[MION's POV] "Mion. Mabuti at napadalaw ka." masayang bungad sa akin ni tita Ysay saka n'ya ako mahigpit na yinakap at binisuhan. "Hi Tita." bati ko. "Halika. Pasok ka. Napadalaw ka?" "G-Gusto ko po sanang makausap si Isaac. Nandito po ba s'ya? Wala po kasi s'ya kanina sa klase." Matapos ang mga nangyari ng tanghaling 'yon sa pagitan namin ni Isaac ay hindi na ako napakali. 'Ni hindi ako makapag-concentrate kanina sa klase kakaisip sa mga sinabi n'ya. Hindi ko nagustuhan ang ginawa n'ya. Hindi ko alam kong pinagbabantaan n'ya ba ako o wina-warning-an kaya pumunta mismo ako dito sa kanila dahil kating-kati na akong nalaman ang ibig n'yang sabihin sa mga sinabi n'ya. "Nasa kwarto s'ya at nagpapahinga. Masama kasi ang pakiramdam n'ya kaya maagang umuwi." "Ganun po ba. Babalik na lang p

