"Good Morning 'couz. " "Good Morning too, kuya." Masigla kong bati kay kuya Percy. Saktong paglabas ko kasi ng bahay ay s'ya ring paghinto ng sasakyan n'ya sa harap ng bahay namin. Sobrang saya ko ngayon dahil dumating s'ya. "Sakay na. Ihahatid na kita." Pagyaya nito kaya dali-dali naman akong pumasok sa sasakyan n'ya. "Kuya Percy. Salamat nga pala dito sa pasalubong mo." Sabi ko sa kanya saka ko itinaas ang kanang kamay ko para ipakita ang suot ko na bigay n'ya. "Sabi ko na nga ba't magugustuhan mo ang pasalubong ko. Ingatan mo 'yan. Alam mo ba ang hirap na pinagdaanan ko para d'yan sa bracelet na suot mo." "Nilibot mo ba ang buong mall ng Austria mahanap lang ang bracelet na 'to? " "Ano ka ba. Anong mall ang pinagsasasabi mo? Nahukay ko 'yan sa Austria. Alam mo bang panahon pa

