[MION's POV] "BITAWAN MO KO!" Sigaw ko habanag kinakaladkad ako ni Jerome papasok kinakatakutan kong kwarto. Ang kwarto kung saan nila pinapaslang ang mga babaing birhen para gawing alay. Hindi ko lubos na maisip na dito ako mamatay at sa sariling kamay pa mismo ng lola ko. "Mion, apo." Halos manlambot ang mga tuhod ko ng makita ang nakapangingilabot na ngiti ni lola habang hawak-hawak ang matalas na itak sa kanyang kanang kamay. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa'akin. Paano nila 'to nasisikmura panoorin nalang at gawin ng pagpatay? Higit pa kay Azazel ang kademonyuhang ginagawa nila sa mga inosenting babae sa bayan ng Creston. "H-Hindi ko akalaing magagawa mo ito sa sarili mo na apo." Asik ko habang nakikipagsukatan ng tingin kay lola o mas kilalang supremo ng kulto. "Ano nalan

