Chapter 7 - Samantha

1879 Words
[ISAAC's POV] "Isaac? 1:30 palang. Bakit ang aga mo naman atang umuwi ngayon." pahayag ni mama nang makita n'ya akong pumasok ng bahay. "Masama po ang pakiramdaman ko." pagdadahilan ko saka dire-diretso naglakad patungong kwarto. Hindi iyon ang totoong dahilan. Wala lang talaga akong ganang pumasok kaya umuwi na lang ako. "Ayos ka lang ba anak? Gusto mo bang dalhan kita ng makakain? Gamot?" sunod-sunod na tanong ni mama. "Matutulog na lang po muna ako." sagot ko bago isara ang pinto ng kwarto ko at ini-lock iyon. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at napahugot ng malalim na hininga habang nakatitig sa kisame. Mula sa bulsa ko ay kinuha ko ang singsing na dapat sana ay ibibigay ko kay Samantha para sa kaarawan n'ya ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko na ito naibigay pa sa kanya. Namatay s'ya bago pa man dumating ang kaarawan n'ya. Kung hindi ko sana s'ya iniwan ng gabing iyon ay sana buhay pa s'ya hanggang ngayon. Kung hindi ko sana inuna ang galit ko sa kanya at pinakinggan s'ya ay sana'y kasama ko pa s'ya. Napakuyom na lang ako ng kamao habang binabalikan ang mga alaala ko kasama si Samantha hanggang sa araw na iwan n'ya ako. I missed her. I missed her so much. "Hoy! Ba't mo ako iniwan sa room. Bwisit ka nandito ka lang pala." Bakas ang pagtatampo sa boses ni Samantha. Mahina n'ya akong hinampas sa braso bago maupo sa tabi ko. Hindi ko s'ya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagmumuni-muni ko habang hinihintay ang susunod kong klase . "Teka. Galit ka ba sa akin?" nakangusong tanong ni Samantha. "Ba't naman ako magagalit sayo?" balik kong tanong sa kanya. "K-Kasi nililigawan ako ni Ronald." She's right. Iniiwasan ko s'ya dahil sa pangliligaw sa kanya ni Ronald. Magkababata kaming tatlo at itinuring na namin ang isa't isa na para kapatid pero ngayong may sarili na kaming mga pag-iisip ay bigla ko na lang napagtanto na hindi lang pala kapatid ang turing ko kay Samantha. Mas higit pa pala dun. Pero kagaya ko ay may nararamdaman din si Ronald kay Samantha. Parehas silang importante sa'a buhay ko at ayaw kong masira ang relasyon naming tatlo dahil dito sa pesting nararamdaman ko. "Isaac." tawag ni Samantha sa pangalan ko habang seryosong nakatingin sa kawalan. "Paano kung sabihin kong m-mahal kita?" unti-unting nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya. hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong n'ya. Ayokong magkamali. Ayokong may masaktang iba kapag sinagot ko s'ya base sa totoo kong nararamdaman para sa kanya. "Hin----" Naputol ang sanang sasabihin ko nang yakapin ako ni Samantha. "M-Mahal ko si Ronald pero bilang isang kapatid lang at natatakot akong sabihin 'yon sa kanya. Ikaw ang mahal ko Isaac." "R-Ronald." usal ko nang mahagip ng mga mata ko ang pigura ng lalaki hindi kalayuan sa pwesto namin. Masama ang tingin sa amin ni Ronald habang magkayakap kami ni Samantha. Mabilis s'yang naglakad palayo pero akmang susundan ko na sana s'ya ng pigilan ako no Samantha. "Ako na ang kakausap sa kanya." Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya. Sinundak ko s'ya ng tingin bago s'ya ruluyang mawala sa paningin ko. Mahigit isang linggo akong hindi kinausap at pinansin ni Ronald pero sa huli ay naging maayos din ang lahat. Dalawang suntok pa nga sa magkabilang pisngi ang natanggap ko mula sa kanya nang magkaharap ulit kami. "Usapang matino pre. Alagaan mo 'yang si Samantha dahil kung hindi ay ako mismong bubugbog sayo hanggang sa mabaog ka." pagbabanta ni Ronald na ikinatawa naming pareho ni Samantha. Five months kaming masayang magkarelasyon ni Samantha pero bigla na lang iyon nagbago dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayari na sumubok sa pagiibigan naming dalawa. Isang buwan bago ang pyesta ng Creston ay napansin namin ang mga kakaibang ikinikilos ni Samantha. Lagi s'yang tulala, malalim ang iniisip at kung minsan ay may kinakausap na hindi namin nakikita. Minsan nga ay bigla na lang s'yang iiyak nang walang dahilan. Dumating pa ang ilang araw ay nakita namin ang unti-unting pangangayayat ng katawan nito. Parang laging kulang sa tulog dahil paglubog ng mata n'ya at pamumutla. "H-Hindi mo ba talaga s'ya nakikita?" tanong ni Samantha sa'kin habang nakatitig sa isang direksyon. "H-Hindi." kunot noong sagot ko sa kanya. Kung titingnan si Samantha ay iisiping parang nababaliw na ito. Halata 'yon sa mga ikinikilos n'ya pati na rin sa kanyang pagsasalita pero kahit kailan ay hindi ko susukuan si Samantha. Gagawin ko ang lahat para maibalik s'ya sa dating masayang buhay nito. "Ano bang nangyayari sa'yo Sam?" tanong ko habang hawak ang magkabila n'yang pisngi. "Samantha!" yawag ko sa kanya. Dahan-dahan n'yang inilipat ang tingin sa'kin hanggang sa bigla na lamang s'yang mapahagulgol. Yinakap ko s'ya nang mahigpit. Hindi ako sanay na makita s'yang ganito kahina. Nasaan na ang masayahin at palaban na babaing minahal ko? Anong nangyayari sa kanya? Nasaan na ang Samantha ko? "Sshhh. Ano ba talagang problema?" Nanginginig ang boses kong tanong sa kanya. Sinuklay ko ang mahaba n'yang buhok gamit ang mga daliri ko habang inaalo ito. Kahit si Miss Leonora ay hindi na rin alam ang nangyayari sa kapatid n'ya. Napakalaki ng ipinagbago ni Samantha. "H-Hindi n'ya ako titigilan Isaac. N-Natatakot ako." aniya nito. Ramdam ko ang panginginig ng buo n'yang katawan at alam kong dahil iyon sa sobrang takot. "S-Sino s'ya? Sabihin mo sa akin kung sinong tinutukoy mo Samantha." Pero bigla na lang s'yang hinimatay sa mga bisig ko bago pa mam n'ya masagot ang tanong ko. *** "Kamusta ang lagay ni Samantha?" tanong ko kay Miss Leonora na kakalabas lang ng kwarto ni Samantha. "Kailangan n'ya lang nang mahabang pahinga. Hayaan muna natin s'ya." Marahas akong napasuklay sa buhok ko gamit ang mga daliri ko dahil sa pag-alala at pagkadismaya. May mali na talaga sa mga ikinikilos ni Samantha at kailangan na namin 'yong maaksyunan. Naupo sa single couch sa harap ko si Miss Leonora at inilapag sa center table ang isang baso ng tubig. "Uminom ka muna. Salamat sa paghatid sa kapatid ko." Tumango lang ako. Hindi ko alam ang dapat na sabihin. Ang daming gumugulo sa utak ko lalo na sa huling sinabi ni Samantha bago s'ya mawalan ng malay. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa kapatid ko. Habang tumatagal ay mas lalo lang s'yang lumala." mangiyak-ngiyak na pahayag ni Miss Leonora. "Bago mamatay ang mga magulang namin ay ipinangako ko mismo sa puntod nila na babantayan at puprotektahan ko si Samantha pero sa nangyayari ngayon ay parang napakawalang kwenta kong kapatid. 'Ni wala akong magawa para sa kanya pero paano ko s'ya matutulungan kung hundi n'ya sasabihin sa'kin ang problema?" "Ikaw ang lagi n'yang kasama sa school Isaac. May nabanggit ba s'yang problema sayo?" "Wala." Ayoko munang banggitin sa kanya ang sinabi sa akin ni Samantha dahil kung papakinggan at iisiping mabuti ang mga sinabi n'ya... 'H-Hindi mo ba talaga s'ya nakikita?' 'H-Hindi n'ya ako titigilan, Isaac.N-Natatakot ako.' Hindi ko gusto ang tumatakbo sa isip ko. Imposible. Napakaimposible! "Isaac. May sinabi sa'yo ang kapatid. Halata sa ikinikilos mo. Please sabihin mo sa akin para matulungan ko s'ya." "Alam kong parang napakaimposible pero maaaring may nakikita s'yang hindi natin nakikita." "Multo? M-Maligno?" kunot noong tanong ni Ms. Leonora sa akin. "Hindi ako sigurado." Sa totoo lang ay hindi ako naniniwala sa multo o maligno pero sa nga nangyayari ngayon...malapit na. "Bukod sa iniisip na nang iba na nababaliw na ang kaptid ko ay iniisip din ng ilan na maaaring may nakikita nga ang kapatid ko na hindi kayang makita ng normal na nga mata." pahayag ni Miss Leonora. Matapos ang naging usapan namin ni Miss Leonora ay mas lalo naming binantayan ang bawat kilos ni Samantha. *** "Iniinom mo ba ang gamot mo?" tanong ko kay Samantha. Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad pauwi. Hatid-sunod ang ginagawa ko sa kanya para siguraduhin na ligtas s'yang makakauwi sa kanila. "Oo." tipid n'yang sagot sa akin ."Isaac. Nagiging pabigat na ba ako sayo?" "Kahit kailan ay hindi ka naging pabigat sa akin." tugon ko saka ko mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay n'ya. "Susunduin kita bukas ng ala-sais ng gabi. Sabay tayong manunuod ng pyesta." nakangiting sabi ko sa kanya saka s'ya yinakap at hinalikan sa noo bago papasukin sa loob gn bahay n'ya. "Hihintayin kita." nakangiting tugon nito. Pyesta ng Creston Ipinagdiriwang ang kasiyahan ng pyesta kapag sumapit na ang ala-sais ng gabi. Lahat ng residente ay nasa Crystal Fall para doon magsaya. May sayawan, kantahan at palaro sa palibot ng talon na talaga namang ikinai-enjoy nang lahay ng mga residente sa bayan. "Hi!" nakangiting bati sa akin ni Samantha. "Ready?" tanong ko sa kanya habang hawak nang mahigpit ang kanyang kamay. Nagsimula ang gabi namin nang maayos at masaya. Sa gabing 'to nakita ko ulit ang dating Samantha na minahal ko. Ito ang unang beses na kasama ko s'ya sa pyesta ng Creston at sisiguraduhin kong s'ya ulit ang nakakasama ko sa susunod. Hindi ko na papakawalan pa ang babaing 'to. I love her so much. Hindi ko makakaya kapag nawala s'ya sa akin. God knew how much she mean to me. Lumalim na ang gabi. Naupo kaming dalawa habang pinapanood ang mga tao na nagkakasiyahan. "Nag-enjoy ka ba?" tanong ko sa kanya pero nakita ko kung paano nawala ang ngiti sa labi n'ya saka s'ya seryosong tumitig sa mga mata ko. "Isaac. Luluwas na kami ni Ate ng capital bukas. D-Doon ko na rin tatapusin pag-aaral ko." nanginginig ang mga labi n'yang pagamin sa akin. Bukas? "S-Samantha." madiin kong sambit sa pangalan n'ya. "S-Sorry pero 'yon lang ang nakikita kong solusyon sa mga nagyayari ngayon sa'kin. Mahal na mahal kita Isaac. Kung para talaga tayo sa isa't isa ay tadhana na mismo gagawa ng paraan para magtagpo tayo ulit. May sarili kang buhay at ayokong masira iyon ng dahil sa a---." "Umalis ka kung 'yan ang gusto mo wala na akong pakialam sayo." Walang emosyong pahayag ko saka s'ya iniwan. Nang mga oras na 'yuon ay linamon na ako nang galit ako. Iniwan ko ng gabing 'yon si Samantha na s'yang pinagsisihan ko kinabukasan. Madaling araw kinaumagahan ng pyesta nang matagpuan ang katawan ni Samantha na palutang-lutang sa ilog. Ang masakit pa wala na s'yang ulo ng makita ng mga residente. Gabi-gabi ko sinisisi sa sarili ko sa pagkamatay ni Samantha. Lagi ko s'yang naririnig na umiiyak at humihingi ng tulong sa tuwing matutulog ako. Lagi ko s'yang napapaniginip at dumating sa puntong nakikita ko s'ya saan man ako mapalingon. Ilang buwan din akong lugmok sa depresyon dahil sa pagkawala n'ya pero pursigido akong hanapin ang pumatay sa kanya. Ilang buwan kong hinanap ang lead suspect sa kaso ni Samantha. Halos hindi na ako makatulog mahanap lang ang mga demonyong pumatay sa nobya ko at hindi nga ako nabigo. Sa anim na buwan na ginugol ko ay nagbunga rin iyon sa wakas. Para maipaghigante si Samantha ay kailangan ko munang kalabanin ang buong Creston. Buong bayan ng Creston Fall ang kailangan kong kalabanin para makuha ang hustisya sa pagkamatay ni Samantha. Kahibangan kung tatawagin pero sa mga sinabi ni Miss Leonora mukhang ito na ang hinihintay kong pagkakataon para makaganti sa ginawa nila kay Samantha. Gamit ang babaing susunod na alay ay ako mismo ang sisira sa mga plano nila ngayong darating na pyesta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD