"Hindi matutuwa si Alessandra kapag nakita ka n'yang nagkakaganyan. Kailangan mong kumain at magpalakas, hindi lang para kay Alessandra kundi pati na rin kay Isaac." Agad na binuhat ni Mira ang mag-iisang taong gulang na batang lalaki sa kuna ng makitang gising na ito. "Hi baby isaac? Ang gwapo-gwapo naman ng baby ni mommy Ysay." Tahimik lang na nanonood si Ysay sa kaibigang si Mira habang buhat-buhat nito ang kanyang anak. Apat na buwan na simula ng mawala ang kanyang kapatid at makita ang kaibigan nitong si Angela na wala ng buhay kinabukasan ng pyesta ng Creston. Alam niyang malabo ng makita n'ya pang buhay ang kapatid pero kahit man lang sana ang bangkay nito ay pinapanalangin n'yang matagpuan para sa maayos na libing. Tipid na napapanggiti si Ysay ng makita ang kanyang malusog na

