"Haist! 'Bat ayaw." Inis kong bulong sa sarili ko habang pilit na itinutulak ang pader. Umikot naman 'to kanina, 'bat ngayon ayaw na? "Peste! Bumukas ka na parang-awa mo na." Sabay sipa ko sa pader pero wala pa ring nangyari. Napaupo nalang ako saka napasandal sa pader. Pagod na pagod na ako. Ang sakit na rin ng buo kong katawan. Napayakap nalang ako sa mga binti ko saka ibinaon ang mukha ko sa tuhod ko. Ano nang gagawin ko ngayon? Tama nga si Miss Leonora. Itong kuryusidad kong 'to ang maaaring pumatay sa'akin. Hindi ko lang kasi talaga mapigilan ang sarili kong alamin ang lahat ng sekretong itinatago sa'amin ng bayang ito. Ang daming tanong sa utak ko na gusto kong mabigyan ng kasagutan. Walang makapagbigay ng sagot sa'akin kaya ako na 'tong gumagawa ng paraan para mapunan ang kury

