Chapter 1 - Creston Falls

2585 Words
‘Tulong! Parang-awa mo na tulungan mo ako!' Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ng babae. Nang buksan ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang puros itim na kapaligiran. Wala akong makita. Wala akong maaninag na kahit ano. Nasaan ako? Anong lugar 'to? N-Natatakot ako. 'M-May tao ba d'yan?' sigaw ko pero malingawngaw lang ang boses ko sa buong paligid na dahilan para balutin ako nang matinding takot. Mabilis akong napayakap sa sarili ko nang maramdaman ang pag-ihip nang malakas na hangin. Sa paghakbang ko ay kasabay 'nun ang pagliwanang nang inaapakan ko. Isang puntod? Agad kong inalis ang pagkakaapak dito pero hindi nawala ang liwanag mula sa puntod. Sa ngayon ay ito lang ang nagsisilbing liwanag sa walang hanggang kadilimang kinalalagyan ko. Kaninong puntod ito? Lumuhod ako at inalis ang kaunting lupa sa puntod para basahin ang pangalang nakalagay dito pero halos mapaiyak ako sa takot dahil sa nakita ko. 'Mion Salazar' - Pangalan ko mismo ang nakalagay sa puntod. P-Patay na ba ako? Hindi maaari! Imposibling mangyari 'yon. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko ay sinubukan kong tumakbo palayo sa puntod hanggang sa hindi nagtagal ay napatigil ako dahil sa mga sulo na unti-unting nagbibigay liwanag sa paligid. Bumulaga sa harap ko ang mga taong nakaitim. Para silang miyembro ng kulto dahil sa suot nilang itim na talukbong. Bawat isa sa kanila ay may hawak na sulo habang diretsong nakatingin sa kinatatayuan ko. 'Azazel! Tanggapin mo ang alay naming birhen!' Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang sigaw ng isang matandang babae. Wala na roon ang kaninang puntod bagkus ay isang nakaitim na matandang babaing may hawak na itak ang nakita kong nakatayo sa harap ng isang lamesang gawa sa kahoy. Sa mahabang lamesa ay isang babae ang nakahiga habang nakapiring ang mga mata at nakagapos ang mga paa't kamay nito. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Lahat ng mata ay nakatingin sa babaing nasa lamesa na para bang hinihintay ang sunod na mangyayari. "W-wag! P-parang awa mo na! Huwag!" umiiyak na sigaw ng babae habang nagpupumiglas sa pagkakagapos.   'Azazel!' sigaw muli nang matandang babae saka n’ya itinaas ang hawak na itak sa ere. Sabay-sabay na lumuhod ang mga nakaitim sa palibot ng mesa. Makikita ang malademonyong ngisi sa mukha ng mga ito. Napatakip na lang ako ng bibig nang masaksihan ko ang kademonyohang ginawa ng matanda. Tinaga n’ya ang leeg nang walang labang babae nang paulit-ulit. Matapos n'yang mahiwalay sa katawan ang ulo ay kinuha n'ya ito't itinaas. Hiyawan ang mga nakaitim na tao na para bang nagtagumpay sila sa isang giyera. Hindi ko mapigilang mapaiyak at mapasigaw dahil sa mga nakita ko. Hindi ko akalaing masasaksihan ko ang ganoong kabrutal na pagpatay.Mga demonyo sila! Paano nila nasikmurang gawin ang bagay na ‘yon?  Sabay-sabay na napalingon sa akin ang mga nakaitim na ikinagulat ko. Para silang mga uhaw na bampira habang nakatingin sa akin. "Isang birhen!" sigaw ng isang lalaki. Napaatras na lang ako dahil sa paghakbang nila papalapit sa'akin. Hindi ko maigalaw ang mga binti ko dahil sa matinding takot. Para akong tinakasan nang lakas dahil sa nasaksihan ko kanina. Matutulad din ba ako sa babae ‘yon?    *** "Anak! Gising na. Nandito na tayo." anunsyo ni mama na s’yang dahilan para maalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Panaginip. Isa na namang masamang panaginip. Napaayos ako nang upo at saka napadungaw sa labas ng bintana ng kotse. Ito pala ang bayang kinalakihan ni mama. Ang Creston Falls. Naikwento ni mama sa akin na ipinangalan daw ang bayang ito sa isang talon na matatagpuan dito. Ang Crystal Falls. Maganda daw ang talon na iyon lalo na kapag gabi dahil para daw mga bituing kumikislap ang mga batong crystal sa ilalim nito. Hindi na ako makapaghintay na makita ang Crystal falls. Bumaba ako ng kotse at lumanghap nang sariwang hangin. Napahanga ako dahil sa mga magagandang mga tanawin. Napakalayo sa Capital. Kung puro matataas na building ang makikita sa Capital dito naman ay mga nagtataasan at matatayog na puno at bundok. Kung patag na kalsada ang daanan sa Capital dito naman ay patag na lupa at malalawak na sakahan at niyugan.   Mabilis kong naibaba ang mga maleta at bag na dala ko mula sa kotse ni mama. "Sige na 'nak pumasok ka na." utos ni mama matapos n’ya akong halikan sa noo. "Ma?! Hindi mo man lang ba ako sasamahan sa loob at personal na ipapakilala kay lola?" tanong ko. Ito kasi ang unang beses na makikilala ko ang lola ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam nang kaba. Isa pa, hindi ko rin alam kung anong klaseng tao ito. Wala rin kasing naikukuwento si mama tungkol sa sarili n’yang ina. "Anak diba napag-usapan na natin 'to. Ihahatid lang kita at pagkatapos nun ay aalis na ako. Alam mo namang may trabaho pa ako. Sige na Mion. Pakabait ka. I love you!" pahayag ni mama bago mabilis na pinaharurot ang kotse. Isang taon lang. Kapag na tapos ko ang senior year ko rito sa Creston ay babalik na ako ng Capital. Kaya naman kaunting tiis lang Mion. Kung hindi lang sana naghiwalay si mama at papa ay hindi sana ako iiwan dito ni mama pero mabuti na rin 'yun dahil nakakasawa nang makita silang araw-araw na nag-aaway. "Mion?" agad akong napalingon nang marinig ang pagtawag sa akin ng isang matandang babae. Nakatayo s’ya sa labas ng pinto habang hawak ang isang itim na pusa. S'ya na ba ang lola ko? "G-good morning p-po." kabadaong bati ko kay lola. Lumapit ako sa kanya para sana magmano pero nagulat ako nang bigla n'ya akong talikuran. "Nakahanda na ang magiging kwarto mo. Mahigit walong oras ang naging biyahe mo kaya magpahinga ka na muna. Ipapadala ko na lang sa kwarto mo ang meryenda para makakain ka." pahayag ni lola bago tuluyang pumasok ng bahay. Bumagsak ang mga balikat ko dahil sa malamig na salubong sa akin ni lola. Akala ko ay sasalubungin n'ya ako nang mahigpit na yakap dahil nakita na n'ya sa wakas ang apo n'ya after 16 years pero nagkamali ako. Likod n'ya ang unang sumalubong sa akin at sa parte ko ay nakakabasag 'yon ng puso para sa akin. Ang sakit lang dahil wala sa itsura n'ya kanina na masaya s'yang makita ako. Naglakad ako papalapit sa mga bagahe ko't kinuha ang mga ito. Bago ko pa pulutin ang isa kong bag ay may nauna nang kumuha nito. "Tulungan na kita." nakangiting wika ng isang babae. "Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw si Mion, apo ka ni kapitana. Ako nga pala si Rowella. Katulong ako rito ng lola mo." "Hello po. Nice to meet you ate Rowella." nakangiting bati ko rito.   *** "Ito na ang magiging kwarto mo." saad n’ya nang buksana ng pinto ng kwarto ko. "Walang bintana?" Iyon agad ang una kong napansin pagpasok ko pa lang sa kwarto. Walang bintana. "Oo 'e. Pero alam mo bang ito rina ang kwarto ng mama mo noon." "Paano n'yo po nalaman?" tanong ko sa kanya. Bata pa kasi si ate Rowella kaya naman imposibling naabutan n’ya rito si mama na nakatira.   "Dalawa lang naman kasi ang kwarto rito sa bahay. Hahaha. Yung kay kapitana at ito." natatawang sagot n’ya. Wala naman kasing kapatid si mama kaya for sure ngang kay mama nga 'tong kwarto. Maganda at malaki naman ang kwartong 'to pero para kasing kulungan kung titingnan dahil wala ni isang bintana. "Ayusin na nating gamit mo para makapagpahinga ka na." suhestyon ni ate Rowella kaya naman tumango ako sa kanya bilang sagot.   Mabilis kong nakasundo si Ate Rowella. Kwento s'ya ng kwento tungkol sa mga tao rito sa Creston Falls. Halos isa-isahin na nga n'ya kaya natatawa na lang ako. "Next week na ang pasukan. Nakapag-enrol ka na ba?" tanong n’ya. "Opo. Naayos na ni mama lahat na kailangan ko sa pag-transfer dito sa bayan." sagot ko. Hindi pa ako pumapayag sa paglipat ko rito pero ready to go na ang lahat ng mga kailangan ko. Para bang excited na ang mga ito sa pagalis ko. Haist. "Ilang taon ka na pala?" tanong n'ya habang hina-hanger ang mga damit ko at inilalagay ito sa aparador. "16 na po." "Ahhh. Kaedad mo pala ang kapatid ko. Baka maging magkaklase kayo." pahayag n’ya. “Sigurado rin akong magkakasundo mo ang nobya n’yang si Joan." dagdag n’ya pa. "Sana nga po para naman kahit papaano ay hindi ako ma-out of place sa pagtransfer ko rito." "Mion nagka-boyfriend ka na ba?" tanong ni ate Rowella. Natigil ako sa pagtitiklop ng mga damit ko at napasulyap sa kanya. "No boyfriend since birth?" proud na sagot ko. "So, virgin ka pa?" sunod n'yang tanong na ikinakunot ng noo ko. "A-ano ba namang tanong yan!" Pakiramdam ko tuloy namumula na ang mukha ko sa kahihiyan. "Hehehe.'E kasi taga-Capital ka. Alam mo na." napapakamot sa batok na saad n’ya. Iniisip n’ya bang isa akong kawalang babae dahil taga-Capital ako? Ganun pala ang tingin ng mga taga-probinsya sa amin.    *** "Mukhang may lakad ka." puna ni ate Rowella na pansamantalang natigil sa pagwawalis ng bakuran. "Pupunta ako ngayon sa Crystal Falls. Pasukan na kasi bukas kaya baka wala na akong oras para makita ang talon. Malayo po ba yun dito?" tanong ko. Wala pa kasi akong ideya kung saan matatagpuan ang talon pero heto ako at ang lakas nang loob kong sumabak sa gyera nang walang kaalam-alam sa pupuntahan. "Malayo rin yun, Mion. Sigurado ka bang gusto mong pumunta? Kakayanin mo bang mag-isa? Hindi kita masasamahan kasi madaming gawain dito sa bahay ng lola mo." wika ni ate Rowella. "Ayos lang 'te. Kaya ko naman." paninigurado ko sa kanya. "Kung gusto mong itext ko na lang si Ronald para naman may kasama ka?” suhestyon n’ya pero mabilis akong umiling.  "Wag na. Baka makaistorbo pa ko sa date nilang dalawa ni Joan."   Tatlong araw na ang nalagi ko sa lugar na 'to kaya mangilan-ngilan na rin ang kakilala ko. Katulad na lang ni Ronald na kapatid ni Ate Rowella at si Joan na girlfriend nito. "Ganun ba? Sige basta’t mag-iingat ka." "Ate Rowella pwede bang gawan n’yo na lang ako ng mapa papunta sa talon? Baka kasi maligaw ako." "Ah sige! Magandang ideya yan. Kukuha lang ako ng papel at ballpen." Nagmadali s’yang pumasok ulit nang bahay kaya naman hinintay ko na lang s’ya.   *** Kahit ilang beses ko pang pagbali-baliktarin ang mapa na gawa ni Ate Rowella ay hindi ko talaga maintindihan 'tong drawing n'ya. Ba’t may chicken leg at itlog sa mapa na 'to? "Mion, Iha. May problema ka ba?" tanong ni aling Rosa kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. "Magandang umaga po aling Rosa." pagbati ko sa kanya na kakalabas lang ng bahay dala ang walis at dustpan n’ya. Nakilala ko si aling Rosa dahil pagmamay-ari n'ya ang isang maliit na sari-sari store malapit sa bahay ni lola. "Magandang umaga rin sayo. 'O saan ang punta mo, iha?" tanong n’ya. "Papunta po ako sa talon kaya lang hindi ko maintindihan 'tong mapang dinrawing ni ate Rowella." saad ko saka ipinakita kay aling Rosa ang hawak kong mapa. "Hahaha. Ganun ba. Nakikita mo ba ang bukiring ‘yon." Sinundan ko ng tingin ang itinuro ni aling Rosa. "May makikita kang daan d’yan papasok sa gubat. Sundan mo lang 'yon at kapag may nakita kang maliit na ilog ay kumaliwa ka at dumiretso lang. Malayo-layo pa ang lalakarin mo pero kapag nakita mo na ang talon ay aba! Mawawala lahat ng pagod mo." "Salamat po. Aalis na po ako." paalam ko. Mabuti na lang talaga’t may napagtanungan ako ng maayos dahil kung hindi ay paniguradong maliligaw talaga ako. "Sandali iha!" pagpigil sa akin ni aling Rosa kaya muli akong napalingon sa kanya't lumapit. "Bakit po?" takang tanong ko rito. Bigla kasing sumeryoso ang mukha n’ya na ipinagtaka ko. "Ah eh. Itatanong ko lang sana. Birhen ka pa ba?" tanong n’ya sa akin na ikinakunot ng noo ko. “Basta kapag may nakita kang nakaitim na babae sa gubat ay ‘wag na ‘wag mo 'yon susundan. Maliwanag ba?" Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. "Sige na. Baka gabihin ka pa sa daan." Mahina n’ya akong itinulak kaya naman hindi ko na s’ya na tanong tungkol sa babaing sinasabi n’ya. ***   Gamit ang kwelyo ng t-shirt ko ay pinunasan ko ang namumuong pawis sa noo ko. "Kaliwa o kanan?" bulong na tanong ko sa sarili ko. Tulad nang sinabi ni aling Rosa ay may makikita akong ilog pagkatapos nang malayong lakaran pero may problema, hindi ko na matandaan kung sa kanan ba o sa kaliwa ang kailangan kung daanan. Ba’t kasi walang nakalagay na signboard dito? Habang pinag-iisipan ko kung saan dapat na dumaan ay isang babae ang nahagip ng mga mata kong naglalalad papaakyat sa batong hagdan mula sa kanan. Naka-black dress ito habang nakalugay ang mahaba n’yang buhok. Napansin ko ring wala s’yang sapin sa paa. "Miss, saan po yung daanan papuntang Crystal falls?" tanong ko sa kanya pero hindi s’ya sumagot at nagpatuloy lang sa paglakad. 'Basta kapag may nakita kang nakaitim na babae sa gubat ay ‘wag na ‘wag mo yung susundan. Maliwanag ba?'- Awtomatiko namang nagsitaasan ang mga balahibo ko nang maalala ang mga sinabi sa akin ni aling Rosa. Parang may mali. "A-Ate," susundan ko na sana s’ya pero may kung sino ang bigla na lang humatak sa braso ko. "Pinagbabawal na pumunta d’yan." malamig na pahayag ng lalaki bago n’ya alisin ang pagkakahawak sa braso ko. Paalis na sana s’ya nang pigilan ko ito. “T-Teka. A-ano bang meron sa bahaging yan?” inosenteng tanong ko rito. Agad akong nakatanggap nang matalim na tingin mula sa lalalking kaharap ko. May itinuro s’ya kaya sinundan ko yun ng tingin. Isang lumang kahoy na may nakasulat na 'CEMETERY' Teka. Wala naman yan kanina ah! "Sementeryo? Sabi mo bawal na pumunta sa parteng 'yan pero may isa pang babae kanina na dire-diretsong naglakad papunta sa bahaging 'yon." pahayag ko habang nakaturo sa daan papunta sa ipinagbabawal na sementeryo. "Imposible. Wala akong nakitang ibang kasama mo." kunot noong pahayag n’ya na mas lalong nagpataas ng mga balahibo ko. "P-pero totoo! Nakaitim s’yang bestida, kasing tangkad ko at may mahabang buhok ang kaninang babae na nakita ko." paglalarawan ko pero mas lalo lang sumama ang tingin n'ya sa'akin. Tinalikuran n’ya ako at saka naglakad palayo. Tsk. Akala n'ya siguro ay nagsisinungaling ako. Napabuntonghininga na lang ako at saka napalingon sa kaliwang bahagi ng daan. Kung sementeryo ang nasa kanan paniguradong dito na nga ang papuntang Crystal Falls.   *** "Wow!" manghang saad ko habang nakapako ang mga tingin ko sa napakagandang talon na nasa harapan ko. Ang linaw at linis ng tubig. Hindi lang ‘yon, mas lalo itong gumaganda dahil sa pagkislap ng mga crystal sa ilalim ng tubig. Mas lalo siguro itong gaganda kung nasa ilalim ako ng fullmoon. Habang nililibot ko ng paningin ang talon ay nakita ko ang isang pigura nang matandang lalaki na nasa kabilang dako. Kumaway s’ya sa akin kaya kinawayan ko na rin s’ya bilang ganti. Ayoko namang sabihin n'yang snob ako pero nagulat ako ng bigla na lang mawala ang matanda. Nalingat lang ako sandali para ibaba ang bag ko at pagtingin ko sa kinatatayuan n’ya kanina ay nawala na s’ya. Weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD