Year 19** (Tatlong Buwan bago ang pyesta ng Creston Fall) "TAKBO! TUMAKBO KA LANG DAHIL SA ORAS NA MAABUTAN KITA AY HINDI MO MAGUGUSTUHAN ANG GAGAWIN KO SAYO. MAS MALALA PA SA SINAPIT NG KALAGUYO MO ANG AABUTIN MO SA'AKIN." Asik ng matandang lalaki bitbit ang itak nitong may bahid ng dugo. Malalim na ang gabi. Takbo lang ng takbo ang isang babae sa gitna ng madilim na kakahuyan. Mas lalo pang dumilim ang buong paligid dahil sa pagharang ng makapal na ulap sa buwan na sanang magbibigay sa kanya ng liwanag. Mayamaya ay nakaramdam na ng natinding pagod ang babae kaya naupo muna ito at sumandal sa malaking puno. Iyak ng iyak ang babae habang hinahagod ang umbok nitong tiyan. Limang buwan na itong buntis .Kasalukuyan s'yang hinahabol ng itak ng kanyang asawa matapos s'yang mahuli na may kasa

