"Samantha! Bumaba ka na d'yan! Nakahanda na ang hapunan!" Sigaw ni Leonora habang inaayos ang hapag-kainan. Limang taon ng ulila ang magkapatid na sina Leonora at Samantha ng mamatay sa isang aksidente ang mga magulang nito. Sa loob ng limang taon ay si Leonora na ang tumayong ama at ina sa bunsong kapatid na siyam na taon ang bata sa kanya. "Samantha!" Muling tawag nito ng mapansing hindi pa bumababa mula sa kwarto ang bunsong kapatid. Napagdesisyunan ni Leonora na puntahan nalang sa kwarto ang kapatid para ma-check ang pinagkakaabalahan nito. Nito kasing mga nakalipas na araw ay naging mahirap ng palabasin ng kwarto si Samantha. Hindi tulad ng dati ay isang tawag n'ya lang ay sasagot na ito pero ngayon ay lagi na itong nakakulong ng kwarto at nakalock ang pinto na hindi naman nito gin

