino?' "Yeah but..... sayang?" "Hayss! Mellisa akin na nga itatapon ko na para makalimutan mo na yung lalaki na yun" sermon ni Tasha. "Wag, I keep it na lang and return ko na lang sa kanya kapag handa na ako makipagkita sa kanya" "Sorry ah mukhang nakarinig ka ata ng teleserye dito" bumalik siya ulit upang kausapin ako. 'Ginawa mo pa nga akong audience eh. Chismosang Audience' di ko na lang binaggit. "Ano ba yun ah? Mukhang broken ata yun" tanong ko. "Hayss kaya naman pala matamlay ng ilang linggo ay nasa school pala namin yung ex niya at binisita yung prof namin sa Anaphy na siyang kuya nung ex niya" paliwanag niya. "Sino ba yung ex niya?"curious kong tanong. "Si Timothy Alvarez" nabilaukan ako nang sarili kong laway dahil sa sinabi niya. "Shemms totoo?" Tumango ito. "Sabi niya sa akin nameet daw ni Mel si Timothy nung Senior High pa siya. Nagaral kasi sa Maynila si Mel kaya ang babae maagang nagkajowa" bitter na sabi ng bruha. 'Uy child abuse yun ah?' "Bakit bitter ka?" Natatawa kong tanong. Alam ko umirap na naman ito. "Tse! Ikaw rin naman ah" asar na ganti niya. "At least nakasama ko sa iisang bubong yung labdilabs ko eh ikaw hanggang imagination ka na lang bleh!"pangasar ko. "Letse ka! Bwisit" tawang tawa ako sa pagiging bitter nito. "Tumawag sa akin si Mader mo di ka daw tumatawag sa kanila" napahinto ako sa kakatawa ng may sinabi si Tasha. "Sige tatawag na lang ako bukas, maaga kasi ako para makapagayos na ng gamit. Sabi kasi ng labdilabs ko ay bukas na raw kami babalik sa bahay niya sa Biñan." Sagot ko. "O siya Ms. Ampalaya ibaba ko na 'to ah para mairelax ko na ang utak ko ok" tawang tawa kong sabi. "Sige pa asarin mo pa ako kapag nagmeet kami ni Darrien at naging jowa ko siya hu u ka sa akin" napasuka na lang ako sa sinabi niya. "In you dreams, Tasha. Alam mo may sabi sabi daw na balak ligawan ni Darrien si Micaela" biro ko. "Letse ka! Ang pangit mong magbiro and excuse me!" "Dadaan ka" biro ko ulit. "Bwisit ka ang pangit mong kabonding! And sorry pero wala akong nababalitaan because I'm always updated kaya kay Darrien noh" asar pa niya. "Sus! O siya goodnight sana magandang yung panaginip mo ah" asar kong tawa sa kanya. "Shut up!" Ibinaba na niya ang tawag. 'Asar-pikon siya' Tumawa na lang ako at napatingin sa kisame. 'Ano kaya feeling na maging collage?' 'Kung sinunod ko ang gusto kong course magiging masaya kaya ako' Bumangon na ako upang makapaghalf-bath. "Hayss ang lamig" ninamnam ko ang patak na tubig mula sa shower. 'Sa bahay namin tabo lang gamit ko, mayroon kaming shower noon kaya lang kakabagsak ay nasira na' Pagkatapos kong maghalf-bath ay naglagay na ako ng mosturizer at cream sa mukha. 'Para magmukhang fresh kapag nakita ko si crush charr!' Nakaramdam ako ng uhaw ay bumaba muna ako upang uminom ng tubig. "Hayss ganito dapat kalamig kapag taginit" 'pero bermonths na' Aakyat na sana ako nung naramdaman ko ang hangin nang galing sa labas at lumabas muna ako. "Hmm ang lamig" umupo ako sa upuan at kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Nagbukas ako ng i********: at bumungad sa akin ang larawan ng ex-crush ko kasama ang jowabels niya. "Mukhang masaya siya ah" di ko naman maisip na masaktan nung mga panahon na patay na patay ako sa kanya pero nireject niya ako kasi may gusto siya sa classmate ko. Di naman kasi ako kagandahan noong mga panahon na iyon eh nag-ayos lang ako nung senior high palang ako. "Bakit gising ka pa?" Nagulat ako na nasa tabi ko na pala si Sir Levis. 'Wait? May nakita ba siya?' "Ah Sir... kausap ko pa po yung pinsan ko eh nangungumusta lang po" tumango lang ito. "Pumasok ka na baka malamigan ka pa" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pumasok na ito sa loob. 'Nagalala ba siya?' Di ko maiwasan kiligin. Pero yung kilig na iyon ay napalitan ng pagkadismaya. "Ayoko magkasakit ka dahil mahihirapan akong alagaan si Levin"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD