[ISAAC's POV] "Oh 'Bat hindi ka pa naka-uniform 'nak? Anong oras na. Baka malate ka n'yan sa eskwela." Sabi ni mama. "Hindi po ako papasok. Masama pa rin kasi ang pakiramdam ko." Palusot ko pero heto ako at bihis na bihis para sa lakad ko. "E saan ang punta mo? Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?" "May bibilhin lang." Panibagong kasinungalingan na naman. Dire-diretso akong lumabas ng bahay ng hindi na hinintay ang susunod pang sasabihin ni mama. Plano kong bisitahin ang puntod ni Samantha. Matagal-tagal na rin ng huli ko s'yang na bisita. Inakala ko noon na si Samantha ang nagpaparamdam kay Mion kaya ginawa ko ang lahat para mapaamin s'ya. Pero kahapon ay nalaman ko mismo na hindi si Samantha ang multo kundi si tita Sandra. Tatlong taong gulang ako 'nun ng mamatay si Tita Sandra na k

