PROLOGUE
Graceful na sumabay ang katawan ni Cyrene sa pagsaliw ng tugtugin. Itinaas pa niya ang mga kamay at sinabayan ang kanta ni Robin Thicke ng “Blurred Lines”. “I know you want it. But I’m a good girl. The way you grab me, must wanna get nasty. Go ahead, get at me.”
Hindi na siya nagulat ng maramdaman niyang may biglang humawak na sa bewang niya at gumigiling na idinikit ang katawan sa kanya.
“You’re hot,” wika nito bakas ang pagnanasa sa mukha.
Nang-aakit na tiningnan niya ang mukha nito. Not bad. Pinadaan niya ang daliri sa mukha nito at nilaro-laro ang collar ng polo nito. Sinadya niyang inilapit ang bibig sa tainga nito.
“I know. That’s why you chose to dance with me.” Sinadya pa niyang inilapit ang katawan dito. “Why don’t you fix me a drink and let’s see what will happen next.”
Mabilis pa sa alas kwatrong sumunod ito sa sinabi niya. Muntik pa siyang matawa dahil halos banggain nito ang mga nasa daanan nito dahil sa pagmamadali.
Boys are so easy. Umalis na siya sa dance floor at nawalan na siya ng ganang magsayaw mula ng lapitan siya ng lalaki. Kaya nga gumawa na lang siya ng paraan para paalisin ito ng hindi nito nahahalata. Napagpasyahan na lang niyang umuwi na lang.
Binuksan na niya ang kotse niya ng biglang may pumigil sa kanya. “Hey!”
Manlalaban sana siya sa mapangahas na taong iyon ngunit biglang nalamig ang katawan niya ng mapagsino ang taong pumigil sa kanya.
“You??!!”
He smiled devilishly at her. “Not happy to see me?.” He pulled her close to him. “I didn’t expect you to go home early. You seem to enjoy the poor man’s company earlier.”
Malakas na itinulak niya ito. Kanina pa pala siya pinagmamasdan nito sa bar!
“If I don’t know you better I would probably think that you are jealous,” she said, smirking at him.
He laughed like she said something that is so ridiculous. “You flatter yourself so much, sweetie.”
She crossed her shoulders and stared at him coldly. “So who do I owe the pleasure of you seeing me?”
He gave her a killer smile. “Oh come on Cy, it’s been four years and that’s all the welcome that I’ve got from you?”
The nerve of this man!! Kung makapagsalita ito parang hindi nito binasag ang puso niya ng buong-buo bago ito umalis ng bansa.
“In case you forgot Greg, the last time you talked to me, you made it clear that we’re through. So don’t expect me to jump with so much joy the next time we see each other.”
“Tsk, tsk, tsk. I didn’t know that you still hold grudges against me. You love me that much huh?”
Tiningnan pa siya nito na tila nag-eexpect na siya pa rin ang dating babae na patay na patay dito.
Kinalma niya ang sarili at pinalampas ang patutsada nito. “Don’t be such a pig Gregory Ethan Arne. I totally moved on a long time ago. When you left me, I realized immediately that there is no use crying over spilled milk. So I went out with a lot of guys far much better than you.”
Hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya pero parang may nakita siyang regret sa mga mata nito. Namamalikmata lang siguro siya dahil ngumisi na ito ng nakakaloko sa kanya.
“Really? So that’s why you dump the poor guy in the bar without his knowledge.”Tuluyan na siyang nainis dito. “It’s none of your business. Tell me why do you have to bother me? Spill the beans now and don’t ever show your face again.”
He looked straight at her. “That will be impossible sweetie.” Nguniti ito sa kanya ng pagkatamis-tamis. “You will see every day from now on future wife.”