Chapter 2 - First Day

1726 Words
"Lola aalis na po ako." paalam ko kay lola habang hawak n’ya ang isang maliit na libro at nagbabasa. "Dapat ala-singko ay nandito ka na. Maliwanag ba?" maawatoridad na sabi n’ya habang matalas ang mga nitong nakatitig sa akin. “O-Opo.” pagsang-ayon ko na lang bago lumabas ng bahay. Ramdam ko ang malamig na pakikitungo ni lola sa akin. Simula nang tumungtong ako rito sa pamamahay n'ya ay never n’ya akong linapitan. ‘Ni hindi nga s’ya nagtatanong sa naging buhay ko sa Capital o tungkol man lang kay mama. *** "Good morning Mion!" masiglang bati sa akin ni Ronald. Napayuko na lang ako dahil sa tinging ipinukol sa akin ng mga magiging kaklase ko. "Mion!" tawag sa akin ni Joan habang itinuturo ang katabi n'yang upuan. Lumapit agad ako sa kanilang dalawa at naupo sa upuang ni-reserve nila para sa akin. "Pumunta ka raw ng talon kahapon. Nabanggit sa akin ni Ate." ahayag ni Ronald habang nakaakbay s’ya kay Joan. "Oo." tipid kong sagot saka ipinatong ang bag ko sa upuan. "Sa susunod ay sabay-sabay na tayong pumunta sa talon. Ang tagal na rin nang huli kong pagpunta roon. Ano sa tingin mo labs?" tanong ni Joan sa nobyo n’ya. "Sige, labs." sagot ni Ronald saka siniil nang halik si Joan. Dahil sa ginawa nilang paghahalikan sa harap ko ay ibinaling ko na lang ang tingin ko sa ibang direksyon. Grabe naman 'to! Live na live. Nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking tahimik na nakaupo malapit sa bintana habang nagbabasa ng libro. S'ya yung lalaki kahapon. Mabilis kong binawi ang tingin sa kanya dahil sa bigla n'yang paglingon sa direksyon ko. "Bago ka?" tanong ng babaing lumapit sa kinauupuan ko. "Ay hindi. Luma bhe! Luma." sarkastikong sagot ni Joan sa babae. "Maria Joanna, pwede ba hindi ikaw ang kausap ko." pagtataray n’ya kay Joan. "Nahiya naman ako sa pangalan mo Monay." ganti ni Joan na in-emphasize pa ang pangalan ng babae na dahilan para magtawanan ang iba kung kaklase dahil sa bangayan nang dalawa. "Hindi Monay ang pangalan ko gaga, Monalisa!" depensa ng babae sabay irap n’ya kay Joan bago ibalik ang atensyon n’ya sa'akin. "Ako nga pala si Monalisa." pagpapakilala n’ya sa akin. "Ikaw, anong pangalan mo?" "Ayy ganda ng name n'yan hindi gaya sa pangalan mo. Ang baho! Bwahaha!" pang-asar ulit ni Joan kay Monalisa. “Che! Tumahimik ka kung ayaw mong ipalunok ko sayo ‘tong kamao ko!” bwelta ni Monalisa. Baka bigla na lang ‘tong magsabunutan ng wala sa oras. Lagot na! "Mion Salazar!” pasigaw na sagot ko dahilan para mapunta ang atensyon sa akin ng mga kaklase ko pati na rin nila Joan at Monalisa. “Ang hyper ah!” saad ni Monalisa. “Easy lang girl.” natatawang turan naman ni Joan. Haist! Nakakahiya!. “Pagpasensyahan mo na 'yang dalawa, Mion. Ganyan lang talaga 'yan kapag nagku-krus ang mga landas nila. Way lang siguro nila yan para lambingin ang isa’t isa.” natatawang bulong sa akin ni Ronald. *** Tulad nang inaasahan kong gagawin ng isang transfree sa first day ay nagpakilala ako sa harap ng buong klase at nagkwento ng kaunti tungkol sa buhay ko at dahilan nang paglipat ko sa Creston. Ang Creston High ay isang public school. Ito lang ang nag-iisang paaralan dito Creston Falls. Meron itong elementary at highschool department pero wala itong college department. Para makapag-college kailangan mo pang lumabas ng bayan para makapag-aral. Mabilis natapos ang klase. Hapon na at heto kami busy sa paglilinis ng classroom. “Ako na ang magtatapon ng basura." presenta ko. "Gusto mo samahan na kita." alok ni Joan. "No. Ako nang sasama kay Mion." pagsiingit ni Monalisa. Nagtatalo na naman sila. "Wag ka ngang feeling close Monay!" "Pinaringgan mo bang sarili mo?" Lumapit ako kay Luke at nagtanong kung saan nila itinatapon ang lahat ng mga basura. "S-sa l-likod ng school. Gusto m-mo bang samahan na k-kita?" nahihiyang alok ni Luke. "Ako na lang. Pakisabi na lang dun sa dalawa na itapon ko lang 'tong basura." turo ko kay Joan at Mona na kasalukuyan paring nagbabangayan. *** "Ahhh!" sigaw ko sa sobrang gulat nang bigla na lang sumulpot sa likuran ko ang isang matandalang lalaki. Napaatras na lang ako hanggang sa hindi ko na naramdamang ang kanang paa ko sa lupa. Nakalimutan kong isang hukay na puno ng basura ang naghihintay sa akin kapag bumagsak ako dun. Napapikit na lang ako at hinintay ang pagbagsak ko pero isang malamig na kamay ang dumampi sa braso ko at mabilis akong hinila pabalik. "Ayos ka lang ba iha?" tanong nang matandang lalaki na tumulong sa akin pero dahilan din kung bakit muntik na akong mahulog sa hukay na puros basura. "O-opo." sagot ko. "Pasensya ka na. Mukhang nagulat ata kita." paghingi ng paumanhin sa akin ng matanda. "A-ayos lang po." utal kong saad habang nakahawak pa rin sa dibdib ko na kasing lakas ng tambol ang pintig. Muntik na ko dun ah. Iniangat ko ang tingin sa matanda at nakita ko ang maamo n’yang mukha habang nakangiti sa akin. Parang pamilyar s'ya sa akin. "Kung hindi mo natatandaan ako yung matanda kahapon sa talon na kinawayan mo. Hahaha. Tawagin mo na lang akong lolo Alejandro." S'ya nga yun! Yung matandang bigla na lang nawala. "Ako po si Mion." "Napakagandang pangalan para sa napakagandang dalaga." papuri n’ya."Sa susunod na lang ulit Mion. Nandyan na ang mga kaibigan mo." Agad namang hinanap ng mga mata ko sina Joan at tama s'ya papunta na nga sila rito. Napalingon ulit ako kay lolo pero wala na ito sa kaninang kinatatayuan n’ya. Paano n'ya kaya nalamang kaibigan ko sina Joan? "Mion ,tara na!" sigaw ni Joan. Kasama n’ya si Monalisa at nakasalaming babae na ngayon ko lang nakita. "S'ya nga pala Mion. Meet Caroline bestfriend ko. Caroline meet Mion transfree." "Hi." walang emosyong bati ni Caroline sa akin. "Hi Caroline." "Carol na lang." tipid s’yang ngumiti saka ibinalik ang tingin sa hawak n’yang nobela. "Masanay ka na Mion. Ganyan talaga 'yan si Carol. Tahimik, snob at parang walang pakialam sa paligid pero mabait at matalino yan. Adik nga lang sa libro." pahayag ni Joan habang hinahampas ang balikat ni Carol. "Salamat sa papuri at sa hampas." walang emosyong sabi ni Carol nang hindi inaalis ang tingin n'ya sa binabasang libro. Nagbabasa s’ya habang naglalakad, hindi kaya s'ya mapatid n'yan? Habang naglalakad pauwi ay bigla kong naalala ang sinabi sa akin ng lalaki kahapon nangg muntikan ko nangg sundan ang babaing nakaitim papuntang sementeryo. "Ano nga palang meron sa sementeryo at pinagbabawal 'yon puntahan?" curious na tanong ko sa tatlo. Sabay-sabay napatigil ang tatlo sa paglalakad kaya napatigil din ako at kunot noo silang tinitigan dahil sa ekspresyon nilang may halong takot at pagkagulat. May nasabi ba kong masama? "B-bat mo naitanong?" may pag-aalangang tanong ni Joan.. "Muntik na kasi ako roon pumunta. Naligaw kasi ko kahapon habang papunta sa talon." paliwanag ko. "Ano?!" sigaw ni Joan at Mona habang si Carol ay napailing na lang habang hawak ang noo n'ya. "M-muntik na? Anong muntik na?" pagpa-panic na tanong ni Mona. "May kung sinong pumigil sa akin na dumiretso papuntang sementeryo." "Sino para mapasalamatan ko." tanong ni Joan. "Hindi ko s'ya kilala pero nakita kong classmate natin s'ya." "Ilarawan mo at huhulaan ko." curious na curious na taong ni Mona. "H-hindi ko nga kilala. Basta yung tahimik na lala----" Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko ng sabay ulit na sumigaw sina Mona at Joan. "Isaac!" sigaw nila habang nakatingin sa isa't isa bago magtarayan. Mag-bestfriend nga sila. "Paano naman kayo nakakasiguradong Isaac nga ang pangalan ng tinutukoy ko?" "Wag mo ng tanungin." saad ni Joan. "Mabuti na lang at hindi ka dumiretso." pabulong na dagdag n’ya pa. "Ano ba kasing meron dun?" pangungulit ko sa tatlo. Ang weird kasi ng mga ikinikilos nila. Parang napaka big deal para sa kanila ng ipinagbabawal na sementeryo na 'yon. "Sasagutin ko ang tanong mo," panimula ni Carol habang iniaayos ang pagkakasuot sa salamin n'ya."...kapag sinagot mo ang tanong ko." "Carol!" may pagbabantang tawag ni Joan sa kaibigan. "Virgin ka pa ba?" tanong ni Carol. "Oo o hindi lang Mion." dagdag pa n’ya. Bakit ba parang napakabig-deal sa kanila nang virginity ko? "Hindi porket taga-Capital ako ay hindi na ako virgin." inis kong sabi sa kanila. Ilang beses ng may nagtanong n'yan sa akin at hindi na nakakatuwa 'yon para sa akin. "Oo o Hindi?" tanong muli ni Carol. "Oo! Virgin pa ako." diretsong sagot ko. "Ohmyghad!" mangiyak-ngiyak na saad Mona at Joan na ipinagtaka ko. Bakit parang takot na takot sila? "Umuwi na tayo." pagyaya ni Joan. "Hindi n’yo pa sinasagot ang tanong." napapadyak na pahayag ko. "Malapit ng dumilim Mion. Bukas na lang namin sasagutin lahat ng tanong mo." nagsimula anng maglakad si Joan at sumunod na rin sa kanya si Mona. Naiwan kami ni Carol na nakatayo sa gitna ng kalsada at kapwang may malalim na iniisip. "Kung inaakala mong paraiso ang lugar na napuntahan mo ay dun ka nagkakamali." "A-anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ko kay Carol. "Tulad namin may curfew ka rin tama ba?" "Oo." "Kung ganun umuwi na tayo." *** "Mion mauna na ako. May panghapunan ka na d’yan kaya hindi mo na kailangan magluto.” pahayag ni ate rowella. "Sige 'te. Ingat." "Mag-lock ka ng pinto at bintana." bilin n’ya pa bago tulyang umalis ng bahay. Kung pwede lang sanang dito na lang tumira si ste Rowella edi sana ay may kasama at kakwentuhan ako sa bahay tuwing gabi. Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa dahil sa sobrang pagod. Pumasok na naman sa isip ko ang sinabi sa akin kanina ni Carol. 'Kung inaakala mong paraiso ang lugar na napuntahan mo ay nagkakamali ka.' Anong ibig n'yang sabihin sa mga pahayag n'yang yun? Isang malakas na kalabog na narinig ko sa pangalawang palapag ng bahay. Si Korin lang siguro 'yon, ang pusang itim ni lola kaya hindi na ako nagabalang tingnan pa ‘yon. Hihiga na sana ako sa sofa pero isa na namang kalabog ang marinig ko. Nagpasya akong umakyat pero napahinto ako sa kalagitnaan nang maaninag ang nakatalikod na babae sa dulo ng hagdan sa itaas. Nang ikurap ko ang mga mata ko ay nawala na lang bigla ang kaninang babae. Pagod lang siguro ako kaya kung ano-ano na ang nakikita ko. Oo! Tama! Imahinasyon ko lang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD