Dahil sa nangyaring aksidente kahapon ay hindi na muna ako pumasok sa school ngayon. Hindi ko akalaing makakaranas ako ng pambubully mula sa isang multo. Kaunti lang ang sugat na natamo ng mukha ko na kabaliktaran naman sa mga braso ko na tinadtad nang malalaking hiwa dahil sa pagbaon ng mga basag na salamin.
"Opps! Ano sa tingin mong ginagawa mo?" makapamewang na tanong ni Ate Rowella.
"Magluluto ako nang pananghalian." sagot ko sa kanya.
"Ako na d'yan. Bumalik ka na lang sa kwarto mo at magpahinga." Napanguso ako dahil sa pagtataboy n'ya sa akin. Hindi naman ako baldado para walang gawin.
"Ang boring sa kwarto. Papanoorin na lang kita kung ayaw mong tumulong ako."
"Ano ako artista? Haist. Sige na nga. Basta 'wag kang malikot d'yan dahil kapag bumuka ulit 'yang mga sugat mo ay ako mismo ang magtatahi d'yan." pagbabanta n'ya sa akin na ikinatawa ko na lang.
"Oo na po." matatawang pagsang-ayon ko kay ate Rowella.
Mas lalo lang tuloy nadagdagan ang mga tanong ko sa isip ko. Kailangan ko pang hintaying dumating ang lunes para matanong ko sina Joan, Mona at Carol.
Anong meron sa sementeryo at ipinagbabawal pumunta roon? Bukod sa mga puntod at bangkay na nandoon ay ano pa ang meron dun para higpitan nila ang lugar na 'yon? Isa pa, ba't parang sobrang big deal para sa kanila ng viginity ko? Tsk. At higit sa lahat ay sino ang babaing nakaitim na nagpapakita sa'kin? Anong klasing tulong ba ang kailangan n'ya?
"Ang seryoso natin 'ah. Iniisip mo parin ba ang nangyari sa'yo kahapon? Hmmm. Ano nga ba talagang nangyari?"
"Maniniwala ka ba ate kapag sinabi kong multo ang may gawa ng aksidente kahapon?" tanong ko kay ate Rowella na mabilis na ikinangiwi ng mukha nito. Ito na nga bang sinasabi ko. Imposibling may maniwala sa akin.
"Multo? Sinasabi mo bang inatake ka kahapon ng multo kaya ka sugatan ngayon?"
"Iyon na nga. Nakuha mo!"
"Bwahahahaha!" Humagalpak s'ya nang tawa habang napapahampas pa sa tiyan n'ya. Magkapatid nga sila ni Ronald. Kahit ang paghampas sa tiyan habang tumatawa ay mannerism na nila. Halos makita ko na pati ang ngalangala n'ya dahil sa pagbuka ng bibig n'ya kakatawa.
"S-sorry. Ikaw naman kasi. Joker ka pala."
"Ha-ha-ha!" usal ko na lang. Sabagay, sino nga namang maniniwala na isang multo ang gumawa nito sa akin. Napaka-imposible nga kung papakinggan.
"Ano ba kasi talaga ang nangyari?" ulit na tanong ni ate Rowella. "Mabuti na lang nandoon si Isaac at mabilis kang nadala sa clinic. Ang batang 'yon hindi pa rin nagbabago. Mabait at matulungin pa rin kahit wala sa itsura. Hahaha!"
"Kilala mo ba si Isaac?"
"Aba'y oo. Hindi ba nabanggit sa'yo ni Ronald?"
"Ang alin po?" tanong ko. 'Ni minsan ay wala akong narinig kay Ronald patungkol kay Isaac.
"Magkababata at matalik na magkaibigan ang dalawang 'yon. Magkapatid na nga ang turing nila sa isa't isa."
"Talaga? Kapag nasa room kasi kami parang hindi nila kilala ang isa't isa."
"Matalik silang magkakaibigan noon. Hindi mapaghiwalay ang dalawang 'yon noon pero nang magbinata sila ay doon na nag-iba ang pakikitungo nila sa isa't isa. Alam mo naman ang mga kabataang tulad n'yo marupok pagdating sa pag-ibig. Parehas na in love si Ronald at Isaac kay Samantha. Pareho silang nangligaw pero sa huli ay si Isaac ang pinili ni Samantha. Mabilis 'yon natanggap ni Ronald. Naging masaya ang kapatid ko para sa dalawa. Nakilala n'ya si Joan at naging masaya s'ya sa piling ng nobya n'ya ngayon pero,"
"Pero?"
"Last year. Kinaumagahan ng pyesta ng Creston ay natagpuan ang katawan ni Samantha na wala nang buhay."
"Anong nangyari kay Samantha?"
"Walang-awa s'yang pinatay at alam mo ba ang mas masakit? Natagpuang wala ng ulo ang dalaga at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakikita. Sinisi ni Ronald si Isaac sa pagkamatay ni Samantha pero sigurado akong dala lang ng lungkot at galit iyon para saktan n'ya si Isaac. Hanggang ngayon ay sigurado akong sinisisi pa rin ni Isaac ang sarili n'ya sa pagkawala ng kaisa-isang babaing minahal n'ya." Malungkot na kwento ni ate Rowella. Wala pang isang taon nang mamatay si Samantha kaya sariwa pa para sa kanila ang pagkawala nito.
"Kumain kana Mion. Luto na 'tong adobong manok mo."
"Sige po."
"Wag mo muna sanang banggitin ang tungkol kay Samantha." tumango na lang ako bilang pagpayag sa hiling n'ya. Isa pa, wala akong karapatang buksan ang ganung usapan kina Ronald at Joan.
***
Madaling araw ng linggo nang magising ako dahil sa malakas na iyak ng babae sa loob mismo ng kwarto ko. Matapos ang aksidenting nangyari sa akin sa eskwelahan ay hindi na ulit nagpakita sa akin ang babae pero lagi ko naman s'yang naririnig kung saan-saan lalo na kapag madaling araw mga alas-tres ng umaga. Umiiyak s'ya kung minsan, nagmamakaawa at humihingi ng tulong.
Hindi ko s'ya pinapansin bagkus ay kunwari'y natutulog pa rin ako.
Pero hanggang kaylan ko 'to matatagalan?
Dahil sa ginawa n'yang papanakit sa'kin sa banyo ay mas lalo n'ya lang akong tinakot.
"Ate Rowella magsisimba lang po ako. Saan nga po pala ang simbahan dito?" tanong ko kay ate Rowella na napatigil sa ginagawa n'yang paglilinis.
"Walang simbahan dito Mion pero may maliit na chapel dito. Pwede ka magdasal doon. Gusto mo bang gawan kita ng mapa? Baka maligaw ka." Naalala ko bigla ang ginawa n'yang mapa sa akin dati papuntang Crystal Fall.
"Huwag na ate Rowella. Magtatanong-tanong na lang ako. He-he."
"Sige. Ingat ka."
***
"Ito na ba 'yon." bulong na tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa maliit at lumang chapel na nasa harapan ko. Para lang itong maliit na bahay na gawa sa kahoy. Napakaluma na nito at parang ang tagal nang hindi nalilinisan. Ang hahaba na ng mga damu sa labas habang makikita rito sa kinatatayuan ko ang maalikabok na loob nito. Pagpasok ko ay nakita ko ang isang ginang na nakasuot ang puting bestida at puting belo habang nakaupo at tahimik na nagdarasal kaharap ang kahoy na cross.
Naupo ako sa tabi ng babae at tahimik na nagdasal. Itong mahabang upuan na lang kasi sa unahan ang maayos tingnan dahil sira-sira na ang ibang upuang gawa sa kahoy sa likuran. Mayamaya ay natapos na rin ako sa pagdarasal. Umayos ako ng upo saka pinagmasdan muli ang loob ng chapel.
"Pasensya ka na rito iha. Napakadumi at sira-sira na. Ang tagal na kasi nitong hindi naasikaso." sabi ng katabi kong ginang.
Siguro ay kaedad n'ya lang si mama. "Ayos lang po."
"Hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako si Isabelle pero Tita Ysay na lang para bagets pakinggan. Haha."
"Ako naman po si Mion."
"Nice to meet you Mion. Alam mo bang gusto ko sanang linisin itong chapel kaya lang hindi ko naman kaya ng mag-isa lang gawin ang pagsasaayos dito. Ang dami kasing kailangang ayusin at linisin. Hindi kaya ng powers ko ng mag-isa."
"Pwede po akong tumulong." presenta ko.
"Talaga? Sige. Isali na rin natin ang anak ko. Hahaha."
"May anak po kayo?"
"Oo. Kasing edad mo lang siguro s'ya." Siguro ay ganito rin ka lively ang anak n'ya. Masayahin gaya ni tita Ysay.
"Gusto mo bang magmeryenda sa bahay? Pag-usapan natin ang mga planong gagawin dito sa chapel at ipapakilala na rin kita sa anak ko."
"Sigurado po kayo? Baka po makaistorbo lang po ako."
"Aba'y welcome na welcome ka na ngayon palang sa bahay ko. Halika na." Sabay hatak sa akin ni tita palabas ng chapel.
***
"Ano nga palang nangyari sa mga braso mo Mion? Bakit puro 'yan benda?" puno nang pagtatakang tanong ni tita habang hawak ang kaliwa kong braso at maingat itong hinahaplos. "Masakit ba?" dagdag na tanong n'ya pa.
"Hindi na po s'ya ganun kasakit."
"Mag-iingat ka na sa susunod."
"Hmm. Opo." nakangiting tugin ko.
"Oh nandito na pala tayo. Welcome sa munti kong bahay." maligalig na pahayag nito kaya napangiti na lang. Napakagaan kasama ni tita Ysay. Kakakilala ko pa lang sa kanya pero feeling ko bestfriend na kami matagal na.
Simpling bahay lang ito kagaya ng bahay ni lola. "Salamat po." Sumunod na ako kay Tita Ysay papasok sa loob. Nang tuluyang makapasok ay halos manigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa bumungad sa akin. Hindi dahil kay Isaac na kaharap ko ngayon kundi dahil sa aninong nakatayo sa likuran n'ya. Kitang-kita ko kung paano nito dahan-dahang hinaplos ang kaliwang balikat ni Isaac.
"Mion." tawag sa akin ni tita Ysay kaya mabilis akong napalingon sa kanya. "May problema ba iha?"
"W-wala po." pagsisinungaling ko bago ibalik ang tingin kay Isaac. Wala na ang kaninang anino.
"S'ya nga pala. Si Isaac, anak ko. Anak meet Mion."
Tumango lang ako at tipid na ngumiti kay Isaac. Tulad ng dati ay wala pa ring pinakitang ekspresyon ang mukha n'ya. Blanko pa rin.
"Halika rito Mion. Maupo ka muna. Hahandaan lang kita ng makakain." pagyaya ni tita bago tuluyang pumasok ng kusina at iwan kaming ni Isaac sa salas.
***
"S-salamat nga pala," pagbasag ko sa katahimikang pumapagitna sa aming dalawa ni Isaac. "Dahil sa'yo naagapan kaagad gamutin ang mga sugat ko."
"Narinig kitang may kausap sa loob ng banyo pero pagpasok ko ay wala naman akong nakitang ibang tao sa loob. Sino ang kausap mo ng araw na 'yon sa loob ng banyo?" seryosong tanong n'ya. Napalunok na lang ako ng laway at mahigpit na napahawak sa bag na nasa hita ko.
"K-kausap ko lang ang sarili ko ng mga oras na 'yon." pagsisinungaling ko. Mas lalong sumama ang tingin n'ya sa akin at mukhang hindi s'ya kombinsido sa mga sinabi ko. Hindi talaga ako magaling pagdating sa pagsisinungaling.
"Narinig ko ang malakas at matinis na sigaw ng isang babae sa loob ng banyo."
N-Narinig n'ya? Kung gagawa pa ako ng palusot ay mas lalo n'ya lang akong paghihinalaan.
"Manini---" Naputol ako dahil sa pagdating ni tita Ysay.
"Aba! Mukhang close na agad kayo ah." Pabirong sabi ni tita bitbit ang isang tray na may lamang mga pagkain at inumin.
"Sa Creston High ka rin ba nag-aaral Mion?" tanong ni tita Ysay habang inilalapag sa center table ang mga pagkain
"Opo. Sa totoo nga n'yan ay magkaklase po kami ni Isaac."
"Talaga? Mabuti naman kung ganun. Kamusta naman ang anak ko sa loob ng klase?" tanong ni tita.
Ang hirap naman ng tanong n'ya parang mas mahirap pa sa pag-solve ng pinakaayaw kong equation sa math.
"Ma." saway ni Isaac kay tita Ysay.
"Oo na. Hahaha. Alam ko na rin naman ang sasabihin ni Mion. Naku! Kilang-kilala na kita anak."
Ang layo ng ugali ni tita kay Isaac. Mag-ina ba talaga sila?
"Lalabas muna ako." paalam ni Isaac kaya naiwan kami ni tita sa loob.
"Hay naku! Ang batang 'yon talaga." Napabuntong hiningang pahagay ni tita Ysay bago ibalik sa akin ang tingin. "Hindi naman 'yan ganyan dati si Isaac. Totoong snob at cold 'yang anak ko pero hindi ganito kalala.Mion, pwede ba ako humingi ng pabor sa'yo?"
"Yong kaya ko lang po ah."
"Hahaha. Buo ang tiwala kong sisiw lang 'to sa'yo."
"Ano po ba 'yon?" tanong ko.
"Pupwede ka bang maging kaibigan ng anak ko?" Nakita ko ang biglang paglungkot ng mga mata n'ya habang hawak na ang dalawa kong mga kamay.
***
"Aalis na po ako tita." paalam ko.
"Hay naku. Saan naman kaya nagpunta si Isaac. Ipapahatid sana kita."
"Ayos lang po tita. Kaya ko naman 'e." Mahigpit akong yinakap ni tita Ysay kaya lihim akong napangiti. Ang sweet-sweet n'ya talaga. Siguro kapag nagkakilala sila ni mama ay siguradong magkakasundo silang dalawa.
"Maraming salamat Mion." bulong ni tita sa akin. "Salamat sa hindi pagtanggi. Hehe. Kapag sinungitan ka ng anak ko sa eskwelahan ay isumbong mo lang s'ya sa akin. Ako na ang bahala."
Nakakatuwa talaga si tita Ysay. Hindi s'ya katulad ng ibang matanda na awkward kasama.
Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Isaac sa tabi ko. Muntik na malaglag ang puso ka sa kanya. Lintik!
Diretso lang s'yang nakatingin sa daan habang nakalagay ang dalawang kamay n'ya sa bulsa ng hoody jacket n'ya.
"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko."
"Y-Yong narinig mong babaing kausap ko at sumigaw, kausap ko lang s'ya sa kabilang linya." palusot ko.
"Linuloko mo ba ko?" Bakas ang pagkainis sa boses n'ya kaya naman napalunok na naman ako ng laway.
Waahhh! Baka masapak n'ya ako nito nang wala sa oras.
"Sabi mo kanina kausap mo lang ang sarili mo tapos ngayon naman ay may kausap ka na sa kabilang linya? Anong sunod mong idadahilan?"
Aish! Oo nga pala! Nakalimutan kong nagsinungaling na pala ako sa kanya kanina. Ang tanga mo talaga Mion!
Bakit kaya interesado s'yang malaman ang nangyari sa akin sa loob ng banyo?
Ang mga ginawa kong palusot, mas kapani-paniwala pa 'yong pakinggan kesa sa totoong nangyari sa akin sa loob ng banyo.
Multo?
L*che! Multo ang umatake sa akin. Kung alam mo lang!
"Sinabi ko na sayo, kausap ko lang ang kaibigan ko sa kabilang linya. Alangan namang sabihin kong m-multo ang kausap ko. Ha-ha. "
"Bakit? Hindi ba?"
"Syempre hindi!" pagsisinungaling ko ulit. Bawas na bawas na ang points ko sa langit dahil sa dami nang kasinungaling lumalabas sa bibig ko ngayon.
"Tss." usal n'ya bago s'ya lumiko ng daan papalayo sa akin.
Mas nakakastress s'ya kesa doon sa multo!