[LEONORA's POV] Mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga ng marinig ang kalampag mula sa rehas na kinalalagyan ko. Nakita ko ang isang demonyo na nakatayo mula sa labas suot ang nakakalokong ngiti nito. Ang sarap n'yang hampasin sa mukha ng pala. Kung meron lang akong hawak nun ay kanina ko pa sana 'yon ginawa sa kanya. "Kumain kang mabuti Madam Leonora para malakas ka mamaya." Sarkastikong sabi nito saka nito ipinasok sa kulungan ang isang tray na mayroong iba't ibang putahi ng pagkain. "Isuot mo 'to para handa ka sa surpresa ko." dugtong pa n'ya na nagpakunot ng noo ko. Itinapon nito sa harap ko ang isang puting tela na ikinakunot ng noo ko. Kung nakakamatay lang ang masasamang pagtitig ko sa kanya ay baka kanina pa malamig na bangkay ang demongyong 'to sa harap ko. "Bilisan mo

