Chapter 3 - Darkside

1871 Words
[THIRD PERSON POV] Tanging ang lampara lang na nakapatong sa gitna ng malaking bilog na lamesa ang nagsisilbing liwanag sa madilim na silid kung saan nagtitipon-tipon para sa importanting pulong ang isang grupo suot ang kani-kanilang itim na talukbong. "Isang panibagong birhen ang kailangang ialay para sa nalalapit na pyesta ng Creston." panimula ng matandang babae nakilala rin bilang si Supremo na lider ng grupo. "Panibagong buhay na naman ng inosenting bata ang masasayang." seryosong pahayag ng isang babae. "Kung ayaw mong may panibagong mamatay bakit hindi ka magpresenta na ikaw na lang ang iaalay. Tsk." pagtataray ng babaing nasa harapan lamang nito sabay buga nang usok mula sa sigarilyong hinihithit nito. "Ginagawa natin ito para sa ikakabuti ng buong bayan pati na rin sa mga kapwa natin residente. Kaya anong ipinuputok ng butsi mo?" dagdag pa nang mataray na babae. "Hindi ba kayo nakokonsensya? Buhay ng mga inosenting kabataan ang pinag-uusapan natin dito!" depensa ng babae. "Isipin mo ang buhay ng mas nakararami at hindi ang buhay ng isa! Mas madami ang mamamatay at maghihirap kapag itinigil natin ang matagal nang nakasanayan at alam mo iyon bago ka pa sumali sa grupong ito!" asik ng Supremo. Tahimik lang na nakikinig ang iba pang miyembro sa nagaganap na debate sa loob ng silid. Ang pyesta ng bayang ng Creston Falls ay hindi pangkaraniwang pyesta na puro lamang kasiyahan at handaan dahil lingid sa kaalaman ng ilang mga residente lalo na ng mga kabataan ang nangyayaring karumaldumal at kahindik-hindik na sekretong daang taon nang itinatago at patuloy pa ring isinasagawa ng mg nakatatanda. Ito ang pagpatay at pag-aalay ng isang birhen kada taon. "Nasubukan mo na bang itigil kahit isang beses lang ang pag-aalay?" "Hindi." tipid na sagot ng Supremo. "Kung ganun ay bakit hindi natin subukang itigil sa nalalapit na pyesta ang pag-alay." "Isang eksperimento?" gulat na pahayag ng isang matandang lalaki. "Hangal ka!" sigaw naman ng isa pa. "Nahihibang ka na! Akala mo ba ay papayag si supremo na sakyan yang kahibangan mo?" tanong ng babaing may hithit na sigarilyo. "Tsk. Bakit? Alam n'yo na ba ang maaaring mangyari kapag itinigil ang pag-alay?" paghahamon ng dalaga. "Mamamatay ka!" Isang nakakapangilabot na sigaw ang umalingaw-ngaw sa buong silid na ikinagulat ng lahat maliban kay supremo. Mula sa madilim na bahagi ng silid ay isang pigura ng matandang lalaki ang dahang-dahang naglakad papalapit sa mesa. "At sino ka naman?" kunot noong tanong ng babae. "Sino ako? Hahaha! Hindi mo ako kilala pero kilala kita. Nasa tabi-tabi lang ako at pinagmamasdan ka. Gusto mong itigil ang pag-alay ng birhen bilang isang ekspiremento? Isa ka ngang baguhan binibini. Sabihin mo bakit ka sumali sa grupong ito?" "..." Hindi sumagot ang babae at nakipagtitigan lang sa matandang lalaki. "Alam mo ba ang maaaring kahinatnan ng bayang ito kapag ititinigil natin ang pag-aalay?" "Hindi. Pero bakit hindi nating subukan para malaman natin? Hindi 'yong aasa kayo sa kasaysayan ng bayang 'to. Matagal na panahon nang nangyari ang sakuna at katulad ng ilang sakuna ay may scientific explanation ang mga nangyari noong mga panahon na nabalot sa kadiliman ang bayang 'to. Hindi lang ito napag-aralan dahil wala pang kagamitan noon. Walang kinalaman ang pag-aalay ng birhen para matigil ang sinasabi n'yong problema na kakaharapin ng bayan kapag itinigil ang pag-aalay." matapang na paliwanag ng babae. "Nagkakamali ka. Kilala mo ba si Azazel binibini?" tanong ng matandang lalaki. "Oo. S'ya ang diyablong inaalayan ng kultong ito ng birhen." "Tumpak. At kung iniisip mo na hindi totoo ang mga diyablo pwes mag-isip ka. Nasa tabi-tabi lang si Azazel. Maaring nandito, nakikinig o di naman kaya'y nasa likuran mo lang at patalikod kang sakmalin ng walang kalaban-laban kaya mag-iingat ka binibini." May halong pananakot na pahayag ng matandang lalaki bago tuluyang umalis. *** [MION's POV] 'Imahinasyon mo lang iyon Mion. Walang multo rito.' - bulong ko sa isip ko. Ipinagpatuloy ko ang pag-akyat sa hagdan. Nang makarating ako sa dulo ay agad kong pinindot ang switch para buksan ang ilaw. "Korin." tawag ko sa pusa ni lola. *Meow* Mabilis kong sinundan ang ungol ng pusa at nakitang nakaupo ito sa harap ng pinto ng kwarto ko habang dinidilaan ang kanyang kamay. "Ano iyong mga kalabog na narinig ko kanina? Ikaw ah. Isusumbong talaga kita kay lola." pagbabanta ko na akala mo'y tao ang kausap ko. Hinimas-himas ko ang ulo nito saka s'ya binuhat. Aalis na sana ako nang makita ko sa gilid ng mga mata ko ang dahan-dahang pagbukas ng kwarto ko. Imposible namang hangin 'yon dahil wala namang bintana sa kwarto ko. Dahan-dahan akong tumayo karga si Korin at humarap sa kwarto ko. Mas lalo akong kinabahan ng bigla na lang bumukas ang ilaw ng kwarto at tumambad sa harap ko ang nakatalikod na babaing nakaitim. Pamilyar s'ya sa akin. S'ya ang babae na muntik ko nang sundan papuntang sementeryo. "S-Sino ka?" lakas-loob kong tanong sa babae kahit ang totoo ay naiihi na ako sa takot. "Tulong. Tulungan mo ko." garalgal na pahayag nito. "S-Sino ka?" paguulit na tanong ko. Dahan-dahan s'yang umikot paharap sa akin at nang tuluyan itong makaharap ay halos masuka ako dahil sa tumambad sa akin. Napaatras na lang ako dahil sa matinding takot. "T-Tulong. P-Parang-awa mo na." Pagmamakaawa n'ya sa akin. Nakita ko ang naaagnas na katawan ng babae. Nakalaylay ang kaliwa n'yang mata at may mga uod namang lumalabas sa kanang mata n'ya. Butas na ang pisngi nito at may kung anong malagkit na likido na umaagos sa pisngi n'ya. Napansin ko rin ang malaking hiwa sa leeg n'ya na inuuod na. "Ahhhhh!" *** Dahil sa nangyari kagabi ay magdamag akong hindi nakatulog. Hindi ko makakalimutan ang itsura ng babaing nakita ko. Iyon ang unang beses na nakakita ako ng multo...o zombie? Nakakatakot, nakakadiri at nakakapangilabot! Maaga akong pumasok sa school para doon bumawi ng tulog. Maga-alas sais palang ng umaga kaya pagpasok ko ng room ay wala pang mga estudyante. Iyuyuko ko na sana ang ulo ko para isandal iyon sa mesa nang may bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Isaac? Nang magtama ang mga mata namin ay kaagad n'ya ring binawi ang tingin sa akin bago maglakad papunta sa kanyang pwesto. Hindi ko akalaing maaga rin s'yang pumapasok. 'Tulong. Parang-awa mo na. Tulungan mo ako.' Naramdaman ko ang pagyugyog nang balikat ko kaya dahan-dahan akong napaangat nang tingin para tingnan kung sinong istorbo ang gumigising sa akin ngunit nagsisisi ako nang makita ang bumulaga sa harap ko. "Ahhhh!" sigaw ko nang makita ang naaagnas na mukha nang babae. Dahil sa ginawa kong pagatras ay bumagsak rin ang pwetan ko sa sahig. "Mion." chorus na tawag sa akin nina Jona at Mona habang nagpipigil naman ng tawa si Ronald na nasa likuran nila. "Aray." daing ko habang hinihimas ang balakang ko. Tinulungan nila akong tumayo pero parang gusto ko gumapang papunta sa ilalim ng lamesa ko dahil sa atensyong nakuha ko mula sa mga kaklase ko. Ang iba ay lihim na tumatawa habang ang iba ay bulgaran na. Nakakahiya! "Ikaw kasi ba't ka ba sumigaw bigla? Nakakagulat ka." sabi ni Joan. "Ayos ka rin Mion. Kung nakita mo sana lang ang mukha mo kanina. Bwahaha. Ang epic!" tawang-tawang pahayag ni Ronald habang nakahawak sa tiyan n'ya. Nakita kong palihim s'yang hinampas ni Joan sa balikat kaya natigil s'ya at awkward akong nginitian. "Sorry." "Mukhang puyat na puyat ka Mion." puna ni Mona. "Oo. Teka, magbabanyo lang ako." paalam ko bago maglakad palabas ng room. Ang babaing 'yon. Nagpakita na naman s'ya sa akin. Pagpasok ko sa banyo ay dumiretso sa sink at naghilamos. Hanggang ngayon ay ang lakas pa rin nang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba at takot sa tuwing naaalala ko ang mukha ng babae na nakita ko. Para akong aatakihin sa puso kahit wala naman akong sakit. Napahawak ako sa dibdib bago bumuga at huminga nang malalim para pakalmahin ang dibdib ko. 'Tulungan mo ko. Parang-awa mo na." Ayan na naman s'ya! Dahan-dahan akong napaangat ng tingin mula sa malaking salaming kaharap ko. Kitang-kita ko ang babaing nakaitim habang nakatayo sa likuran ko. Ang dating naaagnas n'yang katawan ay nagkaroon na ng laman at maputlang kulay ng balat. Nahaharangan ang kanang bahagi ng mukha n'ya nang mahahaba n'yang buhok habang makikita sa kaliwa nitong mata ang matinding lungkot. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko habang nakaharap sa salamin dahil sa matinding takot. Kitang-kita ko ang dahan-dahan n'yang pag-angat ng isa n'yang kamay hanggang sa tuluyan n'ya na itong naipatong sa balikat ko. Gusto kong sumigaw pero bigla na lang umurong ang dila ko. Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw ang mga paa ako. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko habang pilit na nilalabanan ang takot ko mula sa babae. "T-Tigilan mo na ko." nanginginig ang mga labing sambit ko. 'Tulong.' "Wala akong maitutulong sayo!" sigaw ko 'Hindiii!' Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ng babae. Kitang-kita ko ang unti-unting pagkabasag ng salamin sa harap ko kaya mabilis akong napaatras bago proteksyunan ang sarili ko gamit ang mga braso ko. Ramdam ko ang pagbaon ng mga basag na salamin sa laman ko at pagtama nito sa akin bago tuluyang sumikip ang paghinga ko at kainin ako ng dilim. *** Naalimpungatan ako dahil sa naririnig kong ingay sa paligid ko. "Wag kayong maingay baka magising si Mion." narinig kong saway ni Ronald. "Kung sinamahan mo sana si Mion magbanyo hindi sana 'to mangyayari sa kanya." "Utak monay ka talagang monay ka! Paano ko naging kasalanan? Gagang 'to!" "Aba't! Mas gaga ka!" "Ssshhh. Ang ingay." iritabling suway ko sa kanila bago maupo sa kamang kinahihigaan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa clinic ako ngayon. "Wahhh. Mion!" sabay-sabay nilang sigaw. "Kamusta ang nakiramdam mo?" Puno nang pag-aalalaang tanong ni Joan. "Masakit pa ba ang mga sugat mo?" tanong naman ni Mona. "Anong nangyari kanina sa CR? Share na yan!" saad naman ni Ronald kaya kaagad s'yang nakatanggap nang malakas na batok galing sa girlfriend n'ya. "Aray labs! Chaket nun." nakangusong reklamo ni Ronald. Akala ko ay susungitan s'ya ni Joan pero nagulat ako nang halikan n'ya ito sa labi. "Wala kayo sa motel kaya umayos nga kayong dalawa! Nakakadiri!" sigaw ni Mona na puno ng kabitter-an sa katawan. "Tinawagan na ng school ang lola mo pero baka si ate Rowella ang sumundo sa'yo rito. Maya-maya lang ay darating na 'yon." pahayag ni Ronald. "Under investigation na rin ang nangyari sa'yo sa comfort room. Grabe 'yong nangyari sayo Mion. Buti na lang napadaan si Isaac sa hallway sa may bandang banyo kaya mabilis ka n'yang nadala rito sa clinic at napagamot." kwento ni Joan. "Si Isaac?" "Yup." saad naman ni Mona. Sabay-sabay kaming napalingon sa may pinto dahil sa bigla nitong pagbukas. "Hi." bored na bati sa amin ni Carol. "Nabalitaan ko ang nangyari kay Mion kaya dumaan na ako rito. Nagdala rin ako ng pagkain." "Salamat Carol. Nag-abala ka pa." "Wow! Pagkain! Tamang-tama gutom na ako. Hahaha." Akmang susunggaban na sana ni Ronald ang pagkain nang mabilis itong iiwas sa kanya ni Carol. "Sinabi ko bang sayo 'to? Para lang 'to kay Mion." walang kaemo-emosyong pahayag ni Carol. Napuno ng tawanan ang clinic pero lingid sa kaalaman nila ang takot na patuloy akong binabagabag. Sino ba ang babaing nakaitim na umatake sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD