"R-Ronald..." Tawag ni Isaac sa walang malay na kaibigan. Bago pa man makabangon ang binata ay isang malakas na sipa na sa simura ang natanggap nito. "Tingnan mo nga naman. Buhay ka pa pala." Manghang saad ng lalaki na s'yang inutusan ni Jerome na magtapon sa inakalang bangkay ng katawan ng dalawang estudyante. Agad na namilipit sa sakit si Isaac hindi lamang dahil sa ginawa ng lalaki kundi dahil sa tama ng bala sa tiyan nito. "Gustuhin ko mang pahirapan ka ay hindi pwede dahil masyado kaming abala para magsayang ng oras sa mga bubwit na tulad n'yo." Mabilis na hinugot ng lalaki ang itak mula sa pinaglalagyan nito. Akmang tatagain na sana nito si Isaac ng isang putok ng baril ang pumigil dito. Napabuga ng dugo ang lalaki ng tumama ang bala sa dibdib at lalamunan nito. Ilang nakaunipor

